8

21.3K 750 108
                                    

Umalis si mama dahil inaya daw siya ng mga kumare niyang lumabas para magliwaliw pero pinaalalahan ko siya na huwag manlalaki kaya nakatanggap ako ng palo sakanya...Nang makaalis si mama ay magdamag kaming nanuod ng palabas ni nicole..

"parang tanga naman nics" naiinis kong sabi dito habang nanunuod kami ng Coco dahil umiiyak ito ng nasa part na kami nung kumakanta na si miguel at yung lola niya ng remember me

"gaga! nakakaiyak naman talaga palibhasa bato ka kaya siguro wala kapang nagiging jowa dahil wala kang feelings tsk!"

"tapos?" kunot noo kong tanong sakanya pero inismiran lang ako nito

"wala, matulog na nga tayo dito muna ako matutulog ha" mabilis itong nahiga at nagtalukbong kaya wala akong nagawa. Niligpit ko ang kalat namin pati yung laptop, pinahiram ko naman siya ng pJ's at ang sabi kukuha nalang daw siya bukas ng mga damit niya pero alam ko ang ugali niyan panigurado manghihiram na naman yan sakin.

Tumabi ako sakanya para matulog na pero bago pa ako makatulog ay naramdaman ko ang pagyakap ng braso at hita niya sa katawan ko na hindi ko narin tinanggal pa bagkos ay niyakap din siya pabalik hanggang sa nakatulog kaming pareho....


~~~~~~~~

kinabukasan


"psst! gala tayo habang hindi pa tayo busy" aya sakin ni nicole habang kumakain kami ng agahan, nasa sala si mama ngayon

"magpaalam ka kay mama" pag ako kasi nagpaalam ang dami pa niyang iuutos bago ako makakaalis

"haha okey2" natatawa nitong sabi, alam niya kasi ang ugali ni mama. Pag si nicole kasi ang nagpapaalam samin ay mabilis na umu'oo ang mudra ko kaya minsan napapaisip ako na baka anak talaga ito ni mama at totoong kapatid namin ni ate cass...

"lezzz goo!" see? ang bilis 😑

Nagpalit kami ng panlakad at syempre nanghiram siya ng damit, hindi ko rin nakalimutang huwag dalhin ang luma kong camera

"saan tayo?"

"kahit saan nalang basta maganda" naisipan kong sa park nalang kami total maganda rin ang view dun

"oh nice" sambit niya ng makababa kami ng kotse ko, marami ang tao ngayon kaya natuwa ako

"oh bakit dala mo yan?" tukoy niya sa hawak kong camera pero nagkibit balikat lang ako at hindi siya sinagot...

Naghanap kami ng magandang puwesto para maupuan namin, napapangiti nalang ako habang pinagmamasdan ang mga batang tumatakbo. Medyo naiingit ako dahil gusto ko talagang magkaron ng isa pang kapatid na aalagaan ko

"bestie bibili lang ako ng ice cream anong flavor gusto mo?" sinabi ko sakanyang chocolate bago ako nito iniwan, kinuha ko ang camera ko at napagpasyahang kunan ng litrato ang mga batang naglalaro

Nasa kalagitnaan ako ng pagkukuha  ng litrato ng may mapansin ako sa di kalayuan sakin at sa ilalim ng puno na yun ay may dalawang magandang dilag . Inabot ng babae ang cotton candy sa kasama nito na tinanggap naman ng isa

Nabigla ako halikan ito sa labi nung nakablonde yung nagbigay ng cotton candy sakanya. Masaya akong lumapit sakanila

"ahm excuse me" nabaling ang tingin nila sakin kaya kinabahan ako dahil nakakatakot yung isa tiningnan pa ako nito mula ulo hanggang paa

"yes?" taas kilay na sabi nung babae kaya natakot pa ako lalo...

"tinatakot mo naman eh, ano pong kailangan nila?" magalang na sabi ng katabi niya at nakita ko pang inirapan ako nung babae... shett ang hot din kahit mataray

𝐓𝐡𝐞 𝐏𝐡𝐨𝐭𝐨𝐠𝐫𝐚𝐩𝐡𝐞𝐫 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon