27

20.9K 633 61
                                    

"how did you know that I'm here?" nabibigla kong tanong dito pero nag pout lang siya sa harapan ko. Tae yarn huwag kang ganyan dahil ang ganda mo

"it doesn't matter phoebe" lumapit pa ito bago iniyakap ang mga braso sa batok ko

"did you miss me hmm?" malambing nitong sabi bago ako hinapit palapit sakanya kaya napangiti ako pagkatapos ay niyakap ko rin siya pabalik. Huli ko kasi siyang nakausap ay nung pumunta siya sa building kaya totoong namiss ko din siya

"I miss you too Cat but what are you doing here, may kasama ka ba?" napangiwi ito sabay iling kaya napa buntong hininga ako and yup it's Catalina

"hindi kapa nadala.. remind you Catalina you're a celebrity, a famous one at hindi natin alam baka nasa paligid lang yung masasamang tao na gusto kang kunin kaya sana hindi ka nalang pumunta dito kung wala ka namang bantay dahil pwede mong ikapahamak yang ginagawa mo" aware naman siya sa nangyari sa loob ng bar tapos ganito pa ang ginagawa niya

"I'm sorry but I just want to see you badly kaya pumunta ako sa bahay niyo and it turns out walang tao dun so I call your mom's numbe--"

"wait wait- may number ka ni mama?" tanong ko rito dahil baka namali lang ako ng narinig

"uhm yeah? we exchange numbers before I leave the house so she can contact me para madali niya daw akong ma invite sa bahay" ayos din talaga ang nanay ko ano.. may pasabi sabi pang invite ko sa bahay dahil namimiss na niya daw yung tao pero may kontak naman pala

"are you mad?" umiling ako sakanya bago ko siya nginitian pero teka nga bakit dito kami nag uusap sa loob ng banyo?

"pwedeng sa labas nalang tayo mag usap? para mapakilala din kita sa ate ko" malinis naman ang banyo pero baka kasi hinahanap na ako sa labas at baka kung ano pang isipin ng mga nakakita saamin kung magtatagal pa kami dito sa loob

"really? your sister is here?" tumango ako sakanya pero bago kami lumabas ay pinasuot ko ulit yung tinanggal niyang disguise

"so ahm-  do you like your bestfriend?" mabilis naman akong napalingon sakanya. Anong klaseng tanong yan?

"what do you mean?" yeah I like nicole so much kahit may pagka manyak ang babaeng yun pero kaya namang pagtiyagaan ang ugali minsan

"yung naabutan ko kayo kanina, you guys are about to kiss" bigla akong napatigil sa paglalakad dahil sa narinig ko kaya nabangga ito sa likod ko na mabilis ko namang naalalayan ng mawalan ito ng balanse pero ng maalala ko yung sinasabi niya ay hindi ko maiwasang mapangiwi

"yung naabutan mong scenario kanina ay hindi kami maghahalikan nun, hinihipan ko lang yung nasaktan niyang pisngi na kagagawan ko dahil tumama siya sa gilid ng lamesa" kakamot kamot kong paliwanag dito pero natawa ako dahil nakita ko unti-unting pamumula ng magkabilang tenga niya

nahiya

"well that's good then para wala akong ka kompetensya pagdating sayo" binaba nito ang suot niyang shades at kumindat saakin kaya natawa nalang ako.

Naabutan naming nasa kahera si ate cass kaya naghintay pa kami ng ilang minuto dahil may inaasikaso pa ito, sinabihan ko ang isang employee na siya na muna ang mag cashier dahil hindi pwedeng dito kami mag usap.

Habang naglalakad kami palayo sa dining ay panay ang sulyap ni ate cass sa kasama namin hanggang sa pasikreto na niya akong binulongan kung sino daw ang kasama kong weirdong babae kaya sinabihan ko siyang maghintay.

At nang masiguro kong wala ng makakakita ay pinatanggal ko na kay Cat yung suot niya, Natawa ako ng makita kong nanlaki ang mga mata ni ate cass ng tuluyan niyang makita ang mukha nito pagkatapos ay pinakilala ko na sila sa sa isa't isa pero mas nagulat pa ito ng malaman niyang isa itong kilalang aktres sa mexico.. hayss magkapatid nga kami.

𝐓𝐡𝐞 𝐏𝐡𝐨𝐭𝐨𝐠𝐫𝐚𝐩𝐡𝐞𝐫 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon