39

22.1K 679 240
                                    

Hindi na ako magtataka kong magka stiffneck ako sa ginagawa kong nakaw tingin sakanya. Nararamdaman ko ang pag init ng magkabilang pisngi ko dahil sa higpit ng hawak niya sa kamay ko.. gosh! parang ayaw niyang bitawan.



"saan pala tayo pupunta?" lumingon siya saglit bago pinisil ang kamay ko kaya nagtama ang mga mata namin and I can't help myself not to stare at her sexy bod lalo na't daring ang suot niyang ipinalit sa floral dress niya kanina..



Help me! I badly want to touch her



"stop biting your lips" banta nito bago itinuong muli sa daan ang mga mata pero hindi ko talaga mapigilan na mapakagat sa labi ko dahil mas lalo lang siyang nagiging hot sa paningin ko.

"I said stop biting your lips" tiim bagang niyang ulit.. damn pano niya nalaman??



"saan nga tayo?"


"my house"



"anong gagawin natin dun?"




"talk" nagtitipid yan?



"talk? pwede namang dito mag usap bakit kailangan pang pumunta sa bahay mo?" napabuntong hininga ito



"we need a proper place to talk to sacramento" ngayon sacramento na naman ang tawag niya saakin.. nakakawalang gana



"how important?" I seriously asked her dahil gusto ko na talagang malaman, pwede namang sabihin nalang niya eh



"we're almost there sacramento please be patient" yung mga sinasagot niya talaga nakakawalang gana.. parang kanina lang may pa baby at I miss you pang nalalaman pero ngayon para na naman siyang niyebe sa lamig magsalita



"hey!" bahala ka jn



"sacramento" tawag niya pa dahil binawi ko yung kamay ko sa pagkakahawak sakanya, itinuon ko nalang sa unahan ang tingin. Hindi ko siya inimik kahit ilang beses niya akong tinawag at pilit niya ring kinukuha ang kamay ko pero nagmatigas ako.



Nakita ko sa peripheral vision na panay ang sulyap niya saakin, pinakiramdaman ko siya at nanatiling tahimik.



"sa daan ang tingin BUENAVISTA" diniin ko talaga yun para damang dama niya.



Hindi ito nagsalita kaya katahimikan ang namayani sa loob ng sasakyan niya pero naguluhan ako ng dahan dahang niyang itinigil ang sasakyan sa gilid ng kalsada.



"bakit mo tini-" naramdaman ko ang pag gapang ng kamay niya sa hita ko kaya napatingin ako sa kamay niyang pilit inaabot ang kamay ko. Napalunok ako ng wala sa oras 'cause she's biting her lowerlips while looking at me.... parang maiiyak na rin ang itsura nito.



"h-hoy" mabilis kong hinawakan ang kamay niyang nasa hita ko at pinisil "I'm sorry" mahinang sambit nito pagkatapos ay nag pout..



huwag kang ganyan



I couldn't resist her cuteness tsk ...Inabot ko ang malambot niyang pisngi at hinaplos



"it's okay... I understand po pasensya na rin naintriga lang talaga ako" hinawakan niya ang kamay kong nasa pisngi niya bago ito pumikit at halos matunaw ang puso ko dahil para siyang pusa na naglalambing sa amo niya



oh ghad si kristine ba 'to??? sana araw araw siyang ganito dahil hindi ako magsasawang pagmasdan siya



"hindi tayo pwedeng mag usap dito 'cause last time na nandito tayo sa loob.... we end up in a steamy talk and I don't trust myself when you're too close to me" seryoso nitong sambit na nanatiling nakapikit.



𝐓𝐡𝐞 𝐏𝐡𝐨𝐭𝐨𝐠𝐫𝐚𝐩𝐡𝐞𝐫 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon