Kabanata 40: Temptasyon

Comenzar desde el principio
                                    

Agad akong bumangon at ganoon na lang rin ang gulat at pagtataka ko nang suot ko ang kasuotang sinusuot kong pantulog sa palasyo bilang reyna. Ngunit hindi lamang iyon ang nagpagulat sa akin.

Mula sa aking kinaroroonan ay may isang taong kilalang-kilala ko ang tindig, pagkakisig kahit nakatalikod pa ito. Nakatalikod ito habang tinatanaw ang kalahating buwan na sumisilip sa dilim, kasama ang mga nasasakupan niya.

Subalit aking ipinagtataka kung bakit ako naririto. Hindi ba't naroon lamang ako sa loob ng Bundok Nilayen? Ano't papaano ako napadpad sa silid namin ng Hari? Ipinikit ko ang mga mata ko. Kinurot ko rin ang sarili at nasaktan lamang ako sa ginawa.

"What are you doing, my Queen?" Nahugot ko ang hiningang narinig ang boses ng Hari—o kung sino man ang taong ito.

"Hindi ka totoo. Isa ka lamang huwad." Mariin na sabi ko.

Tama. Maaring isa ito sa panlilinlang ng Bundok. Hindi dapat ako magpadala.

Mula sa kinaroroonan nito'y humakbang ito palapit. Napakurap-kurap ako na ang mismong mukha nga ng Hari ng Koroteya ang bumungad sa akin ng masinagan ito ng sinag ng buwan.

"What's wrong with you?" Kumunot ang noo nito. "Ano ang ibig mong sabihin na ako'y huwad? I'm here."

Mariin akong umiling ng ilang beses.

"Hindi. Hindi ito totoo. Kailangan kong makaalis rito!"

Mabilis na kumilos ang Hari at nagugulat, naguguluhan nang bigla niyang haplusin ang aking pisngi. Bagay na hindi naman talaga nito ginagawa.

"Kailangan mo lang sigurong magpahinga aking Reyna." Nagugulat pa rin akong dumampi ang daliri niya sa aking pang-ibabang labi.

Habang ang mga mata'y masuyo at malambot ang ekspresyon sa ilalim 'non.

"Nais mo bang ako'y makapiling dito sa ating silid? O... bigyan ng init ang isa't-isa, mahal kong reyna..."

Napakurap-kurap ako at nabibiglang dinala nito ang aking mahabang buhok sa kanyang labi upang masuyong hagkan. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Kahit ang init na nararamdaman ay pawang may kontrol sa akin.

Dumukwang ang Hari palapit, habang ako'y tila nahihipnotismo sa susunod nitong gagawin. Napapikit ako.

"Yonahara!"

Agad akong nagmulat nang marinig ang pagtawag sa pangalan ko. Dumistansya ako. Napakurap-kurap.

Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Basta ang nakikita ko lamang ay ang usok... maraming usok. Naglakad pa ako muli, umaasang may makikitang dulo o hindi kaya'y lugar na maaring katapusan ng maraming usok.

Kung kanina'y nasa silid ako ng Hari at kaharap ko lamang siya kanina. Paanong narito ako? Napalingon ako ng ilang beses. Humakbang kahit walang kasiguraduhan dahil puro usok lamang ang nakikita. Pero nagpatuloy lamang ako. Hindi ko mabilang kung ilang minuto o oras.

Hanggang sa may pamilyar na lugar—hindi silid... Pamilyar na paligid... at pamilyar na bulto. Unti-unting nawawala na ang usok, at ang paglinaw ng paligid kung saan naroon ako.

"Ano nga kayang lugar 'to?" Naitanong ko sa sarili.

Hanggang sa ang lugar ay naging hindi lang pamilyar bagkus ay naalala ko kung anong lugar at kaninong silid ito.

Silid ito ng Hari sa ilalim ng Palasyo!

Ngunit ano naman ang ginagawa ko rito? Bakit ako naririto? Ilang saglit lang ay nalipat muli ako sa ibang destinasyon. Wala na ako sa silid ng Hari sa ilalim ng palasyo, sa halip ay natagpuan ko na lamang ang sariling nasa pamilyar na sitwasyon at pangyayari.

Nasa kandungan ako ng Hari.

Halos mapugto ang sariling hininga ng kumilos ang Kamahalan, ipinaparamdam ang kanya. Naguguluhan ako sa lahat.

Una'y nasa loob lamang ako ng gubat, sumunod ay sa silid namin ng Hari, sumunod ay sa ilalim ng palasyo. At ngayon naman ay ang sitwasyong ito sa pagitan namin ng Hari.

Ano ba ang nangyayari? Bakit?

"Adem..." Naulit muli ang sensasyon... Ang init. Naramdaman ko ang paghahangad katulad nung huling mangyari ang ganitong pagkakataon.

Hindi ba ito'y huwad lang? Bakit tila totoo sa pakiramdam?

"H-Hindi... hindi ito totoo..." pangungumbinsi sa sarili.

Subalit sa tuwing gagawin ay nagiging agresibo ang lahat... At sa hindi ko sukat akalain, sa dami ng tao ay bakit siya pa? Ang Haring siyang unang nagparamdam ng ganitong emosyon.

Mariin na naipikit ang mga mata. Parang totoo... Parang katulad ng gabing iyon. Nakakahalina... Nakakasabik.

Umalpas ang senswal na tinig nang maramdaman ang kanya sa akin kahit hindi pa kami nag-iisa ng Hari. Nakakabaliw!

"My Queen..." tawag ng Haring sa akin na nagpapaalab sa buong sistema ko.

Napatingin ako sa Hari. Malambot ang kanyang ekspresyon ngayon. Mga mata ay tila ay may aliw o emosyong hindi ko maipangalanan ngunit siguradong kayang mahulog kahit ang ibang mga kababaihan ang makakita.

Ang sarili'y tila lunod sa sitwasyong siya lamang ang kayang magpadama. Tila bihag sa kanyang ibinibigay na halina. Hindi ko na alam ang susunod pa na mga nangyari.

Huli ko lang narinig ang bulong nito. "You will never get out, my Queen. You will be under from our temptation."

The Dove of The Lost LandsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora