24

19K 647 162
                                    

Bakit naman siya magseselos?

"I'm serious Phoebe" napalunok naman ako ng magtama ang mga mata namin dahil puno ng kaseryosohan ang nasa mukha nito na parang sinasabi niyang hindi siya nakikipag lokohan


nagtataka talaga ako kung anong nakita niya saakin para magustuhan niya ang isang tulad ko

"hindi parin ba kayo tapos maglandian diyan? magsabi lang kayo kung matagal pa para hindi naman kami mag mukhang tanga dito kakahintay sainyong dalawa" hulaan niyo kung sino

"maupo ka muna dun Catalina.. mag usap nalang tayo mamaya" nakangiting pakiusap ko sakanya dahil nagsalubong na ang mga kilay nito ng balingan niya ang iritableng mukha ng kapatid

Napabuntong hininga ito, may sasabihin sana ito pero biglang may tumawag sakanya kaya nag excuse siya saglit para sagutin ang call... bago ito umalis ay hinalikan niya ang pisngi ko kaya sari-saring komento na naman ang narinig ko sa paligid.


Napayuko ako para itago ang nangangamatis kong mukha dahil napunta na naman ang atensyon nila saamin, bakit ba ang hilig ni Catalina manghalik


Narinig ko rin ang pag ingos ni kristine kaya napahilamos nalang ako sa mukha dahil naiistress ako...


hinawakan ko ang camera pagkatapos ay humingi ako ng tawad sa mga team members maging kay cruz at kina kristine sa naging abala bago ako nag okay sign para mag start kaming muli..


panay irap o kaya naman ay pagtataray ang natatanggap ko kay kristine sa tuwing nagkakamali sila ng partner niya dahil sa hindi nila makuha ang nais ko. Sobra na ang pagtitimpi ko lalong lalo na sakanya para lang maging maganda ang mga kuha ko..


napapahilamos ako sa mukha dahil parang sinasadya niyang hindi sundin ang pinapagawa ko..

makalipas ang ilang oras ay hindi ko na talaga napigilan ang sariling lapitan siya dahil nauubos na ang pasensya ko.

Buwisit na to napaka childish!

"please makisama ka naman kristine dahil lahat tayo matatagalan kung paiiralin mo ang kagustuhan mo" nangangalaiti kong sambit sakanya.. okay naman yung partner niya, siya lang talaga yung matigas ang ulo


"eh sa hindi ko gusto ang pinapagawa mo may magagawa kaba?!?" pagtataray nito na ikinainis ko naman at nakita kong lalapitan sana kami nila cruz pero pinigilan ko sila pagkatapos ay hinila ko siya sa may tagong parte para mag usap kami ng masinsinan, baka mapakiusapan ko pa siya dahil nasasayang ang oras namin


"napaka unprofessional mo naman kristine, hindi ka ba nahihiya sa pinapakita mong ugali" madiin kong sabi pero nginisian lang niya ako pagkatapos ay tumawa ito ng may pang iinsulto

"ako pa talaga? nakakatawa yun ha"

"hindi rin ba kayo nahiya sa ginagawa niyong paglalandian ng Catalina na yun habang nasa gitna tayo ng photoshoot? gawain ba yun ng isang propesyonal na photographer, ang maglandian sa harapan namin?" nakangisi nitong sambit bago ito naglakad paikot sa katawan ko pagkatapos ay tumigil ito sa likuran ko.

"hindi kami naglalandian" mahina kong anas

"oh really?" sarkastiko niyang tugon kaya napakuyom ako sa kamao ko

Hinawakan niya ang balikat ko hanggang sa naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa may tenga ko kaya nanigas ang katawan ko..


Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganito ang reaksyon ng katawan ko sa tuwing malapit siya saakin


𝐓𝐡𝐞 𝐏𝐡𝐨𝐭𝐨𝐠𝐫𝐚𝐩𝐡𝐞𝐫 Where stories live. Discover now