Tawa nang tawa si Lady Sarika at naluluha na siya. Buti ay pinatigil niya na akong kumanta dahil nakuha niya na ang gusto niya. Naaliw na siya. 

Huminga akong malalim at tumawa rin para sabayan sila. Para magmukhang tanga na walang kaalam alam sa mundo dahil walang kapangyarihan ang pamilya ko. 

Walang magliligtas sa akin kundi ako. 

"Nakakatawa siya. Saan mo siya napulot?" sabi ng isa sa mga kaibigan ni Third Prince na galing rin sa kilalang pamilya. 

"Kilala mo naman ako. Kilala ko lahat ng bagong salta. Para mailagay ko sila sa mga pwesto nila. And she never failed me." Kindat ni Lady Sarika at humarap sa akin. "Good job, Mada." 

Lumapit sa akin si Lady Sara. 

"Okay ka lang ba?" mahina niyang tanong. 

Ngumiti lang ako sa kanya. 

Umupo na nga ako sa dati kong pwesto. Pero napansin kong hindi pa pala tapos si Lady Sarika. 

"Now you, Olga. Swim." 

Naiiyak na agad ang mukha ni Olga at naramdaman ko ang takot niya. Tumingin ito sa akin na parang gusto manghingi ng tulong. Umiwas ako ng tingin. 

Iniexpect niya ba na ililigtas ko siya dahil lang sa mas matigas ang sikmura ko? 

Bakit pakiramdam ko ako ang gusto niyang sumalo para sa kan'ya?

Hanggang ngayon ba hindi niya pa rin nakikita na masyadong magkaiba ang kinatatayuan namin sa mga taong 'to? 

Hindi ba dapat naiintindihan niya na ang sitwasyon? Isang buwan na kaming ganito. 

Si Olga ay anak ng magsasaka at malayong probinsya rin siya galing. Paboritong kutyain ni Lady Sarika si Olga dahil sa kulay nito dahil bilad sa araw gawa ng pagtulong sa pagsasaka. 

Mas malala ang trato sa kaniya dahil lagi siyang humihindi. Lumalaban siya. 

Pero bilib ako sa kanya. Isang bagay na hindi ko pwedeng gawin dahil aware ako sa estado ng pamilya ni Lady Sarika. 

Umiling si Olga at iiyak na naman. 

Hindi ko siya tutulungan. Kasi kapag tinulungan ko siya ako naman ang mapapahamak. 

Hindi ako magliligtas ng kahit na sino lalo na kung alam kong ako rin ang magsusuffer sa huli. 

"Swim, Olga. Swim," ulit ni Lady Sarika. 

Nakatingin lang ako kay Olga habang hinihintay na tumalon siya sa tubig. Pero hindi niya ginawa. Tumakbo siya papalayo habang umiiyak. 

Nakita ko kung paano nag-iba ang ekspresyon ni Lady Sarika. Natahimik kami ni Lady Sara. 

Hindi ako natuwa nang bumaling sa akin si Lady Sarika.

"Ayaw ni Olga? Ikaw ang pumalit, Vilan. Langoy." 

Hindi ako nagdalawang isip. Walang magliligtas sa akin kahit humingi ako ng tulong. Kaya walang pag aalinlangan akong tumalon sa tubig.

Alam kong mas malala magparusa si Lady Sarika dahil ayaw niyang napapahiya lalo na at nand'yan ang Third Prince. Tiyak na kapag hindi ko ginawa ang inutos niya ay katapusan na ng tahimik kong buhay sa academia. 

Narinig ko ang masayang sigaw ni Lady Sarika sa gulat nang tumama ang katawan ko sa tubig. 

Hindi ako marunong lumangoy. Bahala ng malunod. Bahala na. 

Ang dumi ng tubig. Normal pa lang magpanic kapag alam mong hindi ka marunog umahon at nararamdaman mong naninikip na ang dibdib mo sa kawalan ng hangin? 

Naaawa ako sa sarili dahil nalulunod na ako at parang bumibigat na ang katawan ko.

May liwanag akong nakita. Pumikit ako sa silaw. Hanggang sa bago ako matuluyan ay naramdaman ko lang na nasa ere ako. 

Nakalutang. 


+++++

Hello! If naghahanap kayo ng righteous o mala hero type na protagonist I'm sorry pero hindi ganon si Vilan at iba pang characters dito. Vilan is a morally grey character. 

Don't expect na mababait sila or what. Don't expect rin na lagi silang selfish or questionable ang actions. As much as possible gusto kong ipakita ang balanseng katauhan ng bawat characters. Ayon lang. :)

And in the future very questionable ang mga actions nila and some would be problematic dahil nga sa mga mangyayari sa kanila. Dahil na rin sa paraan kung paano sila lumaki at dahil na rin sa personality nila. 

This note is not an excuse for their future actions. Ano to kumbaga para ready lang kayo. HAHAHAHA. 


Mad and Vicious: Empress VilanWhere stories live. Discover now