58

17.7K 563 94
                                    

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko at mabilis na nagpaalam kay direk pagkatapos ay naiinis kong pinasunod yung dalawa sa'kin. I took a deep breath before I faced them.

"kris magpapaliwanag ako"

"dapat lang dahil muntik na akong mapahiya sa harap nila direk, gosh! wala akong kaalam-alam na may konting changes. Why didn't you tell me?!" dismayado ako dahil hindi nila ako ininform habang papunta kami dito sa location.

"I'm sorry it's all my fault kris nag back out ako for private matters at sinabi sa'kin ni direk na ako na ang magsabi sayo since hindi ka daw niya makontak"

"ram may oras ka kanina habang papunta tayo dito. Kung alam ko lang na siya ang ipapalit edi sana tuluyan na akong humindi sa project na 'to. Damn you Ram, you know I'm avoiding that person"

"this is one of the reason why I don't want to tell you, alam kong hindi mo kukunin ang project because of him. I hate him too pero hindi naman mapagkakaila ang galing nung tao, and so what kung siya ang pinalit sa'kin just ignore him at isa pa trabaho ang pinunta mo dito hindi siya. Don't be a childish, be professional na lang hon dahil sayang din ang ganitong opportunities para mas makilala ka pa sa industriya" I look back kung nasaan sila direk at muntik ng umikot yung mga mata ko ng makita kong ngiting-ngiti sa'kin yung gago.

Of all people bakit kasi siya pa yung napiling ipalit kay Ram. But he's right tho.

"I fucking hate you Ram but you're right I should handle it professionally" lumiwanag ang mukha nito pagkatapos ay yayakapin sana ako pero inambahan ko ng kamao bago ko binalingan ang kasintahan nitong busy sa kakadutdot ng cellphone niya.

Nakita ata ni Ram na nakatingin ako sa boyfriend niya pero ngumiti lang ito habang pinagmamasdan ang kasintahan "wala kang balak tanungin yang boyfriend mo kung ano pinagkakabusyhan sa cellphone niya?" mahina kong tanong dahil hindi pa sila out sa publiko.

nagkibit balikat lang 'to "let him be baka kakilala niya lang 'yan, I trust him enough" owkaayy??

"unbelievable, abot hanggang tenga pa ang ngiti" komento ko habang pailing-iling pero napataas ang kilay ko ng tumingin sa'kin si nick

"what?"

"nagagandahan kana ba sa'kin bessy kaya tingin ka ng tingin?"

"eww! tinitingnan kita dahil ang pangit mo... and by the way magiging driver kita for 1 week- hep! hindi ka pwedeng magreklamo dahil may kasalanan ka rin. Ang dami mo ring oras kahapon para sabihin ang tungkol dito pero pinili mo rin manahimik"

"hoyy babae bakit kasalanan ko rin? talagang mananahimik ako, eh sa wala naman talaga akong alam jn... sabihin mo nga jn sa ex mong pangit cupcake" nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi nito

"maka pangit ha!"

"it's true kris wala siyang alam tungkol dito"

"okay then" madali naman akong kausap eh

"means hindi na ako magiging driver mo?" nakita ko sa di kalayuan na tinatawag na ako nila direk kaya nagkibit balikat ako kay nick at tinalikuran siya

"hi" I fake smile at him bago ako nag wave sakanya. Kaagad naman akong nilapitan ng mga make up artist at ng iba pang crew pagkatapos kong maupo sa tabi ng aktor. Masyado akong focus sa pagbabasa ng script at hindi ko napansin na kinakausap na pala ako.

"sorry ano 'yon?"

"I'm asking you if you're free later after this, yayayain sana kitang mag dinner like you know. Dinner date" muntik ng tumirik ang mga mata ko ng kumindat ito tapos ngumiti pa ng mapang-akit.

𝐓𝐡𝐞 𝐏𝐡𝐨𝐭𝐨𝐠𝐫𝐚𝐩𝐡𝐞𝐫 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon