Chapter 81 Huling Away

Magsimula sa umpisa
                                    

Pinagsusuntok ko siya sa dibdib niya, hindi siya umiwas. Sinasalo niya ang bawat suntok ko sa kanya.

Bigla siyang lumuhod sa akin. Niyakap niya ang binti ko at umiyak siya.

I was stunned when I heard him crying.

Umiiyak siya.

Inaalis ko siya sa pagkakayakap niya sa mga binti ko.

"Pinagmukha mo akong tanga!"

Tinulak ko siya ng malakas kaya napaupo siya sa tiles.

"Tinanggap ko ang bastrado mo! Tinaggap kita! Tinanggap ko na ayaw sa akin ng nanay mo! Tinanggap ko ang lahat! Pero bakit naman ganito ang ginawa mo sa akin?! Tangina Kier! Pagod na ako, ayaw ko ng lumalaban, pagod na akong ilaban itong marriage na ito. Nakakapagod na! Pinipilit kong ilaban lahat, pero binibigyan mo lang ako ng dahilan para sumuko!"

"Please, don't give up," umiiyak na sabi niya.

Tumingin siya sa akin, at umiiyak na siya.

"Tangina mo! Napaka peke mo!" Hindi ko mapigilan ang sarili ko na murahin ko siya.

"Ano wala kang masabi?! Wala kang masabi kasi totoo lahat ng sinabi ko! Isa kang sinungaling manipulator!"

"Please, give me a chance. I'll prove to you that I have changed and won't repeat my mistakes."

Nagmamakaawang sabi niya.

"Huwag mo akong hahawakan!" Pigil ko sa kanya nang akmang lalapitan niya ako.

Sumunod siya sa akin, at nanatili sa pwesto niya.

Gusto kong maawa sa kanya pero mas nangingibabaw ang galit ko sa kanya.

Nakita ko si Vane na nakatayo sa pinto habang nakatingin sa aming dalawa.

"I won't clean my name. Everything you know is true. I made a mistake. Hundreds of mistakes. Please, give me another chance to correct all of it."

Hindi ko siya pinakinggan.

"Nagsisisi ako na nakilala kita! Sana hindi na lang ikaw ang nakilala ko! Sana hindi na lang nagtagpo ang landas nating dalawa! Pinagsisihin ko ang lahat ng sa atin! Oo, naging masaya ako sa'yo, pero kung ganitong sakit ang mararamdaman ko sa huli ay sana hindi ko na lang naramdaman ang ganoong saya sa piling mo!"

Nahihirapan na akong huminga dahil sa pag iyak ko.

Dinudurog niya ako. Pinagmukha niya akong tanga. Akala ko siya na ang taong para sa akin, akala ko hindi niya ako kayang saktan, akala ko iba siya sa lahat. Maling akala lang pala ang lahat.

Minahal ko siya kasi siya ang nagparamdaman sa akin sa lahat ng bagay. Kier made me his priority, palagi niya akong sinusuyo, at hindi niya ako sinasabayan sa galit ko.

Iniintindi niya ako, hindi siya nagasawang intindihin ako. Hindi niya ako iniwan, sinamahan niya ako sa lahat ng phase ng buhay ko. Pero, bakit naman ganito?

Kung anong saya ang na pinaramdam niya sa akin noong una, ay sobrang sakit ang pinaparamdam niya sa akin ngayon.

Ginawa ko siyang mundo ko.

Meron akong trust issues, pero para sa kanya pinilit ko ang sarili ko na pagkatiwalaan siya, kasi sabi ko sa sarili ko na naiiba siya sa lahat.

Hindi magandang ipilit ang bagay na hindi naman dapat.

"Our marriage may be fake, but my love for you is accurate. I love you more than my life," sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.

Mas umiyak lang ako sa sinabi niya.

"I know you don't want to believe me anymore because of my lies. I will never fake my love for you."

Mas naninikip ang dibdib ko sa sinabi niya.

"Kung mahal mo ako, bakit kailangan mo akong saktan ng ganito? Masyadong mapanakit ang pagmamahal mo," nanghihinang sabi ko sa kanya.

Yumuko lang siya. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak niya sa harapan ko habang nakaluhod.

Parang hindi siya ang dating Kier na matapang, na mayabang at masama ang ugali. Napaka weak niya ngayon sa harapan ko.

"Ang tunay na pagmamahal ay hindi masakit," paalala ko sa kanya.

Tumingin ako sa direksyon ni Vane, at malungkot siyang tumingin sa akin.

"Hindi totoo ang pagmamahal mo, kasi kung totoo iyan, ay hindi mo ako sasaktan ng ganito. Hindi mo ako magagawang saktan, at pagsinungalingan ako."

"I never lie to you," garalgal ang boses niya.

"Hindi ba talaga? Lalaki ka nga, huling-huli ka na nagsisinungaling ka pa," lait ko sa kanya.

Iniwan ko siyang nakaluhod.

Sumama ako kay Vane, at nagpahatid ako sa kanya sa bar.

Ilang araw akong umuuwi ng lasing. Inaasikaso ako ni Kier kapag lasing akong uuwi, pero wala siyang sinasabi.

Tahimik lang siya.

Ramdam ko na gusto niya akong kausapin, pero pinipigilan niya ang sarili niya. Ayaw niya kasi na nag-aaway kami.

Isang gabi ay naalimpungatan ako dahil sa iyak na narinig ko.

Akmang gagalaw na ako nang ma realized ko na mahigpit na nakayakap sa akin si Kier habang umiiyak siya.

"I'm sorry for everything I did; I regret all of it," umiiyak na sabi niya.

"I didn't mean to hurt you. I don't want to hurt you. I don't want to tell you that our marriage is fake because I know it'll hurt you. I want us to get married not to cover the mistakes I made, but to marry you for real, to start a new life with you. I love you so much."

Nagpanggap ako na tulog habang nakikinig sa mga sinasabi niya.

"I'm scared to lose you. It's okay that you're treating me coldly as long as you won't leave me. Please don't leave me," umiiyak na pakiusap niya.

Billionaire's Hardheaded WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon