4

22.2K 732 28
                                    


Kinaumagahan ay maaga akong nagising para mag ayos dahil makikipagkita ako sa organizer ng event, magpapasama narin ako kay nicole para bumili ng mga gagamitin ko.

Nang maayos ko na ang sarili ay bumaba ako para magpaalam kay mama, naabutan ko itong nagkakape sa kusina

"ma? alis po muna ako kikitain ko po ngayon yung kliyente ko" sabi ko kaya mama habang nagtitimpla ng hot choco pagkatapos ay kumuha ng slice bread at pinalaman

"ngayon na pala yun? teka wala kana bang jetlag bunso?" inubos ko muna ang kinakain ko bago nagsalita

"yes po tsaka susunduin ako ngayon ni nicole Ma" pinaalam ko na rin kay nicole mula pa kagabe na sasamahan niya ako dahil kung hindi, hindi niya makukuha yung pasalubong niya sakin haha

peeepppp!

peeeeppppp!

napailing si mama ng marinig namin ang malakas na busena sa labas ng bahay...

narinig namin ang pagkalansing ng susi hanggang sa bumukas sara ang pintuan.. tsk! andyan na ang bruha

yup, may duplicate din siya ng susi ng bahay namin😑

"HELLOOOOO 2ND FAM" napangiwi ako dahil sa lakas ng boses nito at sinamaan ito ng tingin matapos batiin at halikan sa pisngi si mama bago naupo sa tabing upuan ko

"oh bat ganyan mukha mo? bestfriend ha umagang umaga, iabot mo nga yang tinapay hindi pa ako nag aalmusal kaya pasalamat ka dahil sasamahan ka ng maganda mong kaibigan" padabog ko itong kinuha at inabot sakanya habang pinagmamasdan lang kami ni mama

"ang kapal naman ng mukha.. if I know yung pasalubong lang talaga ang rason kaya mo ako sasamahan ngayon" mataray kong sambit at ang bruha tinarayan din ako pero napangiwi din ng sinamaan ko ito ng tingin

"FYI lang ha talagang sinamahan kita ngayon dahil naaawa ako sayo bestprend hehe charot lang....
ahm ano nasaan na pala yung pasalubong ko?" pacute nitong sabi at dun na humagalpak ng tawa si mama

"ewan ko talaga sainyo, diyan na nga kayong dalawa" natatawang sabi ni mama bago kami iniwan sa kusina

"srsly? anong nakakatawa dun?" nagkibit balikat ako sa tanong niya at pinagpatuloy ang pag aalmusal ganun rin siya pero konti lang kinain namin dahil resto ang pupuntahan. Nang matapos sa pag aalmusal ay kinuha ko na ang cellphone, wallet at ang Camera ko para ipakita ang mga collections ko sa kikitain naming kliyente mamaya

pagkatapos ay nagpaalam na kami kay mama

"ready?" nag okay sign ako at sinimulan nitong paandarin ang kanyang kotse, may kotse naman ako kaso tinatamad talaga ako mag drive kaya siya na muna ang instant driver ko sa ngayon.

"bestie nabalitaan kong dumating daw kahapon yung mga highest paid Model tapos OMG yung fave actress kong latina dadalo sa event... I'm so excited blahh blahh"  kinikilig nitong sabi kaya tango lang ang ginagawa ko dahil hindi ako interesado bago ko binaling ang atensyon sa labas ng bintana.... kailan kaya uunlad ang Pilipinas? hayyss tapos yung issue pa sa agawan ng teritoryo sa South Philippine Sea

"bakit kasi ang ganda nila Catalina tapos yung model na si Kristine, gosh nakaka bakla naman" hindi ko naintindihan ang mga sinabi niya dahil nasa labas parin ang atensyon ko

"hoy! nakikinig kaba?" nagulat ako ng magsalita ito sa may tenga ko, naka red light kaya pala hindi na gumagalaw ang mga sasakyan

"kanina pa ako nagdadaldal dito hindi ka naman pala nakikinig langhiya, ano ba iniisip mo?" nakabusangot nitong tanong

𝐓𝐡𝐞 𝐏𝐡𝐨𝐭𝐨𝐠𝐫𝐚𝐩𝐡𝐞𝐫 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon