"Tapos, ayun naman po ang scanning. Recorded iyan. Nalalaman diyan ang mga bumibisita sa company." Turo niya sa parang CCTV na nakasabit sa wall.

"Madam, hindi ka rin po ba marunong magsalita? Ang dami ko na po sinabi. Wala man lang po bang comment diyan?" Demand niya sa akin.

Masasabubnot ko na ang secretary ni Ken. Ang dami niyang alam. Parehas sila ng boss niya namadaming alam

Kung siya ang kasama ko buong araw, maiirita ako sa kadaldalan niya. Mukhang hindi siya nauubusan ng sasabihin.

"May mini garden dito sa loob Ma'am. Gusto mo po ba magdilig ng halaman do'n?"

"Magtatanggal kami ng mga pakelamerang secretary. Gusto mo matanggalan ng trabaho?"

Nagpatuloy kami sa paglalakad.

"May pagka tigre ka pala Ma'am. Hindi ka ma-joke. Jokie jokie lang po iyon, Madam." Biglang bawi niya sa sinabi niya.

"Dapat ganyan madam! Kagatin mo ang mga babaeng lumalandi kay ser!" Malakas na sabi niya

"May lumalandi kay Ken?" Mahinang tanong ko.

"Madam! Sobrang dami nila! Ganyan kadami!" Pinakita niya sa akin kung gaano kadami Gamit ang kamay niya

" 'yung business partner ba niya may something ba sa kanila? Nilalandi ba niya si Ken?" Curious na tanong ko.

Nag-isip muna siya.

"Bilhan mo muna ako ng espresso bago ko sabihin sa'yo." Ngumiti siya sa akin ng malapad.

Hindi ko namalayan na nandito kami sa canteen.

Umupo siya sa isang table at hinila naman niya ako paupo.

"Sasabihin ko sa'yo ang lahat ng nalalaman ko pero dapat ilibre mo muna ako." Demand niya.

"Bahala ka, walang information kung walang pagkain at expresso." Bulong niya sa akin.

Ibinigay ko sa kanya ang card ni Ken, "ayan, bumili ka ng espresso mo." Sabay kuha niya ng card.

Nagliwanag ang mata niya.

"Madam, anong gusto mo?" Abot langit na tanong niya sa akin.

"Wala." Maikling sagot ko.

"Sige, o-order na ako, ah!" Hinalikan pa niya ang card na binigay ko sa kanya bago siya pumunta sa counter. Wala naman masyadong tao dito at may kalakihan din itong canteen nila. Mukha ng restaurant sa ganda ng canteen nila dito. Baka nga restaurant ang tawag nila tas canteen lang ang tinatawag ko.

Tumatalon pa siya sa tuwa.

Ang tagal ko siyang hinintay at nanlaki ang mata ko sa dami ng inorder niya. Tinulungan pa siya ng waiter na magbuhat sa mga pinamili niya.

"Salamat madam, ah!" Kumikinang ang mga mata niya na umupo sa harapan ko.

Puno ang lamesa sa dami ng binili niya.

"Ang sarap!" Komento niya at sinubo ang isang slice ng kimchi. Ang ingay din niyang higupin ang sabaw ng ramen.

"Deserve ko ito! Nakakapagod ang mga pinapagawa ni Sir. Dinaig pa niya ang sampong utos sa dami ng utos niya!" Reklamo niya.

"Sino-sino ang mga babae na nanlalandi kay Ken?" Tanong ko ulit.

Baka isa din siya sa mga iyon?

"Madami sila madam."

"Sino ba sila? Bakit parang wala naman, ah."

"Iyon ang akala mo madam! Every meeting namin na may kasamang babae nilalapitan siya. May mga employees din na hinarot siya kaso yung mga 'yun natanggal na sa trabaho." Inilapit niya ang mukha niya sa akin.

Billionaire's Hardheaded WifeWhere stories live. Discover now