Chapter 40

13 1 0
                                    

Kenzo Villamar POV

Matapos ang eksenang nangyari sa Arcade ay dumiretso na kami sa 7/11 na pinagtatrabahuhan ni Ralph, Nakatambay lang ako dito sa Tabi ng Cashier kung saan mapapagmasdan ko siya ng mabuti, Parang hindi umiyak kanina kung makangiti ngayon sa mga Customer, Nagtap siya sa Harap ng lamesa ko kaya napaayos ako ng upo.

" Anong gusto mong kainin? " Tanong nito sa akin, Habang wala pang napasok na customer.

" Busog pa ako " Sabi ko dito.

" Mint Choco? " Tanong nya na Agad kong inilingan.

" Tinapay? " Ralph.

" Ayoko nga, Busog pa ako " Pag uulit ko.

" Sinong kasama mo sa bahay nyo nyan? " Tanong niya sa akin, Nagkibit balikat ako.

" Si Hamu " Sabi ko, Tumawa siya.

" Si Hamu?? Yung Daga nyo?? " Tanong nito, Tumango ako pero agad din nangunot ang noo.

" Hindi sya daga, Hamster nga sya " Pag tatama ko sa kanya.

" Oo nga, Pero mukha syang daga " Pagpilit pa nito.

" Oo, Pero hindi siya daga " sabi ko sabay irap.

" Kaya nga, Ano bang sabi ko?? " Ralph, Biglang may pumasok na customer kaya tumingin duon si Ralph, " Good evening po " Ralph, Sabay lingon muli sa akin.

" Ang sabi mo, Mukha syang daga " Sabi ko.

" Oo nga, Pero hindi sya daga diba sabi mo? " Ralph, Napakamot ako sa kakulitan ng mga sinasabi nya, Iyon din ang naging sanhi ng muli nyang pagtawa, Yung mainis ako sa kanya.

" Bahala ka nga " Sabi ko dito, Ginulo na naman nya ang buhok ko tsaka ako iniwan mag isa duon para asikasuhin ang binili ng Customer.

Nang dumating ang oras ng Out ni Ralph ay ginamit na naman namin ang Bike nya pauwi sa subdivision, Ipinarada muna ni Ralph ang bike sa tabi ng gate habang ako ay Kinapa ang susi sa Bulsa ng Bag ko para buksan ang Gate namin, Nang makapasok kami ay si Ralph na ang nagsarado ng gate.

" Pasok " Sabi ko dito, Binaba ko muna ang Bag ko sa Sofa namin.

" Mag isa ka lang dito " Ralph.

" Safe naman " Sabi ko, Tsaka pumasok ng kusina para kuhaan sya ng maiinom, Nakuha palang ako ng pitsel ay tumabi na sa akin si Ralph.

" Magpalit ka kaya muna ng damit " Ralph, Agad akong napatingin sa suot ko, Tama nga sya tsaka ko lang naramdaman ang lagkit na naiwan ng inumin sa katawan ko.

Oorder muna ako ng foods, Lumabas ako ng kusina para malapitan ang Bag ko, Kinuha ko ang Cellphone at Nilingon ko si Ralph na nakasunod ulit sa akin.

" What do you like to eat? " Tanong ko dito.

" Gusto ko yung luto mo " Sabi nito, Naiback ko ang app ng sabihin iyon ni Ralph.

" Luto ko? " Tanong ko dito, Ngumiti sya tsaka tumango.

" Miss ko na luto mo " Sabi nito.

" Matagal yun " Sabi ko dito, Inangat nya ang wrist nya para makita ang oras.

" Maaga pa naman bago mag midnight " Sabi nito natawa ako, Tuluyan ko ng kinuha ang Bag ko.

" Sige, Magpapalit lang ako Dito ka lang ahh " Sabi ko dito, Prente syang umupo sa Sofa namin na parang pagmamay ari nya ito, Sabay ngiti na naman sa akin.

Ralph To Kenzo (On Going)Where stories live. Discover now