Kabanata 2: Pag-anyaya

Start from the beginning
                                    

Naroon ang pinong kilos, ngunit hindi papadaig ang liksi at talim. Na para bang sumasayaw sa paraan ng sining ngunit sa likod niyon ay ang makamandag na maaring makapag-kitil.

"Maglinis ka at magbihis, may pupuntahan tayo," iyon lang saka pumanhik sa loob ng silid ang Senyora.

Nakakapanibago. Ngayong araw ay wala kaming ginawa maliban sa paghahanda ng kanyang kasuotan at pagkain. Nangungumilahanan man ay sumunod ako.

Naghihintay na lamang akong lumabas sa kanyang silid ang Senyora. At nang siya'y lumabas, hindi ko maitago ang pagkamangha sa kanyang kasuotan. Ngayon ko lamang siya nakitaan ng ganitong itsura.

At sa gitna ng aking pananabik ay napansin ko rin ang matalim na titig niya, kaya't kaagad 'kong niyuko ang ulo sa takot dahil sa kapangahasan kong tingnan ang kaanyuan niya.

Subalit hindi nagsisinungaling aking mga mata't nakita. Higit na nakakabighani ang itsura ng Senyora. At hindi nga ako nagkamali nang nakarating na kami gamit ang sinakyang karwahe sa Kapital ng Kaharian-ang kapital ng Dayura.

Taas-noo ang kanyang paglalakad, habang ako na nasa kanyang likuran ay nakayuko. Naisin ko man tingalain ang ganda at damhin ang pagkasabik sa pinaka-unang kakaibang lugar na napuntahan ko, hindi pa rin maari sapagkat sa pagkakakilanlang taglay ko.

Ang mga katulad kong alipin ay isinimbulismong habang buhay lamang na maninilbihan. Sa mata ng lahat, wala man akong gapos na kadena sa parte ng aking katawan, para sa kanilang pananaw, ang alipin ay alipin. Wala kaming karapatan na maging ma-usisa.

Maari nilang gawin ang kanilang nais gawin sa kanilang alipin. Dahil sa simula pa lang ang buhay ng alipin ay naipagbili na. Maging ang dignidad ay nakaplano nang maging kapital.

Natigil kami sa paglalakad ng Senyora. Nahinto kami sa gilid ng kalsada. Ngayon ko lang namalayan ng sandali kong i-angat ang ulo. Maraming tao, lahat ay nagtitipon, tila may hinihintay silang kapana-panabik.

Pasimpleng nilibot ng mga mata ko ang paligid. Maraming palamuti ang nakasabit sa matatayog na gusali. Naghahalo ang mga taong nasa mataas na posisyon o istado, may nasa gitnang istado, at nasa ibabang katayuan, kasama na ang mga katulad kong alipin.

Hindi naman nakaligtas sa aking pandinig ang mga maliliit na bulungan.

"Ano ba ang ginagawa niya rito?"

"Ga'yun nga, hindi ba't siya ang dating pinunong Konseho? Ano'ng ginamit niyang kapal ng mukha upang pumunta pa rito?"

"Hindi kaya... Katotohanan ang mga..."

Narinig ko pa silang nagsinghapan.

"Ano pa ba ang sagot sa ating mga katanungan? Naririto siya dahil paparito rin dito ang Kamahalan."

Muling narinig ang kanilang singhapan ng marinig ang katagang may dalang kapangyarihan.

"Mapangahas!" Mahinang bulong ng isa sa kanila.

Sumulyap ako kay Senyora. Alam kong naririnig niya ang lahat ng mga bulungan. Ngunit sa halip na bigyan niya ang mga bulungang iyon ng kanyang atensyon, itinuon lamang ni Senyora ang mga mata sa harapan. Hindi pa rin siya kakikitaan ng ekspresyon.

Maya-maya'y isang malakas na ugong ang namayani sa buong kapital ng Dayura.

Matapos ay mula sa isang kawal na nababalutan ng kulay tansong baluti, ito'y madiin at malakas na nagwika, "Paparating na ang Hari ng Asyruem! Bigyang pugay!"

Matapos na sabihin iyon ay siyang sabay-sabay na pagyuko't pagluhod naming lahat. Sinabayan pa iyon ng mga trumpeta't iba pang instrumento. Mula sa pagkakayuko ay sumulyap ako sa pinanggagalingan ng mga yabag, musika, at sa pinakahihintay ng lahat.

At ilang sandali lang ay mula sa maliit na anino, hanggang sa nagkaroon ng mga bulto, dumating ang isang taong nakasakay sa magarang karwahe, napapalibutan ng mga kawal. Isang taong nakaluklok sa tuktok, nire-respeto at kinatatakutan ng lahat.

Napayuko sa presensya ng isang taong kahit hindi pa man nasusulyapan ang pisikal na wangis, mararamdaman ang nagsusumigaw at ang mabigat nitong pagkakakilanlan.

"Mabuhay ang Hari ng Asyreum!"

"Mabuhay si Haring Kaan Vastrade!"

"Mabuhay!"

Tila kapwa kami ni Senyora na hindi makasabay o makabitiw ng mga salitang nagbibigay pugay sa isang Haring nire-respeto ng lahat. Para sa akin ay labis-labis na ang aking presensya sa ganitong pagtitipon at pagbati.

Ngunit hindi ko nalalaman ang isipan o kilos ng aking sinisilbihan. Tikom lamang ang bibig at taimtim ang kanyang pagyuko.

Naramdaman ko na parating ang karwaheng lulan ang Hari. Mas naging mas malakas pa ingay sa aming gawi habang dumaraan ang karwahe at ng mga kawal na nakapalibot rito.

Subalit, ilang saglit lamang ay tila pahina nang pahina ang ingay. Hanggang ang mga naririnig ko na lamang ang singhapan ng lahat.

Huli 'kong napagtanto nang masulyapan ang isang pares na mga paa sa harapan namin ni Senyora Varrella. Ako, at ang Senyora ay parehong nagulantang sa mismong presensya na nasa aming harapan!

Ang Hari! Literal na bumaba sa kanyang magarang karwahe upang harapin kami!

"Tumayo kayong dalawa."

Nangilabot ako sa utos na boses ng haring kinalulugdan ng lahat. Hindi ako makapaniwala sa mga kaganapan. Pigil-hininga ang bawat sandali.

Lahat ay hindi inaasahan ang agresibong kilos ng Haring alam ng lahat na ito'y pino at may ma-respetong kilos.

Subalit, hindi lang ang ginawang kilos ng Hari ang nagpagulat sa lahat.

Ang Hari ng Asyruem. Ang haring nakaluklok sa pinakamataas na trono ay personal at inalahad nito ang kamay sa harap ng aking Senyorang pinagsisilbihan.

"Maari ko bang anyayahan ang dating Pinuno ng Konseho?"

The Dove of The Lost LandsWhere stories live. Discover now