Chapter 73 Mother in-law

Magsimula sa umpisa
                                    

Napapitlag ako nang mahuli ako ni mama.

Umatras ako ako dahil sa pagsigaw niya. Mukha na siyang kinakabahan.

Kinakabahan siya dahil baka may narinig ako. Narinig ko ang lahat.

"Sino ang gusto mong ipapatay?" Malakas na loob na tanong ko sa kanya.

Masamang pumatay ng ibang tao.

"So, narinig mo ang lahat," sarkasmong sagot niya sa akin, at ngumisi.

Umatras ako ng lumapit siya sa akin.

"Ang anak ba namin ni Ken ang gusto mong ipapatay?" Lakas loob na tanong ko sa kanya.

Tinaasan niya ako ng kilay at tumingin siya sa tiyan ko.

"Sigurado ka bang anak ni Fiero iyang dinadala mo?" Akusa niya sa akin.

Ano ang gusto niyang sabihin? Iniiba niya ang usapan. Hindi niya man lang sinagot ang tanong ko.

"Huwag mong ibahin ang usapan," matigas na sabi ko sa kanya.

"Hindi ka naman siguro tanga para hindi mo maintindihan ang pinag-usapan namin," makahulugang sabi niya.

"Hindi ako naniniwala na anak iyan ni Fiero. At kung anak iyan ni Fiero, ay wala akong pake," puno ng galit na sabi niya.

May galit ba siya sa akin?

"Wala naman akong ginawang masama sa'yo, alam ko naman na ayaw mo sa akin pero bakit kailangan mong idamay ang anak namin?!" Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na sigawan siya. Nawalan na ako ng pasensya sa kanya.

Inintindi ko siya, at pinakasimahan. Pero, bakit? Bakit kailangan niyang idamay ang anak ko sa galit niya sa akin? Tama ang kutob ko na ayaw niya sa akin. Nakipag plastikan siya sa akin.

"Masyado kang pa-inosente kagaya ng nanay mong kabit!"

Napapitlag ako sa sobrang lakas ng sigaw niya. Walang makakrinig sa amin dito, dahil nasa dulo kami ng bahay, at walang masyadong pumupunta dito.

Ano ba ang sinasabi niya?

"Hindi ko alam ang sinasabi mo, hindi kabit ang nanay ko! At hindi ako kabit!" Matapang na sagot ko sa kanya.

Mas lumaki ang ngisi niya, at masama na din ang tingin niya sa akin.

Hindi ako makapaniwala na darating kami sa sitwasyon na ganito. Sa punto na magkakasagutan kaming dalawa.

"Tanga ka na bobo ka pa! Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan sa'yo ni Fiero!" Ganting sigaw niya sa akin.

"Alam mo na ampon ka lang diba?" Ngisi niya.

"Matagal ko ng alam na ampon ka lang. Pinakasalan ka lang ng anak ko dahil sa kumpanya ng mga umampon sa'yo. Unang kita ko pa lang sa'yo ay ayaw na kita. I checked your background at doon ko nalaman na ampon ka lang," kwento niya.

"I also found out who's your biological parents. Napaka mapaglaro nga ng tadhana," ngisi niya, at ngumiti ng malungkot.

"Akalain mo iyon? Ikaw ang anak ng kabit ng asawa ko," sabay tawa niya.

"Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo."

"Hays, bakit ba ang tanga mo? Masyado kang tanga," lait niya sa akin, "isang kabit ang tunay mong ina. At kabit siya ng asawa ko. Iyung asawa ko na iniwan ako dahil sa dukha mong ina! Hindi ko nga alam kung bakit ako iniwan ni Ramon para sa nanay mo. Mas mayaman naman na ako kesa sa kanya!"

Puno ng galit ang kanyang mga mata.

Ang tunay kong ina ang kabit ng asawa niya?

"Tanggap ko na hindi ko kayang magka-anak, pero 'iyung malaman ko na iniwan ako ng asawa ko dahil sa kabit? And worst, mas lamang ako sa ipinalit sa akin," ngumiti siya ng mapait.

"Kaya ayoko sa'yo! Naalala ko ang lahat ng ginawa sa akin ng asawa ko! Ikaw ang anak ng kabit ng asawa ko! Mamatay ka na! Kayong dalawa ng anak mong salot!" Parang baliw na sabi niya at hinawakan niya ako ng mahigpit sa braso.

"Bitawan mo ako! Isusumbong kita kay Fiero!" Natatakot na sabi ko sa kanya.

Sinubukan kong alisin ang pagkakahawak niya sa akin.

"Diyan ka magaling! Ang magsumbong sa anak ko! Hindi ka paniniwalaan ni Fiero dahil ako ang ina niya! Ako ang nagpalaki sa kanya! Kaya ang anak mo ay dapat din mawala! Mawala ka na sa landas ko! Deserve mo mawalan ng anak para maramdaman mo ang nangyari sa akin! Sinira ng ina mo ang buhay ko!" Parang baliw na sabi niya habang pahigpit ng pahigpit ang pagkakahawak niya sa akin.

Inipon ko ang lakas ko at tinulak ko siya.

Tatakbo na ako.

Humakbang ako para tumakbo pero mabilis siyang nakatayo sa pagkakatulak ko sa kanya, at hinila niya ang buhok ko.

"Papatayin ko iyang anak mo! Kapag nangyari iyon ay iiwan ka din ni Fiero!" Galit na sabi niya at hinila ang buhok ko.

"Dapat mong maranasan ang naranasan ko!"

"Bitawan mo ako! Wala akong kasalanan sa'yo!"

Nagpumiglas ako sa kanya.

Masakit na ang anit ko dahil sa paghila niya sa buhok ko. Mukha na din siyang nababaliw.

Ang hindi ko inaasahan ay bigla niya akong itulak na malakas. Nabangga ang likod sa isang bagay at malakas akong natumba kasama ang bagay na iyon.

Napadaing ako sa sakit.

Nanlalabo ang paningin ko.

Bigla ko na lang naramdaman na may nahulog sa taas, at tumama iyon sa noo ko.

Mas lumabo ang paningin ko. I want to ask for help pero hindi ako makagalaw. Hindi ko maimulat ang mga mata ko. Bumibigat na ang talukip ng mata ko.

Masakit ang tiyan ko. Kumukirot iyon.

Hindi ko na magalaw ang sarili ko.

Bago ako mawalan ng malay ay narinig ko ang malakas niyang tawa.

Ang anak ko.

Billionaire's Hardheaded WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon