chapter twenty eight

Start from the beginning
                                    

"Ano naman?" Nagtataka kong tanong.

Mariin siyang pumikit na parang may iniindang sakit. "W-Wala naman, I just don't want you to feel uncomfortable." Aniya nang magmulat siya ng mata.

"Hindi naman ah? Ang totoo nga niyan komportable akong kasama ka," sabi ko at umiwas ng tingin kapagkuwan. "P-Pero minsan, naiilang ako kung paano kang tumingin sa akin. Feeling ko ay binabasa mo pati kung ano ang iniisip ng kaluluwa ko." Mahina kong dagdag.

"Really?" Ang katuwaan sa kaniyang boses ay halata. "Komportable ka kapag kasama mo ako?" May suyong ngiti sa kaniyang mga labi.

Tumingin ako sa kanya bago nagsalita."O-Oo nga, pero kung hindi mo naman ako gustong katabi, doon ka na matulog sa sofa kahit pa dito ka nakatira." Bawi ko ng makaramdam ng hiya. Bakit parang ako pa 'tong nag-aaya na magtabi kami sa pagtulog?

Pero wala namang masama doon ah? Matutulog lang naman kami at nakakahiya naman kung sa sofa siya matutulog gayo'ng siya naman ang nakatira dito.

Kaya lang, hindi naman PAGTULOG lang ang nasa isip mo 'di ba? May isa pa, na kahit lasing ka noon ay alam mong totoong nangyari?
Muli ay napaiwas ako ng tingin sa kaniya dahil sa ikalawa kong naisip. Inilagay ko sa likod ang aking mga kamay at doon kinukurot ang hinliliit na daliri, baka sakaling magising ako sa kahibangan ko!

Guilty.

I heard him chuckled. "Gusto kitang katabi. Sa pagtulog ko o maging paggising ko sa araw-araw." His soft orbs looks at me intently.

"Ikaw ang gusto kong kasamang manood sa pagsikat ng araw maging sa paglubog nito. Ikaw ang gusto kong kasamang abangan ang paglitaw ng buwan at pagbibigay ng liwanag nito sa gitna ng kadiliman. Ikaw lang ang gusto kong kasamang gawin ang mga bagay na gusto ko. Kaya hindi mo na ako kailangang tanungin kung gusto ba kitang katabing matulog dahil baka malula ka kung sasabihin ko pa ang mga dahilan sa sagot kong oo." Nakangiti niyang sagot.

Hindi ako makagalaw. Ni ang pagkurap ng mga mata ay hindi ko magawa, tila huminto ang mundo pero ang puso ko ay nagwawala. Lumapit siya sa akin pero nanatili ako sa aking pwesto, walang kisap matang nakatitig sa kaniya. Masuyo niyang hinawakan ang aking mga pisngi.

"Tuwing kasama kita, kaya kong gawin ang mga bagay—gusto ko man o hindi basta't para sa'yo." Aniya at hinalikan ang noo ko.

Isang uri ng halik na siyang palagi kong pinapangarap sa tuwing nagbabasa ako ng libro. Isang uri ng halik na gusto kong maranasan sa isang taong mahalaga sa akin, sa isang taong ipaparamdam sa akin kung ano ba talaga ang pagmamahal.

"Tulala ka na, sobra ka ng inlove niyan sa akin." Aniya. Napakurap ako ng dalawang beses, walang boses na gustong kumawala sa kanila.

Sa halip na magsalita ay niyakap ko na lang siya sa bewang at sinubsob ang mukha sa kaniyang dibdib upang pagtakpan ang pisngi kong namumula. "T-Tulog na tayo," tangi kong sagot sa lahat ng sinabi niya.

"Bitaw muna," nangtutukso ang boses niya.

"Ayoko," parang bata kong sagot habang umiiling ang ulo, hindi pa rin umaalis sa pagkakayakap sa kaniya.

"Pinapahalata mo naman na masiyado kang kinikilig." Humakbang siya papasok ng kwarto. I know na pinapagaan lang niya ang atmosphere. Hindi niya ako pinepressure sa magiging sagot ko sa kaniya. Pero kulang pa ba 'yong ginawa namin sa sasakyan para maisip niya na mahal ko na rin siya?

