17

17.4K 635 136
                                    


May kalakihan ang lamesa at halos maglaway ako ng makita ko ang iba't ibang pagkain na nakahanda sa ibabaw pero ang mas nakaagaw ng pansin ko ay yung adobo at lumpiang shanghai.. gosh my faves mga mare.




Naupo ako malapit sa prospect ko, hindi ko na nga nilulubayan ng tingin at kung hindi pa tumikhim si kristine ay baka nagpadala na ako sa bugso ng katakawan ko



Hindi pa po ako naghahapunan kaya pasensya na, gutom na talaga ako ..




"let's eat" pagkasabe niya ay walang hiya-hiya kong inabot ang isang pirasong lumpia at mabilis na kinagatan and I almost moan ng malasahan ko ito, iaabot pa sana saakin ng isang kasambahay yung lalagyan ng lumpia pero tinanggihan ko dahil nakakahiya naman..




walang nagsasalita saamin habang kumakain pero medyo nakakailang lang dahil yung mga kasambahay niya ay nakatayo lang sa tabi




"mawalang galang na ha pero hindi mo ba sila aayaing kumain?" pagkasabe ko ay napatingin ako sa tatlong babae na sinesenyasan akong hindi ko dapat yun sinabi, napangiwi pa nga yung medyo bata sakanila. Napatigil si kristine sa pag nguya ng kinakain niya bago nalipat ang atensyon nito sa mga kasambahay niya



"girls join us" poker face niyang sabi



"mamaya nalang po ate" nakangiting pag tanggi naman nung mas bata sa tatlo na sinang-ayunan naman ng dalawa niya pang kasama




isinandig ni kristine ang likuran niya pagkatapos ay humalukipkip kaya walang silang nagawa kundi sundin ito, nag aalangan man ay naupo silang tatlo na ikinangiti ko. Napatingin ako kay kristine at binigyan siya ng matamis na ngiti pero isang nakakamatay na irap ang natanggap ko mula sakanya.




Nakipagkwentuhan ako sa tatlo habang yung amo nila ay walang kibo na inuubos ang kaniyang pagkain. But I can't help myself not to stare at her while I'm devouring my food


you know.. I can't deny her beauty when she looks like that, lalo pa na ang suot niya ngayon ay napaka daring..


guysss silkrobe lang ang suot niya pero my goodness iba talaga ang datingan niya.

she looks ---



(delicious?)  sabi ng utak ko kaya napasimangot ako



"maganda siya baliw" wala sa sariling sambit ko, nanlaki ang mga mata ko dahil lahat sila ay napatingin saakin maging si kristine ay nakataas na ang isang kilay pagkatapos ay tumaas ang sulok ng kanyang labi.



Fuck!



"ano po yun ate?" tanong ni lisa kaya mabilis akong nag isip kung anong pwede kong ipalusot.. mas lalo lang lumaki ang pagkakangisi ng amo nila habang nakamasid




nahuli niya ba akong nakatingin sakanya ng hindi ko namamalayan?!?




"ah a-ano ibig kung sabihin yung ano.. hmm yung plating?.. TAMA! yung food plating maganda siya.. hehe sino po nag prepare tsaka sobrang sarap din ng mga pagkain baka pwede akong magpaluto sakanya" nakangiti kong tanong kahit nautal na ako




nagkatinginan silang tatlo sabay tingin kay kristine na nagtransform na naman sa pagiging poker face niyang itsura, parang kanina lang ngini ngisian pa ako nito ah?



"si miss kristine po ang naghanda ng mga pagkain, tumulong lang po kami pero siya po talaga ang nagluto" napanganga ako sa sinabi nila



"I'm done" tipid niyang sabi at mabilis na tumayo habang nakasunod lang ang tingin ko sakanya at hindi parin makapaniwala sa nalaman ko mula sa mga kasambahay niya.




𝐓𝐡𝐞 𝐏𝐡𝐨𝐭𝐨𝐠𝐫𝐚𝐩𝐡𝐞𝐫 Where stories live. Discover now