chapter thirty five

Start from the beginning
                                    

Nang makauwi kami ay pinagpahinga muna ako ni daddy sa kwarto. He has a business to do pa raw kaya pupunta siya ng company. He was a former senator at five years na simula noong bumaba siya sa pagka senador. I don't know paano nangyari 'yon at ano ang dahilan but I don't have the guts to ask him. There's something saying me to keep quite.

Hinahaplos ko ang tiyan na hindi pa masiyadong halata habang naglalakad sa mall. Wala naman akong balak na bilhin pero gusto kong tumingin ng mga gamit ng baby ko. Thirteenth weeks pa lang  siya bukas.

"Hello?"

"Good morning, babe, nasaan ka? Wala ka dito sa bahay niyo." Si Edgar sa kabilang linya.

"Nasa labas lang ako, babalik din ako before lunch." Sagot ko habang iginagala ang paningin sa kabuuan ng mall. May nakita akong stall na ang lahat ng binebenta ay mga gamit para sa baby, napangiti ako at naglakad papalapit doon.

"Hmm, gonna wait for you. May good news ako."

Napangiti ako sa narinig, "anong good news 'yan? Bawal ba sabihin over the phone?" Asar ko sa kaniya.

I heard him chuckled. "Much better if I tell you in person."

"Sus, gusto mo lang ako makita e, miss mo na agad ako?"

"Hmm, Sandra is on her way."

"Okay, maghintay pa kayo ng ilang oras. Bye!"  Natawa ako sa sariling kalokohan. Tiningnan ko ang baby crib na kulay pink, cute na cute ako at gusto ng bilhin pero hindi ko pa alam kung anong gender ng baby ko. Nilibot ko ang kabuuan ng stall, mga cute na damit pangbaby, gwantes, at may ilan din na mga laruan. Pinagsawa ko ang mga mata bago napagpasiyahang lumabas. I can't wait to back here and finally buy for my babies.

"Ouch! Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo!" Malakas na boses ng babaeng nakabanggaan ko. Pareho kaming naupo sa sahig dahil sa lakas ng impact, agad kong pinakiramdaman ang sarili. Kinakabahan ako na baka may mangyaring masama sa baby ko. Nang maramdaman na ayos lang ay tumayo na ako, kailangan ko pa ring pumunta sa doctor para malaman kung safe lang ba ang baby ko.

"Sorry, kailangan ko ng pumunta sa ospital," nagmamadalo kong sabi habang pinupulot ang laman ng bag ko na nagkalat sa sahig. Bigla rin natahimik ang nakabungguan ko, hindi ko na pinagtuusan ng pansin ang kaniyang mukha.

"C-Cathy?" Nagtaas ako ng tingin nang marinig ang pangalan ko. Natigilan ako ng makita ang mukha ng babaeng nakabanggaan ko. Lalo siyang gumanda, ang mahaba niyang buhok noon ay hanggang balikat na lang ngayon.

Lumapit siya sa akin at tinulungan akong tumayo. "How are you? Are you okay? Bakit mo pa need na pumunta sa hospital?" Sunod-sunod na tanong niya. Wala pa akong nasasagot sa tanong niya ay nasundan na naman ito, "kamusta na kayo ni Aron? I have a tampo sa'yo, hindi mo na ako kinontak simula nong sinabi mong may date kayo ni Aron. Kinalimutan mo na ako?"

"K-Keilah?"

"What? Hindi mo pa sure ang name ko? Do I need to give my ID pa ba? Gusto mo lang yata tumakas sa mga questions ko," nakaismid niyang sabi.

Napangiti ako dahil sa inakto niya, hindi ko man naaalala ang iba pero siyang siya pa rin ngayon ang Keilah sa kaunti kong naalala noon. "N-No. Mahaba kasing kwento,"

"Edi i-kuwento mo. Hindi mo ba ako namimiss? Ako, hindi rin kita miss." Umirap siya sa akin at nag-iwas ng tingin.

"Miss kita, gusto kong ikwento sa'yo ngayon pero kailangan kong pumunta sa ospital. Baka kasi napasama ang bagsak ko,"

"Oa ka, ang hina lang ng pagkakabagsak mo 'no, di ka naman maano e."

"No, hindi ako..." hinawakan ko ang tiyan ko at hinaplos 'yon.

If You Could See Me Now (Completed)Where stories live. Discover now