Chapter 42 Accusation

Start from the beginning
                                    

Nakikinig lang ako sa kanila kahit na wala naman akong ma-gets sa pinag-uusapan nila.

"He wants to talk to you personally."

"What is his name?" Kier asked seriously and stops flipping the pages.

Napatingin ako kay Ken nang hawakan niya ang kamay ko.

"He wants to meet you personally. He doesn't want to reveal his name unless he meets you."

Hinahaplos niya ang kamay ko gamit ang hintuturo niya. Alam ko na seryoso siya sa buhay pero mas seryoso pala siya kapag usapang negosyo.

Napaka sipag ng lalaking ito, halos hindi na siya natutulog kaka-trabaho, pero may oras pa naman sa akin hindi kagay dati na sa trabaho lang umiikot ang kanyang mundo.

"Are we going to close the deal?" Tanong nung naka polka dots na coat kay Kier, nag-iba na naman ang topic.

Marami pa silang pinag-usapan na hindi ko ma-gets at habang nag-uusap sila ay inaantok ako. Ang sarap pakinggan ng mga seryosong boses nila. Nakaka-antok sila pakinggan. Para lang akong nasa isang boring na subject.

"Hey, the meeting is done." Bulong niya sa tenga ko habang bahagyang tinapik ang pisngi ko.

Nakatulog yata ako. Hindi ko alam kung nakatulog ako kasi naririnig ko naman silang nagsasalita pero pagbukas ko ng mga mata ko ay kami na lang dalawa ang nandito sa office niya.

Nakatulog ba ako?

Ang tagal din nila mag-usap.

"Let's eat our dinner bago ka matulog." Marahan na sabi niya at kinintalan ako ng halik sa noo.

Tinatamad na akong tumayo at umuwi. Ang layo ng uuwian namin at gusto ko na lang humiga.

Sumandal ako sa balikat niya at niyakap ko ang braso niya sabay pikit ng aking mga mata. Gusto ko na lang na dito kami.

Nakakatamad at nakakapagod na mag biyahe.

"C'mon, let's go, it's already time." Pilit niya sa akin.

Mas niyakap ko pa ang kanyang braso at lalong nagsumiksik sa kanya.


"Huwag na tayong umuwi." Tinatamad na sabi ko.

"Do you want to stay in my condo?" Napamulat ako ng mata sa tanong niya sa akin. May condo siya?

"Mag o-order na lang ako ng pagkain kung ayaw mo ng lumabas pa." Sabi niya sa mababang boses at hinahaplos ang buhok ko.

"Don't cut your hair." Sabi niya nang tinanggal ko ang kamay niya sa ulo ko.

"Bakit?" Inaantok na tanong ko.

"I like it." At muling hinaplos ang buhok ko.

"Mas lalo akong inaantok, ano ba!" Iritang bawal ko sa kanya.

"Okay, hindi na. Tara na." Aya niya sa akin pero hindi naman siya gumagalaw.

"Ang layo ng uuwian natin." Ungot ko.

"Nakakatamad!"

Hindi niya pinansin ang sinabi ko.

"C'mon, para makapagpahinga ka na." His baritone voice.

Dahil ayaw ko tumayo at kanina pa niya ako pinipilit na umuwi ay binuhat niya ako hanggang sa sasakyan.

Tahimik lang kaming umuwi.

"Shielyn, kumain ka na muna." Pigil niya nang papasok na ako sa kwarto. Sa bahay na kami umuwi. Mag ba-biyahe din naman kami so, bakit hindi pa kami dito uuwi.

Tamad na tumingin ako sa kanya. Hindi na ako nagmatigas at nakinig sa kanya.

Ang tahimik namin.

Napagod ako sa araw na ito kahit wala naman akong ginawa.

Billionaire's Hardheaded WifeWhere stories live. Discover now