47

17.1K 470 29
                                    

"kumusta ang trabaho?" Nag mano ako kay mama at hinalikan ito sa pisngi bago nilapag ang mga gamit sa tabing upuan pagkatapos ay naupo sa tabi niya.

Isinandig ko ang ulo ko sa arm rest para ipahinga saglit ang ulo ko, napapikit ako pero imahe kaagad ng magandang mukha ni kristine ang pumasok kaya napangiti ako ng wala sa oras. Nagsimulang mag init ang magkabilang pisngi ko dahil pumasok rin sa isip ko ang pagiging naughty ni kristine habang nasa paligid lang ang ibang tao.

Bago kami naghiwahiwalay ay pinakiusapan ako ni kristine na itago muna ang relasyon namin dahil sa mata ng publiko ay sila ni ramises habang kami naman ni catalina at kabilin bilin nito na huwag kong banggitin sakanya.

"levi?"

"ah ano- ayos naman po ma, actually birthday ni miss cruz ngayon at inimbitahan kaming lahat sa bahay niya... nakakahiya nga po dahil isasabay na rin daw yung pa farewell party para sakin" kakamot kamot kong sabi kay mama na ikinatango nito habang nakatuon ang mga mata sa telebisyon

"hmm anong oras ka aalis? maghahapunan ka parin ba dito? kasama mo rin ba pumunta dun si cata-"

"ma before 8 po ang alis, hindi narin po siguro kakain ng hapunan dahil kainan din naman ang pupuntahan at opo kasama ko rin si catalina mamaya actually susunduin ko po siya mamaya" lumaki ang pagkakangiti ni mama ng masagot ko ang huling tanong niya kaya napailing ako, walang ibang bukambibig si mama kundi si catalina

"kailan ba ulit bibisita ang batang yun dito dahil kay tagal na rin nung huling dalaw niya" kinuha ko ang mga gamit ko at tumayo

"Hindi ko po alam akyat lang po ako sa kwarto para makapagpahinga sagl-"

"ano ba ang ayaw mo kay catalina anak, nasa sakanya na ang lahat... bukod sa maganda na mabait pa at maalagang tao kaya hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo pa siya magawang mahalin" napatigil ako sa paghakbang.

Nanatili akong nakatalikod dahil hindi ko alam ang isasagot sakanya. Matagal na niyang tinatanong sakin ang tungkol dito... kung kami na ba ni catalina kaya hanggang ngayon wala parin akong maisagot sakanya dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang may iba pa akong dahilan kung bakit hindi ko ito magawang mahalin.

"kapag dumating po si nicole paakyatin niyo nalang po sa kuwarto, akyat na po ako" I'm sorry ma alam kong botong boto ka kay cat pero matagal ng may nagmamay-ari ng puso ko.

Wala akong narinig mula sakanya kaya nagsimula na akong humakbang paakyat para matawagan din si nicole dahil wala na akong ibang naiisip para lang maiwasan ang katanungan na yun. Oo gumagawa talaga ako ng excuses everytime na tinatanong ni mama ang tungkol dun kaya paulit-ulit rin akong humihingi ng tawad sakanya kahit manlang sa isip ko.

Nang makarating ako sa kuwarto ay nilapag ko ang mga gamit sa ibabaw ng kama pagkatapos ay dinial ang numero ni nicole.

nicole: oh?

"pumunta ka ngayon dito" napaikot ang mata ko sa sagot nito

nicole: ha? eh may gagawin ako litse ka talaga at ano naman ang gagawin ko jn, diba halos pauwiin niyo na rin akong dalawa ni ate cass dahil nga makulit ako tapos ngayon papu-

"ililibre kita"

nicole: actually pwede naman itong ipagpabukas, magpapalit lang ako byeeeee!

Napatirik ang mga mata ko sa narinig ko sa kabilang linya dahil napaka ano talaga ng babaeng yun kapag libre na ang pinag-uusapan. Bago ko binaba ang cellphone ay nagtext ako kay catalina na nakauwi na ako.

Makalipas ang ilang minuto ay wala akong natanggap na mensahe mula sakanya kaya naghanap nalang ako ng pamalit na damit para makapag pahinga saglit habang hinihintay ko rin si nicole. Panigurado maiinis yun dahil pinapunta ko siya rito dahil lang sa iniiwasan ko ang tanong ni mama.

𝐓𝐡𝐞 𝐏𝐡𝐨𝐭𝐨𝐠𝐫𝐚𝐩𝐡𝐞𝐫 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon