chapter thirty four

Start from the beginning
                                    

Kinuha ko ang bananacue na niluto ko ng maaga at sinawsaw iyon sa gatas. Sarap! Nakapikit akong kumakain, ninanamnam ang sarap ng pagkain ng marinig kong tumikhim si daddy. Tumingin ako sa kaniya, nagtatanong ang mga mata. "Kamusta po ang business trip?" Tanong ko habang ngumunguya ng bananacue na sinawsaw sa gatas.

"Ayos..." Tumikhim si daddy. "...lang naman. Ikaw ba?" Balik niyang tanong. Tiningnan niya ang kinakain ko at nagtaas ng kilay, "hindi ba sasakit ang tiyan mo diyan sa kinakain mo?"

"Hindi po. Masarap nga, e!"

Tumango si daddy. Humigop siya ng kape at tumingin ulit sa akin. "Pinuntahan ko ang mga kumupkop sa'yo," panimula niya. Natigil ako sa pagkagat ng bananacue at napabuntong-hininga.

"Ayos lang po ba sila?" Nakayuko kong tanong.

"Maayos naman, magaling na si Lucia sa sakit niya, naoperahan na siya. Si Luisito naman ay may sarili ng koprahan ng mga lukad."

Namayani ang katahimikan sa amin hangaang sa binasag ito ni daddy. "Bakit hindi mo bisitahin ang...mama at papa mo?" Tanong niya, mabilis kong nilipat ang tingin sa kaniya. Nakatingin siya sa akin ng diretso na parang hinihintay ang sagot ko.

"Hindi po kayo...magagalit?"

"Bakit naman ako magagalit? Inaruga at inalagaan ka nila ng parang tunay nilang anak. Naramdaman mo ang pagmamahal ng isang magulang sa kanila na hindi ko nagawa." Naluluhang sabi ni daddy. "Kaya wala akong karapatan na magalit sa kanila. Dapat pa nga akong magpasalamat, kundi dahil sa kanila na nagmalasakit na tulungan kang makalabas sa sinasakyan mong bus ay baka tuluyan kang nawala sa akin. Sila ang dahilan kung bakit nakakausap ulit kita ng ganito, katulad noong ikaw ay bata pa at buo pa tayong pamilya. Ang mama mo, ako, at ikaw na munti naming anghel."

"Pero nahihiya po ako, hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanila."

"Kung totoong gusto mong magpasalamat sa pag-aalaga at pagmamahal nila sa'yo, hindi mo mararamdaman ang hiya dahil bukal sa puso mo ang gusto mong mangyari." Hinawakan ni daddy ang kamay ko. "Gawin mo ang mga bagay na gusto mong mangyari hangga't hindi pa huli ang lahat. Nakasuporta lang ako sa'yo, anak."

Tumayo ako at lumapit kay daddy. "Thank you po, I love you!"

"Mahal na mahal din kita, anak." Niyakap ako pabalik ni daddy. Bumalik ako sa upuan at nagpatuloy sa pagkain. Lately, napansin ko na ang weird ng mga gusto kong kainin pero palaging hindi nawawala ang gatas. Noong isang araw, mangga na hilaw na isasawsaw sa gatas. Tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa mesa, sinagot ko 'yon habang ngumunguya.

"Kumakain ka na naman? Tumaba ka sana!" Bungad ni Sandra. Simula noong naalala ko na ang ibang pangyayari sa buhay ko ay gumaan ang loob ko kay Sandra, naging close kami dahil kay Edgar. Mabait naman pala siya, sadyang mataray at maarte lang pero may tinatagong kabaitan. Isa pa, may naaalala akong isang tao sa katauhan niya. Parehong mataray at maarte, minsan natatawa na lang ako sa nangyayari sa buhay ko. Bakit parang nagiging kaaway ko muna ang mga naging kaibigan ko? Maliban noong hindi pa ako nakakaalala.

