36

25.7K 611 164
                                    


I'm on my way home at hanggang ngayon hindi parin siya mawaglit sa isipan ko, kung may makakakita lang saakin they'll probably think that I'm crazy 'cause why not? I'm smiling from ear to ear and I won't be surprised if my whole face is bloody red right now.







Nakarating ako sa bahay ng hindi nabubura ang malaking ngiti sa labi ko, iginarahe ko ang sasakyan pagkatapos ay kinuha ang mga gamit sa loob pero bago ako pumasok sa bahay ay huminga ako ng malalim at pinagsasampal ng ilang beses ang labi dahil kusang ngumingiti hays.






"I'm home na po" dumeritso ako sa living room ng nakangiti, wala eh hindi ko talaga siya mapigilan






Nagtaka ako dahil wala akong nadatnan kaya dumeritso ako sa kusina pero wala din dun sila mama, ang alam ko maaga ang uwi nilang dalawa ngayon. Nilapag ko ang mga gamit sa upuan ng marinig ko ang mahihinang boses sa garden.






Habang papalapit ako ay nagiging malinaw saakin ang mga boses, hindi lang si mama at ate cass dahil nandito rin pala yung bruha kong kaibigan.







"hey" nakangiti kong bungad, sabay sabay naman silang napatingin saakin kaya bago ako lumapit ay pinigilan ko ang kakangiti ko para hindi naman obvious na mukha akong in love.







ano daw? in love??!!







"oh wow! marunong kapa palang umuwi.. what took you so long ba bestie. Kanina kapa namin hinihintay, hindi mo sinabing may dinner date pala kayo ni miss Catalina ngayon... kaloka ang daming bantay na kasama pag punta dito" pinandilatan ko ang bruha para manahimik dahil si mama dapat yung magsasalita pero inunahan lang talaga nitong madaldal na 'to akala mo naman taga rito siya. Nabaling ang tingin ko kay mama para itanong kung paano nila nalaman na may dinner ako with Catalina





"kakaalis palang ni Catalina dahil nag aalala daw siya sayo kaya sumaglit dito sa bahay para tanungin kung nakauwi kana, kanina kapa daw niya kasi tinatawagan pero hindi mo naman daw sinasagot ang mga tawag niya" nakaramdam naman ako ng guilt sa nalaman ko. Kinapa ko ang bulsa ko para kausapin sana siya pero napamura ako ng maalala kong ipinatong ko sa dash board ng kotse ni kristine, oh ghad yung bouquet! bakit nakalimutan kong kunin yun?!?






Biglang may tumawag kay mama kaya nagpaalam muna ito saaming tatlo para sagutin ang tawag






"oh anong mukha yan?" umiling iling ako habang kagat ang ibabang labi. Nakakahiya kay Catalina, nag effort pa naman yung tao






"ahm pwedeng pahiram ng phone? ano kasi naiwan ko yung saakin" nag aalangan kong tanong at nakita kong tinaasan ako ng kilay ni nicole kaya pinitik ko siya sa ilong hmp! kala naman niya ikinaganda na niya yun.







Napatingin naman ako kay ate cass na hindi umiimik sa tabi at parang ang layo lagi ng iniisip, lately napapansin ko ang pagbabago ng behavior niya simula nung makauwi kami sa resort. Laging tulala at paminsan minsan nahuhuli ko siyang nakatingin saakin kaya asar ang nakukuha niya






"hindi ko dala phone ko sorry" maarteng sabi ni nicole bago uminom ng juice kaya inirapan ko ito "ate cass?" tawag pansin ko at lumapit pa sakanya dahil parang hindi ako naririnig eh







"what?" nagtataray na naman kaya kailangang lambingin muna dahil pag nasa ganito siyang mood mahirap humingi ng favor "bitaw isa!" nireregla ba 'to?






"yakap lang ang damot ha pahiram nalang po ako ng phone, tawagan ko lang si Catalina" umiling ito at mabilis na kinuha ang phone sa ibabaw ng lamesa at dahil mabait akong nilalang hinablot ko ito sakanya ng mabilis at nagtatakbo papasok ng bahay habang siya ay galit na nakasunod..






𝐓𝐡𝐞 𝐏𝐡𝐨𝐭𝐨𝐠𝐫𝐚𝐩𝐡𝐞𝐫 Where stories live. Discover now