13

19.8K 588 49
                                    

Dalawang oras bago kami nakarating sa bahay niya, alam mo maganda naman yung bahay namin pero grabe mansyon ata to eh.

"WOW" manghang sambit ko

"you're so cute phoebe" natatawa nitong sabi pero gosh sinong hindi mamamangha sa laki at ganda ng bahay niya, bago pa nga kami makapasok sa magarang gate ay ang daming guwardiyang nakapalibot, tinutukan pa ako ng baril nung isa siguro kung hindi pa nila napansin na kasama ko si Catalina ay baka naihi na ako sa takot.

"ilan ang kinikita mo sa pag aartista??" biglaang tanong ko sakanya na ikina kunot noo nito na wari'y nagtatanong

"I mean *ehem* alam kong artista ka pero hindi ko alam na ganito ka pala kayaman" kakamot kamot kung tanong sakanya, bakit ko ba kasi tinanong yun?!

"oh? I'm not rich if that's what you're thinking, these house belongs to my Dad and yeah he give it to me as a gift when I turned 20 'cuz my sister don't want to so I accept it" she said with a little sadness in her voice.. ayokong tanungin dahil alam kong personal na usapan yan pag tungkol na sa pamilya

"ikaw na rin ang nagsabi na binigay sayo itong bahay, so in conclusion mayaman ka pa rin" kibit balikat kong sabi dahil busy ang aking mga mata sa mga nakikita ko bago ko siya binalingan na ngayon ay nakatingin saakin

"bakit?" umiling ito habang ngiting ngiti bago ako inaya papasok sa bahay para alukin ng maiinom pero tumanggi ako sa alok niya dahil nag aalala na ako sa bruha kong kaibigan, hindi pa kasi ito tumatawag mula pa kagabe.

"okay, can I atleast have your phone number so we can hangout sometimes and ako na rin gagastos para makabawi naman ako sa pagpapatuloy niyo saakin ni tía sa bahay"

"naku kahit huwag na, biruin mo yun kilala ka pala ni mama" nakangiti kong sabi sakanya

"pero hindi mo ako kilala" she said seriously kaya nawala ang ngiti ko sa mukha

"ah kasi hindi ako mahilig manuod ng mga palabas?" hindi ko kasi hilig yung mga drama. Horror tsaka comedy kasi bet ko

"but everyone knows me kahit saan ako magpunta and I just can't accept the fact that someone like you doesn't know me" ngayon naman natatawa siya.. loki ata to

"well? hate to say this pero pasensya na ha dahil hindi LAHAT ng tao ay kilala ka" may pagka sarkasmo kung sabi sakanya. Napakagat siya sa labi hanggang sa yumogyog ang balikat niya sa pagpipigil ng tawa

"damn you're right and that's why it makes you more attractive phoebe 'cuz you don't care about my popularity kahit alam mong artista ako. Siguro kung ibang tao ka panigurado grabe na ang papuri na natatanggap ko and I'm so thankful na nakilala kita" she said sincerely kaya napangiti ako

"thank you? haha anyway I really need to go na Cat" paalam ko sakanya bago ako tumalikod papasok sa loob sasakyan ko, binuhay ko ang makina at kumaway sakanya hanggang sa pinaandar ko ito pero bigla kong ding inapakan ang preno ng humarang siya sa unahan kaya dalidali akong bumaba para tingnan kong nasaktan ba siya

"shit I almost hit you, are you okay?!" nag aalala kong tanong sakanya dahil napaupo kasi siya, jusq hindi ko naman kasalanan na tatakbo siya sa unahan

"heyy Cat" sinapo ng mga palad ko ang mukha niya, nakatingala ito na titig na titig lang saakin habang hindi kumukurap kaya tinapik tapik ko ang pisngi niya

"dadalhin kit--" naputol ang sinasabi ko ng hawakan niya ang batok ko at hinila pababa sakanya hanggang sa nagtama ang tungki ng ilong namin na ikinahigit ng hininga ko..

"catalina" pumikit ang mga mata nito hanggang sa naramdaman ko ang malambot niyang labi sa labi ko, nagugulohan ako sa nangyayari but not until she move her lips na ikinatuod ko at sa hindi malamang dahilan ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

𝐓𝐡𝐞 𝐏𝐡𝐨𝐭𝐨𝐠𝐫𝐚𝐩𝐡𝐞𝐫 Where stories live. Discover now