"May pagkain kasi, ano bang sadya mo at ang aga mong mangbulabog?" Tiningnan ko si daddy at nginitian. Binanggit ko ang pangalang Sandra na walang boses na lumabas sa bibig ko, tumango si daddy bago nagpatuloy sa pagkain. Kilala na niya si Sandra na ilang ulit ng pabalik-balik dito sa bahay kasama si Edgar.

"May mini concert si Edgar sa mall sa linggo, punta tayo baka magtampo ang lalabs mo."

"Ayoko," pang-aasar ko dito.

"Edi huwag, 'di naman kita pipilitin. Asa ka pa!" Balik na asar niya saka ako binabaan ng tawag. Napailing na lang ako dahil sanay na ako sa pagiging mataray niya.

from: Sandra—gon,

'Pupuntahan kita sa linggo diyan sa inyo. Three pm sharp, kapag hindi ka pumunta, hindi na rin ako pupunta! And please, stop eating those yucky foods! Kaya ka nagsusuka e! Bye!

Tamo, may pa blackmail pa na hindi siya pupunta kapag hindi ako pumunta. Ang huling tanda ko ay hindi kami magkasundo ni Sandra at ayaw niyang nalalapit ako sa kaniya pero bakit biglang nag-iba ang ihip ng hangin?

"Sa taas lang po ako, Daddy." Paalam ko nang matapos sa kinakain. Gusto ko mang hugasan muna ang pinagkainan ay hindi ko magawa, baka kasi kapag pinilt ko maghugas ay mabasag ko lang ang pinggan. Antok na antok ako kahit na kagigising ko lang naman. Parang ang bigat ng talukap ng mga mata ko. Noong pinigilan kong matulog noong nakaraan ay sumakit lang maghapon ang ulo ko.

"Kumain ka na ba ng agahan?"

"Hindi pa po, I'm full." Tumango siya at hindi na nagsalita. "Pahinga rin po kayo." Humalik ako sa pisngi niya.

"I will, Princess... You too."

Dumaan ang ilang araw na ganon pa rin ang routine ng buhay ko. Magkasama naming pinanood ni Sandra si Edgar sa mini concert niya sa mall na napuno rin naman ng mga tao. Maganda ang boses ni Edgar, buo at masiyadong panglalaki ang kaniyang boses na parang galing pa sa malalim na balon.

Nanonood ako ng tv ng maalala ko 'yong pasalubong na durian ni daddy. Agad akong tumayo at pumunta sa ref, kinuha ko iyon at nilagay sa lababo para hugasan.

Bakit...parang ang baho? Sa hindi ko malamang dahilan ay nangilid ang luha sa mga mata ko hanggang sa tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko. Panis na ba 'yong pasalubong ni daddy? Hindi ko man lang natikman, lalo akong naiyak nang marinig ang paboritong kanta ni manang Tasing na palagi niyang pinapatugtog sa kaniyang lumang karaoke na hindi niya pa rin pinapalitan dahil regalo daw 'yon ng kaniyang asawa.

Feel I'm going back to Massachusetts,
Something's telling me I must go home.
And the lights all went out in
Massachusetts
The day I left her standing on her own.

Tried to hitch a ride to San Francisco,
Gotta do the things I wanna do.
And the lights all went out in
Massachusetts
They brought me back to see my way with you.

"Princess? Anong nangyari?" Lumapit sa akin si daddy na may pag-aalala sa kaniyang mga mata.

"'Yong duruian po..." Nasinok ako habang humihikbi. "...ang baho," sabi ko at lalong lumakas ang iyak. Nakita kong natigilan si daddy, "g-gusto ko lang naman po kainin 'yong pasalubong niyo tapos biglang ganon."

"Samahan niyo po ako sa mall, bili po tayo ng mabangong durian." Sabi ko kay daddy na tahimik at tulala pa rin.

"Daddy?" Hinawakan ko ang braso niya at mahinang niyugyog.

"Y-Yes?" nauutal niyang sagot na parang nagising.

"Durian po... Punta tayo sa mall, bili tayo ng mabangong durian," sabi ko habang sumisinghot.

If You Could See Me Now (Completed)Where stories live. Discover now