19

18.6K 585 102
                                    

ring

ring

ring

"Nicole yung phone mo" naiinis kong sabi

"gaga hindi saakin, phone mo kaya yan" inaantok nitong sagot pagkatapos ay nagtalukbong ng kumot

"hello? haaaahhh~" sagot ko habang humihikab

"come and pick me up loser"  napaupo ako ng marinig ko ang boses ni ate cass sa kabilang linya

"h-ha?"

"kapag wala kapa rito within 30 mins sa airport.. you know the consequence sissy" pagkasabi niya ay mabilis nitong pinatay ang tawag na ikinabahala ko.. 

f*ck! alas diyes na.. panigurado nakaalis na rin si mama

"sino daw?"

"si ate cass" yung inaantok niyang mga mata ay namilog

"ano daw sabi ni ate cass?!" excited nitong tanong kaya sinabi ko sakanya habang nagmamadali akong maghilamos tsaka mag toothbrush

"shit!" nakita ko sa relo ko na 20 mins nalang ang meron ako, may kalayuan pa naman ang airport dito.. iniwan ko si nicole sa loob at mabilis na hinanap ang susi ng kotse ko

"nicole huwag mong ipaalam kay mama ha!" sigaw ko mula dito sa baba pagkatapos ay nagmamadali akong lumabas ng bahay..

I'm sure narinig niya ako

alam ko ang ugali ni ate cass dahil kahit hindi niya binilin sakin na huwag sabihin kay mama na nandito siya ay hindi ko talaga sasabihin.. we really love to surprise our parents

Habang nagmamaneho ako ay biglang umilaw ang phone ko sa dashboard and it is an incoming call from unknown number

kumunot ang noo ko bago ko ito sinagot

"hello?"

"hola señorita"

"Catalina?" nagbabasakali kong tanong dahil hindi ako pwedeng magkamali

"nice haha thought you forgot me phoebe" mahinhin nitong tawa sa kabilang linya kaya napangiti ako kasi ang cute ng boses niya

"bakit ka pala napatawag?" I asked her while my eyes are still on the road to avoid accidents

"are you busy?" diretsahang tanong nito.. ni hindi manlang nangamusta besh

"ahm why?" tanong ko rin dahil may photoshoot pa akong pupuntahan tapos heto nga nagpapasundo pa si ate

"I think you're busy.. I'll call you again later"

"wait-- bakit ka napatawag?"

"I just want to invite you for a nice coffee sana but it's okay if you're busy right now. May nexttime pa naman" napapatango ako sa sinabi niya kahit hindi nito nakikita, ilang minuto din kaming nag usap bago ako nagpaalam sakanya na kailangan ko ng ibaba ang tawag dahil lagot na talaga ako kay ate cass. Iba pa naman yun magalit

Pagka park ko ay mabilis akong bumaba, lakad takbo na ang ginawa ko papasok sa airport at para lang hindi ako lumagpas ng 30 mins.. but to my dismay lagpas na talaga.

Pinagtitinginan din ako ng mga tao pero hindi ko sila pinansin hanggang sa makita ko sa di kalayuan ang ate cass ko, and yeah I'm dead dahil nakakatakot na ang awra nito

"ateeeee" masaya kong sambit ng makalapit ako sakanya at hindi na pinansin ang nakakamatay nitong tingin

"tsk! you're lat--"

𝐓𝐡𝐞 𝐏𝐡𝐨𝐭𝐨𝐠𝐫𝐚𝐩𝐡𝐞𝐫 Where stories live. Discover now