16

18.3K 583 54
                                    

"I'm sorry but what are you doing here?" ayan baka sagutin na niya ang tanong ko

tumingin ito sa katabi ko pagkatapos ay nginitian niya si nicole, nakagat ko ang ibabang labi ko ng maramdaman ko ang pinong kurot sa kaliwang kamay ko.

Nag fafangirl na naman to panigurado, mapanakit yan pag kinikilig

"she's your close friend right? what's your name?" tumapat siya kay nicole na nanigas na ata sa tabi ko. Balewala na naman yung tanong ko sakanya


"h-hi nicole po, pleasure to meet you miss kristine" binitawan niya ang kamay ko at mabilis na nakipagkamay sa idol niya

"buti pa tong kaibigan mo nuh?" she said with full of sarcasm in her voice

"bakit ka nga naparito?" sinusubukan na naman ako ng kristine na to baka nakakalimutan niyang ako ang naghatid sa bahay niya. Lumambot naman ang ekspresyon ng mukha niya habang nakikinig lang saamin sila mama. Tumikhim ito bago huminga ng malalim at tiningnan ako ng deristo sa mga mata, sinenyasan ko muna sila mama na mag uusap lang kami saglit na malugod naman nilang sinunod pero bago pa makalabas ng kusina ang dalawa ay nagpahabol pa sila ng yakap.


"naparito ako para imbitahan kang maghapunan sa bahay.. para dun sa pagtulong mo saakin" nahihiya niyang sabi bago umiwas ng tingin, mahina ang pagkakasabi niya sa huli pero narinig ko

yown naman pala eh

"dinner date ba yarn señorita?" maloko kong tanong sakanya kaya nakatanggap ako ng malupet na irap

"¡Cállate!" (shut up) pagtataray niya, ayan lumalabas na ulit ang tunay niyang ugali por que wala sila mama

"dinner date your a**! you know what forget it, bakit ba ako nagsasayang ng oras sa kagaya mo" ingos nitong sabi kaya tinaasan ko siya ng kilay, ganito ba talaga ang babaeng to?


"okay, kung ganon makakaalis kana binibini" pang aasar ko sakanya at tumabi pa ako para makadaan siya and now she's giving me a death glare


"sabi ko po makakaalis kana" inulit ko pa habang nakangiti at mas lalo pang nagdilim ang mukha nito. Kinuha niya ang dala niyang sling bag sa lamesa at deritsong tinungo ang palabas ng kusina pero bago pa ito makalabas ay tumigil siya ng ilang segundo kaya napagmasdan ko ang kabuuan niya.. damn she got sum nice view from behind🍑

sa kakatitig ko ay hindi ko kaagad natanggal ang pagkakatingin ko sa likuran niya ng humarap ito


"you perv!" galit nitong sabi pagkatapos ay tinawid niya ang distansya at pinagpapalo ako sa braso kaya todo iwas naman ang lola niyo


"hey stop!" hindi parin siya tumitigil kaya hinawakan ko na ang mga kamay niya. Tinulak ko siya paatras hanggang sa lumapat na ang likuran niya sa pader.

"bitiwan. mo. ako.. kundi sisigaw ako" madiin niyang sabi, matangkad ako sakanya ng isang pulgada at mas malakas. Nginisian ko siya pagkatapos ay nilagay ko sa ibabaw ng uluhan niya ang mga kamay


nanlaki ang mga mata niya ng yumuko ako at nilapit ko ang bibig ko sa tenga niya "sinusubukan mo talaga ako nuh?" naramdaman ko ang pagka stiff ng katawan niya kaya tinuloy ko ang ginagawa kong kalokohan.

Tinitigan ko siya sa mga mata niya at para naman akong natutunaw sa taglay na ganda ng kulay asul niyang mga mata. Yung naiinis nitong mukha ay napalitan ng kaseryosohan, bigla namang kumabog ng malakas ang puso ko.

Mula sa mga mata niya pababa sa matangos niyang ilong hanggang sa napadako ang tingin ko sa mapupula niyang labi, napahigpit ang kapit ko sa mga kamay niya. Hindi ko alam pero para akong inaakit ng labi niya.


𝐓𝐡𝐞 𝐏𝐡𝐨𝐭𝐨𝐠𝐫𝐚𝐩𝐡𝐞𝐫 जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें