"A-ano?"

Huminto siya hindi alam kung dapat bang sabihin ang mga sunod na salita.

"Pinagbabawal ng Emperor ang sirkulasyon ng Mirame ay dahil gusto niyang itago ang..." Umiling lang siya.

Nahihilo na ako. Nagiging malabo na si Vic sa paningin ko. Unti-unti na ring dumidilim ang paligid.

Tinitigan ko lang siya. Naririnig ko ang pintig ng pulso sa tenga ko na parang gustong lumabas nito.

"Vilan, hindi ko kailangang ibigay ang kapangyarihan sa'yo," marahan niyang sambit. May ngiti sa labi niya na parang gustong palakasin ang loob ko.

Hindi ko na siya maintindihan. Ramdam kong ang garalgal na paghinga ko. Na parang may nakabara na sa baga ko.

Dumodoble na si Vic sa paningin ko at gusto ko na lang matulog sa panghihina. Na parang hinihila na ako ng dilim.

"Kailangan ko lang gisingin ang kung ano mang kapangyarihan ang natutulog sa loob mo. Pero may mga kapalit." Pumupukol ang mga mata niya.

Hininitay ko ang susunod niyang sasabihin. Yung mga salita niya ay hindi ko na maintindihan pero naririnig ko pa rin siya. Ayaw na magproseso ng utak ko sa sobrang bigat at hapdi ng mga pisikal na sugat ko.

"Hindi ko alam kung anong kapangyarihan ang meron ka at hindi ko rin alam kung ano ang epekto nito sa'yo. Handa ka ba kung sakali mang may hingin ito mula sa'yo?"

Gamit ang hinalalaki niya dalawang beses niyang tinapik ang gitna ng noo ko at tinaas ang baba ko. Until light erupted from me. Halos mabulag ako at hindi ko na makita si Vic.

Parang mabibiyak ang utak ko. Naramdaman ko ang mundo at milyong boses ng lenggwaheng hindi ko maintindihan. Lumutang ang mga pamilyar na simbolo na nakita ko na nang ilang ulit sa loob ng Mirame. Parang bumalik ang diwa ko sa nangyari.

Hanggang sa naging itim ang ilaw na nagmumula sa akin.

Naramdaman kong dumaloy sa akin at sa balat ko ang kakaibang enerhiya na nagmumula sa akin na konektado sa pinakasentro ng mundo.

Naramdaman ko ang enerhiya ng mga namamatay sa oras na ito na parang sinusunog nito ang balat ko bawat segundong may kamalayan ako. Hindi ko rin alam kung paano nangyari iyon. Pero nararamdaman kong ang pagkuha ng enerhiya ng mga namatay pabalik sa kailaliman ng mundo.

Hanggang sa tumaas ang kamay ko na parang may inaabot. Power flowed through my fingertips and oblivion exploded through the space.

Doon lang din narealized ni Vic at mabilis siyang kumilos para iwasan ang pabagsak ng haligi. Naibagsak niya ako at gumulong sa malayo at ligtas.

May tumamang kahoy sa likod ni Vic dahil naabutan siya ng gumuhong haligi.

Tumalsik ang dugo sa bibig niya. Natabunan si Vic. Sinubukan kong tumayo kaso nanghina ako. Napasigaw na lang ako.

"Vilan!" yugyog sa akin ng kung sino. Nang makita ko ang nasa harapan ay nakita ko si Zetian. "Vilan! Anong nangyayari sa'yo?" Napamura siya nang makita ang sariwa pang sugat ng dibdib ko. Napaluhod siya sa panghihina sa sinapit ko.

Tila ba bumalik sa akin ang katinuan.

"Humingi ka ng tulong. Zetian!" Napansin kong natuliro sa pagkabigla si Zetian kaya tinampal ko siya sa pisngi. "Tumingin ka sa akin. Zetian. Huminga ka ng tulong. Zetian!"

Tumango si Zetian at hindi nakaligtas sa akin ang pagtutubig ng mata.

"Babalik ako. Saglit lang. Babalik ako." At tumakbo ito nang mabilis.

Hindi ko pwedeng hayaan na makita nilang nandito si Vic. Dahil malaking gulo kung madadawit siya sa nangyari ngayon.

Nakalapit na ako sa kan'ya. Sinubukan kong tanggalin ang mga debris at kahoy. Tumutulo na ang luha ko dahil wala ng malay si Vic at maputla na siya. Hinang-hina ako na inisa-isa ang mga bato. Pero hindi ako tumigil kahit na nanginginig na ang buong katawan ko sa matinding sinapit.

"Ako na." Nagulat ako nang biglang may matanda.

Malamlam ang mata nito nang tinagpo ako. Malungkot ang eksperesyon nito nang makita ang nangyari mula sa mga mata ko.

Hanggang sa sumulyap siya sa likod ko kung nasaan ang naglalaho ng pigura ni Zetian para humingi ng tulong at mahinang bumulong: "Nangyari pa rin."

Gumamit ito ng kapangyarihan para tanggalin ang mga nakadagan kay Vic. Inalalayan si Vic ng matandang nakasuot ng traditional wool robe na karaniwang suot ng mga Palace Masters.

Nanghihina akong lumapit kay Vic. May pulso pa ito. Tumakas ang hikbing pinipigilan ko.

"Vicious is a god. Hindi siya mamamatay ng basta-basta." Huminga itong malalim. "Kaya Vilan, kalimutan mo ang mga bagay na dapat kalimutan. At ang tanging mananatili ay ang nangyari sa'yo. Hanggang sa muli."

Malungkot ang mata nitong ginawaran ako ng ngiti.

At bumagsak ang katawan ko.


+++++

Let me know if may mga nagbabasa po ng story na 'to by voting. It motivates me to write too hehehe

Thank youuuu <3

Mad and Vicious: Empress VilanWhere stories live. Discover now