Sinabi kong nagseselos ako, sinabi ko na ring mahal ko siya. Pero hindi ko pa talaga sinasabi sa kaniyang mahal ko siya na nasa seryosong sitwasyon kami. Wala sa sitwasyong naghahalikan at nagkukulitan, baka ang akala niya ay hindi ako seryoso at nadala lang sa bugso ng damdamin.

"Aaron?" Tawag ko ng mag-iisang oras na ay hindi pa rin ako makatulog. "Gising ka pa?" Dugsong ko.

Nakapikit na siya pero nagbabakasakali pa rin akong gaya ko ay hindi rin siya makatulog. Pero naisip kong pagod siya sa biyahe kanina kaya siguro ay tulog na siya. "Sige, huwag na lang. Goodnight." Pumihit ako patalikod sa kaniya at ipinikit ang mga mata.

Pipilitin ko na lang ang sarili na matulog.

"Ano 'yon?" Tanong niya sa mababang tinig.

Napabaling ako sa direksiyon niya. Gising pa siya o nagising ko siya? "Nagising ba kita? Sorry, sige matulog ka na ulit."
"Hindi ako natutulog. Hindi ako makatulog."

"Ako rin, e..." Pagsang-ayon ko. "May tanong pala ako,"

"Hmm?"

"Anong naramdaman mo noong unang beses mo akong nakita sa bahay?" Lakas loob kong tanong.

Ilang minutong katahimikan ang namayani sa amin. Akala ko hindi siya sasagot pero bumuntong hininga siya. "Halo-halo ang nararamdaman ko noon. Masaya, hindi makapaniwala at nanghihinayang. 'Yon ang unang beses kitang nakita na hindi ako lasing o namamalikmata sa nakalipas na ilang taon."

Mataman akong nakatingin sa kaniya habang pinapakinggan ang mga kwento niya. Nakatukod ang dalawa kong siko sa kama at nasa mukha ang mga kamay.

"Hindi ko inakala na ikaw pala ang..." Bumuntong hininga siya, "hindi ako makapaniwala na doon lang pala kita matatagpuan. Kung alam ko lang ay pumayag na agad ako sa alok ng..." Tinitigan niya ako ng mariin. "...tatay mo." Dugsong niya, mahina na ang boses.

"Parang sasabog ang puso ko noon. Nariyan na muntik na akong sumuko. Nakita kita unang beses habang kumakanta ako sa plaza noon, nagkatitigan tayo habang kumakanta ako. Dali-dali akong bumaba pagkatapos ng inawit ko pero sa ilang beses na kabiguan, hindi kita nahanap." Ang mahina niyang boses ay nagpapasakit ng puso ko. "Sumunod ang kaibigan ko, sinabi niya—" I didn't let him finish his words by kissing him.

I don't want to hear anymore about his agony for losing me. It's hurt.

"Kiss me," I pleaded after kissing him.

He's still in shock. Nakatingin lang siya sa akin.

"Do you want to kiss me?" I asked again.

"Y-Yes, ofcourse." Kumurap ng dalawang beses ang mga mata niya.

"Then kiss me," I smiled and he obeyed.

One small kiss. It was smooth and sweet.

Tinitigan niya ako, ang mukha ko na para bang mini-memorize lahat ng parte nito. "Can I kiss you more?" He's staring my lips while asking.

I nod in response.

Slowly he lean forward, his brow furrowed while kissing me. Then he stop, he was about to pulled himself when I kiss him back. It counts second when he responds my kisses. It was far from the first. It was intense and rough.

I just found myself lying under him. My hand were on his shoulders to gain some strength. His kisses were like a magic that gives everyone a chill to their body. His kisses went to my face, jaw, and neck then kiss my shoulder blade. I can't help it but moan his name.

It is as if my moan was the only one who can wake him up. Suddenly, he stop. He's looking at me intently. Scared and lust were visible on his eyes.

"No, we shouldn't —"

"Kiss me," I cut him.

He stares at me a few seconds. "I'm sorry, are you sure —"

"Kiss me, please," I pleaded. Kahit ako sa boses ko ay kinilabutan. I don't know that I have a voice like that.

"Fuck! Pakakasalan kita!" He said before kissing me again.

This night, I want to give myself to tell him that I really love him. It may not be a very good way of telling 'I love you' but I want to assure him na sa kaniya lang ako. Na siya lang ang mahal ko, na siya lang ang lalaking pakakasalan ko.

If You Could See Me Now (Completed)Where stories live. Discover now