Kabanata 22: Muli

Start from the beginning
                                    

Ilang sandali pa ay naging eksakto na ang lawak. May ilang larawan sa paligid. Agad naman akong nagtago sa madilim na parteng hindi nasisinagan ng lampara nang makarinig ako ng mga yabag. Nakita ko sina Seron at Yura. Nang tingnan ko kung saan sila nanggaling ay nakita ko ang isang silid. Naalala kong nagpahanda ang Hari ng silid para sa kanya kay Harrion dahil sa nangyaring pagtutok ko ng punyal noon. Marahil ay doon ang silid ng Hari.

Mula sa aking kinaroroonan ay kuryoso kong tiningnan sila. Mga seryoso ang kanilang mga mukha at tila rin ay balisa. Nakita ko na lang na nagmamadali silang umalis. Nang masigurado kong wala na ang dalawa ay saka lamang ako lumapit sa tapat ng pintuan ng silid.

Walang bantay na kawal at tanging lampara sa magkabila katabi ng pintuan ang liwanag.

Dito ba talaga ang silid ng Hari? Bakit parang nakakatakot naman?

Akmang pipihitin ko na ang hawakan ng pintuan ngunit napagtanto kong hindi naman ito ang ipinunta ko. Napabitaw ako at nakuyom ko ang kamay. Kinabahan tuloy ako nang matantong baka narito ang Hari. Hindi ko pa nga kayang harapin pero nandito ako.

Huminga muna ako nang malalim bago tumalikod at humakbang palayo. Subalit agad ding napalingon nang marinig ko ang pagkabasag at pagkalabog sa loob.

Napahakbang ako palapit sa pintuan. Nagdadalawang-isip at hindi ko alam kung ano ang susunod na gagawin. Papasok o hahayaan ko na lang?

Sinubukan kong kumatok, wala naman akong naririnig pero pagkaraan lang ng ilang minuto ay narinig ko muli ang kalabog, sumunod naman ay isang malakas na boses. Tila nahihirapan.

"Argh!"

"K-Kamahalan! May nangyari ba sa'yo? Sumagot kayo, Kamahalan!"

Subalit pagkabasag muli ng kung anumang bagay ang narinig ko mula sa loob at hindi ang boses niya. Kung kaya't hindi na ako nag-aksaya pang buksan ang pintuan.

Napatakip na lang ako sa aking bibig nang madatnan ko ang loob ng silid ng Hari. Magulo, may basag sa alinmang parte ng silid at nagkalat ang ilang gamit sa makintab na marmol na sahig maging ang karpet na bahagi.

Napasinghap naman ako nang makita na nakaupo sa karpet na sahig at nakasandal sa malaking kama ang Hari. Pagod ang kanyang itsura, pawisan at tila nagpipigil. Umiigting ang panga at malalim na humihinga.

"K-Kamahalan—"

"Umalis ka na." Nagulat ako nang magsalita siya. Hindi siya tumingin sa akin bagkos ay mas lalong ipinikit pa niya ang mga mata.

"A-Anong... nangyayari?"

Muli akong nagulat nang malakas siyang nagsalita. "Get out! Kung ayaw mong maramdaman mo muli ang takot. Umalis ka!"

Napahawak ako sa aking dibdib. Mabilis ang tibok ng puso marahil sa takot, gulat at sa boses niya. Sa isip ko ay dapat na akong umalis dito. Nakakatakot ang itsura niya na para bang bigla kang susugurin pero may kung ano sa akin na manatili sa hindi malaman na dahilan.

Nakatayo lang ako. Nanatiling tinitingnan siya. May takot pero may pag-aalala. Nasanay akong nakikita itong may panliliit na tingin sa akin. Malamig ang pakikitungo at higit sa lahat gagawin ang makakaya para sa kanyang Emperyo kahit kapalit pa nun ay magpakasal siya sa kagaya kong galing sa angkan ng mga alipin. Hindi iyong ganitong nahihirapan siya.

Sinubukan kong humakbang pero isang masamang tingin lang ang natanggap ko mula sa kanya. Pero parang ayaw magpapigil sa kagustuhan ng sarili. Binalewala ko ang masamang tingin niya at nagsimulang lumapit ng dahan-dahan.

"Bibigyan pa kita nang pagkakataong makaalis rito hanggang kaya kong pigilan 'to. Just leave me alone."

Nagtatagis ang ngipin niyang sabi. Sobrang higpit din ang pagkuyom niya.

"Hindi ako aalis," mariin kong sabi.

Napalunok ako sa aking nasabi. Takot ako, oo. Pero hindi ko kayang hayaan siya sa ganitong kalagayan kahit pa wala akong nalalaman.

Ilang hakbang na lang ang distansya ko sa kanya nang matigilan sa pagtitig niya sa akin. Malalim na huminga, kumuyom ang kamao ng mahigpit, at umigting ang panga.

Iyon na ang huli kong nakita bago matagpuan ang sariling nasa ibabaw ng kanyang malaking kama. Ang pareho kong kamay ay nakataas sa uluhan ko habang hawak niya at nasa ibabaw ko.

Nanlalaki ang mga mata at napakurap ako nang matitigan ang Hari. Ang mga mata ay katulad nung gabing iyon. Seryoso, malalim, at namumungay. Pero may iba pa akong nakita sa gitna ng pagpipigil niya.

Nahihirapan, pag-ayaw at pag-aalala. Bagay na bago sa akin at ngayon ko lang nakita sa Hari.

"I warned you. You should have just leave me alone. And now, you'll regret it," mariin at nagpipigil na wika niya bago ko muling matikman ang halik ng Hari.

The Dove of The Lost LandsWhere stories live. Discover now