Chapter 5: The Unreleased Guitar Piece Called Dreaming

135 8 22
                                    

«Featured Song»
Dreaming
By: Sungha Jung

«Featured Song»
Uplifted
By: Survive Said the Prophet

Emi's PoV

Habang naglalakad ako papunta sa bahay ko sa kabilang street ay hindi ko parin maalis sa isip ko 'yung ginawang pagtanggi ni Yuki Hikumi kanina.

Bakit naman parang hindi manlang n'ya pinag-isipan? Sayang ang pagkakataon namin. Hay.

Pagkarating na pagkarating ko sa bahay ay dumeretso agad ako sa kwarto ko at pabagsak na humiga sa kama.

Inilabas ko mula sa bulsa ng bag ko ang phone ni Touma na napulot ko kanina. Naisipan kong kalkalin muna 'yon, bago pa man ibalik. Nakaka-curious kase ang pagkatao ng isang iyon, since isa s'yang taga-Mozart, ang first section ng buong Grade 11.

Una kong kinalkal ang gallery. Akala ko pa naman medyo marami-rami akong makikitang picture, pero wala naman pala halos laman. Ang laman lang nito ay ang wallpaper nitong phone at isang picture ng isang banda. Ti-nap ko ito, para mas makita ko.

Lima ang tao sa picture. Nakatalikod sila at may kanya-kanyang hawak na Instruments.

I know them.

It's the band, Gassho.

Mukhang nakikinig din pala s'ya sa Gassho ah.

Para makasigurado kung nakikinig din nga s'ya ay tinignan ko 'yung music n'ya.

Napangiti ako sa nakita ko.

48 Songs
2 Artist
5 Albums

Pinindot ko ang Artist at bumungad sa'kin ang picture kanina sa gallery ng Gassho at ang pangalang Gassho sa baba nito,.

May taste din pala sa music ang matalinong lalaking 'yon.

Sinuot ko 'yung earphone na kasama nitong phone. Mukhang kumpleto s'ya ng lahat ng kanta ng Gassho, bago sila na-disband. Alam ko ang mga kanta nila, kaya namili akong mabuti sa mga nasa phone kung alin doon ang hindi ko pa alam, kaso lahat naman ay napakinggan ko na, kaya nauwi ako doon sa artist na Unknown, at pag pindot ko rito ay nakita kong iisa lang ang kanta na iyon ang artist at ang title no'n ay "Dreaming."

I thought may vocals akong maririnig, pero isa pala s'yang guitar arrangement. 

Pin-nause ko muna 'yung music player at pin-lay naman ang nagi-isang video sa video player n'ya.

It's the music video of Uplifted By: Gassho.

Ang Gassho ay binubuo ng apat na lalaki, at isang babaeng member. Ang majority sa mga members ng Gassho ay hindi kilala sa kanilang true names nila except YU which is named Agape Syndell, na member dati ng both Gassho and Raising Highschoolers (RH), but soon stick to RH, when Gassho disbanded.

They are only known as

L, the pianist, YU(pronounce letters individually), the guitarist, K, the drummer, A, the bassist, U, the vocalist.

YU was actually almost forgotten by many since he was almost always not present every time there were public appearances. Hindi ko na masyadong alam 'yung ibang detalye dahil matagal na 'yun nangyari, all that's left for us are their legacy songs that are still appreciated up until today. In Gassho High, we still appreciate YU's contribution in the industry, and how skillful he is in guitar.

New SoundWhere stories live. Discover now