20

18.8K 580 28
                                    

a/n medyo wala ako sa mood sa pagkakasulat ng mga chapters na to pero sana maayos pa rin haha

❤❤

______________________________________

Kristine pov

Nagising ako sa sobrang sakit ng ulo ko, gosh bakit naman ganito kasakit
parang binibiyak

"LISAAAAAA" malakas kong sigaw.. ilang minuto pa ako humilata sa kama at naghintay pero walang lisa ang dumating kaya kahit sobrang sakit ay sinubukan kong tumayo para hanapin yung gamot. Pagagalitan ko sana si lisa kaso

soundproof pala ang kwartong ito kaya hindi talaga ako maririnig sa baba

Hawak ang noong tumayo ako at naguluhan ako kung bakit naka undies lang ako sa ilalim ng makapal na kumot, pinilit kong alalahanin ang nangyari kagabe pero ang tanging natandaan ko ay niyaya kong uminom si sacramento pero hanggang doon na lamang ang natatandaan ko.


But how did I end up like this?? ang alam ko ay may suot pa akong robe but the more na inaalala ko ang nangyari kagabe ay mas sumasakit ang ulo ko.

Many thoughts are flooding inside my head right now and---

"fuck! malaman ko lang na siya ang may kagagawan nito saakin ... oowww~" daing ko, sinubukan kong tanggalin sa isipan ko na tinake advantage niya ang kalasingan ko and for Godsake she's a Lesbian

I respect LGBTQ but never in my life na papatol ako.. yeah we already share few kisses but gosh I'm f*cking STRAIGHT..

Pagkatapos ko maligo at magpalit ay napamura ako ng maalala kong pupunta pa pala ako ng La Vista Grande.. Hinanap ko ang phone at ng mahanap ko ito ay pagbukas ko ay sunod-sunod na notifs of calls and text messages galing kay Leah pero in'off ko muna para isang sermon na lang pagdating ko doon.

"ate.. kanina pa po tumatawag si miss cruz sa landline tinatanong kung bakit wala pa daw kayo" hindi na ako nag abalang sagutin si lisa pero tinanguhan ko siya bago sinimulang kumain.

"sino ang nagdala saakin sa kuwarto?"

"sabi ni manang yung kaibigan niyo daw po ate dahil nadatnan daw niya itong pababa ng hagdan nang magising siya ng madaling araw" I knew it! and she's not my friend

"anything else?"

"wala na po siyang ibang nabanggit eh" pero bakit hindi ako kumbinsido na yun lang?

.
.
.
.
.

"sa La Vista tayo" utos ko sa driver ng makapasok ako ng sasakyan pagkatapos ay sinuot ko ang rayban glasses ko.. iidlip muna ako saglit.

"miss we're here"



Nakita kong naglalakad si Leah palapit sa sinasakyan ko kaya inayos ko ang sarili ko dahil pagagalitan na naman ako nito.


"kristine kanina pa kita tinatawagan pero hindi makontak ang phone mo.. be responsible naman para kang hindi professional model sa inaasta mo and for your information mahigit kalahating oras kang late" naiinis nitong sambit pero bored ko lang siyang tiningnan dahil wala ako sa mood today.. sanay na yan si leah saakin


"cruz masakit ang ulo ko and besides bakit ako lang ang narito?" really ako lang talaga ang naritong modelo bukod sa mga make up artists tsaka designers


"nakalimutan mo ba na ikaw lang ang kukunan ngayo-- ayyys nvm kailangan na natin umpisahan... nakakahiya kay sacramento at muntik pa niyang ire'sched dahil sa pagiging late mo kristine"

𝐓𝐡𝐞 𝐏𝐡𝐨𝐭𝐨𝐠𝐫𝐚𝐩𝐡𝐞𝐫 Where stories live. Discover now