28

19.6K 602 58
                                    


a/n mga mare linawin ko lang po ha ang mag stepsister ay sina Catalina tsaka kristine yown langs po😅❤
______________________________________

Maaga akong nagising para makapaghanda ng sarili at para maayos ko yung dadalhin kong mga importanteng gamit. Ang sabi ni cruz medyo malayo daw yung resort kaya magdadala ako ng extrang damit pero bago yun ay kakain muna ako.

"morning ma" bati ko kay mama ng maabutan ko itong nagluluto ng almusalan namin.. lumapit ako at hinalikan siya bago nagtimpla ng coffee. Pinanuod ko lang ang ginagawa niya, amoy pa lang nakakatakam na.

"ang aga mo naman ata ngayon?"

"pupunta po kami ngayon sa isang beach resort, may kalayuan din daw yun dito kaya maaga kaming aalis at para hindi kami maabutan ng traffic sa daan" paliwanag ko habang humihigop ng kape.. buti na nga lang wala akong hang over Goodluck nalang dun sa dalawa.

Habang kumukuha ako ng dalawang pinggan at mga utensils ay biglang pumasok sa isipan ko ang nangyaring pag respond ni ate cass sa halik na pilit ko namang winawaksi dahil baka napagkamalan niya lang ako at isa pa lasing siya nuh.

Matanong nga siya pagkauwi ko kung sino yung tinutukoy niya kagabe na kasintahan niya. Naglilihim na ang ate cass ko ah

"maupo kana jn at ihahain ko na itong pagkain" sinunod ko naman siya at ilang saglit pa ay naglaway ako sa mga pagkaing nasa harapan ko

"ma pwede pong magbaon nito?" request ko habang nagsasandok ng kanin, tinutukoy ko yung luto niyang afritada tsaka sweet&sour

"sige PERO....  yung mga tupperware ingatan mo ha kundi makakatikim kana talaga saakin levi" ayan na naman siya, nung nagpabaon din kasi ako last time naiwala ko yung tupperware kaya sermon ang abot ko sakanya..

nabawasan lang naman kasi yung mahal niyang collections

"done! ligo na po ako ma" mabilis kong hinalikan si mama bago nagmamadaling umakyat dahil nakita ko sa wallclock na mag aalas singko na. Dahan dahan ang pagpasok ko sa kwarto dahil tulog pa yung dalawa

Kinuha ko yung backpack at nilagay ang mga mahahalagang gamit, naglagay din ako ng rash guard para kung sakali maliligo narin ako sa dagat tutal nandun na eh.. edi sulitin nalang din.

Tinanggal ko sa pagkaka bun ang may kahabaan kong itim na buhok pagkatapos ay kinuha ko ang tuwalya bago pumasok sa banyo.

Sumisipol pa ako habang nagsasabon ng katawan at nag sipilyo narin hanggang sa mabanlawan ko ang buong katawan ko. Pagkatapos ko magbihis ay lumabas din ako habang pinupunasan ko ang basang buhok.

🎶This ain't Build-A-B*tch (A B*tch)

You don't get to pick and choose

    Different ass and bigger boobs

If my eyes are brown or blue

    This ain't Build-A-B*tch (A B*tch)

I'm filled with flaws and attitude

    so if you need perfect, I'm not build for you~🎶 

While I'm putting some light make up on my face ay hindi ko mapigilang hindi mapakanta.. gosh it's a catchy song and the lyrics are so meaningful kahit short lang siya but still I really love it hindi na nga siya maalis sa isip ko.

Like me I'm not perfect because of my condition but I don't care anymore 'cause I know to myself I'm build perfectly perfect

"ay! susmaryosep naman ate cass, ginulat mo ako" sabi ko dito habang hawak ko ang parteng dibdib dahil bigla ba namang yumakap sa likod ko habang may kinukuha ako sa ilalim ng lamesa

𝐓𝐡𝐞 𝐏𝐡𝐨𝐭𝐨𝐠𝐫𝐚𝐩𝐡𝐞𝐫 Where stories live. Discover now