57

15.1K 494 63
                                    


Being ignored by someone who means the world to you is the worst feeling you will ever felt. I used to think that the worst thing in life is to end up being alone but no. The worst thing in life is ending up with someone who make you feel alone.

And I can say it was even more painful than my past relationship but the difference is there's no infidelity happened.

"juskong babae ka tanghaling tapat naglalasing ka, nasaan ba yung mga kasama mo dito? LISA?!... MANANG?!"

"what the-- hey! give me that" I was shocked and irritated ng kunin nito sa'kin yung baso pero inagaw ko rin ito pagkatapos ay inisang lagok at pabagsak na inilapag sa counter ang walang lamang baso.

"what the heck are you doing here, you scared the hell out of me" magsasalin pa sana ako ng pigilan ulit ako nito kaya nairita ako. Lately nagiging iritable na ako

"bitaw!"

"pumunta ako dito para masiguro ko kung humihinga ka pa dahil hindi ka namin makontak tapos maaabutan lang kita ditong umiinom?"

"can't you just leave me alone for once?" iinumin ko na sana yung sinalin ko kaso buwisit talaga si nick

"No, I said that's enough kristine" okay that's it!

"you're in my goddamn house nick so mind your fucking business" galit kong tinabig ang kamay nito pero parang nasa mood din siyang sabayan ang init ng ulo ko

"'yan na lang ba gagawin mo, ang magmukmok dito?"

"do you have a problem with that?"

"YES! look at yourself kristine, huwag mong hintayin na tawagan ko pa si phoebe para pu-"

"para puntahan ako? then go ahead call her, as if she will care enough" mapait kong sabi dito at muling inisang lagok ang iniinom. Napangiwi ako but I don't mind the bitter taste dahil gusto kong magpaka lasing para mabawasan yung bigat sa dibdib ko. Kakasimula ko pa nga lang uminom may nagbabawal na tsk!

And yes, alak ang naging takbuhan ko kapag masyado na akong stress. Busy ako sa trabaho pero naghahanap pa rin ako ng way para mapuntahan lang siya sa bahay nila just to make sure she's okay kaso ngayon nga magdadalawang araw na akong hindi nakakabisita sa bahay nila levi.

"what are you talking about, of course she care about you kristine"

"if she really care about me then why do I feel unwanted, sabihin mo sa'kin bakit hindi ko yun maramdaman?"

"krist-" itinaas ko ang kamay ko para patigilin siya

"trust me nick she don't care kahit ano pang gawin ko, parang naiisip ko na ring hayaan na lang muna siya" narinig ko ang mahinang pagbuntong hininga nito

"intindihin mo na lang muna ang sitwasyon ni phoebe"

Napayuko ako habang sapo ang noo, sa totoo lang sobra-sobra na yung pag intindi ko at medyo nahihirapan na ako dahil parang ako na lang ang may pake sa relasyon naming dalawa. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na rin akong umiyak sa isang araw dahil sa sobrang pagkamiss ko sa kanya.

Naramdaman kong naupo ito sa tabi ko hanggang sa niyakap niya ako patagilid "come on, I know this is so unfair for you 'cause you did everything for her and I admire you because you weren't like that before but come to think of it. Ngayon ka pa ba panghihinaan ng loob kung kailan nasa kulungan na yung taong puno't dulo ng mga paghihirap niyo?" he's right but

"pero paano kung hindi na niya ako mahal at hindi lang niya masabi sa'kin?" I look like a child right now while biting my upper lip because I'm starting to overthink again.

𝐓𝐡𝐞 𝐏𝐡𝐨𝐭𝐨𝐠𝐫𝐚𝐩𝐡𝐞𝐫 Where stories live. Discover now