30

21.9K 619 156
                                    


a/n pasensya na po sa paghihintay at pagtiyagaan po muna ha dahil magulo utak ko ng ginawa ko ang mga chapter na to, uulitin ko nalang😊♥
______________________________________

Kumunot ang noo ko sa masamang tingin na pinupukol ni kristine dahil hindi ko maintindihan ang reaksyon niya parang akala mo may ginawa akong kasalanan ay.

Kung tutuusin dapat ako yung mainis saaming dalawa dahil sa ginawa niyang pang bibitin nung nakaraan pero hindi ko na yun inungkat pa dahil respeto narin.

Tapos out of nowhere susulpot siya bigla at may asungot pang pinasunod.

Teka nga muna, ano naman kung may kasama siya pagbalik?! walang may pake!

"guys! overnight tayo sagot na daw ni miss cruz ang lahat so let's party parteyyy" malakas na anunsyo ng isang babaeng make up artist kaya napatigil kami sa may tabi nila kristine at nagsi ingayan na naman ang mga kasama namin sa tuwa maging yung ibang mga modelo

well, for me ayos lang dahil minsan lang naman 'tong mangyari kaya mabuti pang sulitin habang nandito pa sa magandang resort na ito but I wonder who's the owner of this place dahil sobrang ganda dito.

"phoebe?" napalingon ako kay Catalina

"you're spacing out, if you want mamaya nalang tayo mag swimming para makapag pahinga ka muna kahit saglit lang" napangiti naman ako sa sinabi nito, she look so worried right now.

I'm aware she likes me, siguro kailangan ko ng kilalanin pa si Catalina 'cause why not diba? maybe she's the one for me at kung mangyari man yun siya ang una kung girlfriend. I can't help not to smile at that thought tho, she's almost perfect for me

"oh gosh you really need to take a rest phoebe, you're smiling like a maniac" natatawa nitong sambit kaya napasimangot naman ako bago siya pinaningkitan ng mga mata pero lalo pa 'tong natawa

"grabe naman po" nakasimangot at tampo tampuhan kong sabi na ikinatigil nito but you can see on her face na nagpipigil siya ng tawa niya.

Nabigla ako ng hilahin niya ng walang pasabe ang magkasiklop naming mga kamay kaya halos mahalikan ko siya na ikinalaki ng mga mata ko.

Nagkatitigan kami ng matagal hanggang sa sumilay ang mapaglarong ngiti sa kanyang labi pagkatapos ay tinaas niya ang kabilang kamay at hinaplos nito ang pisngi ko.

Naririnig ko rin ang tilian ng mga kasama namin sa paligid kaya nag init ang buong mukha ko, iiwas na sana ako ng umiling ito.

Bumaba ang tingin niya sa labi ko bago pinadausdos ang kamay papunta sa batok ko, pinikit niya ang mga mata at hindi ko alam napapikit narin ako ng ilapit na niya ang kanyang mukha.

"MOVE!" pareho kaming nagulat at napahiwalay sa isa't isa ng dumaan si kristine sa gitna namin at talagang binangga niya ang balikat ko ng may kalakasan bago naglakad palayo saamin.

teka, nasa gilid namin sila kaya bakit kailangan niyang dumaan sa gitna namin at ang luwag luwag din po ng daanan

"hays kung hindi lang dahil sa tinotopak kung girlfriend maybe that would be my first time to witness two beautiful ladies.. kissing each other" sabi ng nakangising si Ramises.

Pagkatapos niyang sabihin yun ay pinasadahan pa ng tingin si Catalina mula ulo hanggang paa kaya naging uneasy ang katabi ko, mabilis ko siyang tinago sa likod ko bago sinamaan ng tingin ang hinayupak pero kumindat lang ito pagkatapos ay sumunod sa girlfriend niyang pinaglihi ata sa sama ng loob.

Ganong mga lalaki ang tipo ni kristine?!? nakakadissapoint ha.

"you okay?" tanong ko kay Catalina dahil muntik pa itong matumba kung hindi ko lang nahawakan sa braso

𝐓𝐡𝐞 𝐏𝐡𝐨𝐭𝐨𝐠𝐫𝐚𝐩𝐡𝐞𝐫 Where stories live. Discover now