46

18.5K 569 96
                                    


Pagkatapos kumain ay bumalik rin kami kaagad para tapusin ang huling photoshoot

"guys listen up! I have a good news for everyone so... personal ko kayong iniimbitahan sa bahay ko para ipagdiwang ang aking kaarawan at-" hindi natapos ni cruz ang sinabi niya ng biglang may sumigaw kong may inuman ba kaya nagsalubong ang kilay nito at hinanap niya kung sino ang nagsalita saamin

"ang hahayok sa alak ha hindi manlang ako patapusin ano po? pero oo may inuman kaya ayokong marinig sainyo na 'ay! hindi po ako makakapunta dahil ganito ganyan... subukan niyo lang talaga at sasabihin ko kay boss na tanggalin kayo sa trabaho ora mismo naiintindihan niyo?!?" mataray at pabiro nitong hayag kaya natawa kaming lahat, kalaunan ay nagtilian at masaya naming binati si miss cruz. Sinabihan pa ako nila kuya josh na hindi na raw pala namin kailangan pumunta sa bar para uminom.

Ito ang maganda kay cruz dahil lumalabas lang ang pagiging strikto niya kapag oras lang ng trabaho kaya makikita mong marami ang humahanga sakanya.

"oh and before I forgot since it's sacramento's last day today isabay narin natin ang pa farewell party para sakanya sounds good right?" nabigla ako sa sinabi ni cruz at lahat ay napunta ang atensyon nila saakin kaya nahihiyang ngumiti ako. Sari saring reaksyon ang natanggap ko mula sakanila may nalungkot pero majority sakanilang sinabi ay mamimiss daw nila ako o kaya ay huwag ko raw silang kalimutan kaya natawa ako dahil parang mangingibang bansa lang ang peg.

"okay back to work para makauwi at makapag pahinga pa kayo pagkatapos nito" nagsibalikan ang lahat sa kanya kanyang trabaho at nakita kong napatingin saakin si kristine bago ito pumasok sa isang room para magpalit at ayusan

"baby something came up but I don't want to go" parang namomoroblema nitong sabi

"importante ba?" mahinahon kong tanong sakanya dahil gusto kong umalis muna siya para makausap ko si kristine tungkol sa sinabi niya kanina. She nod kaya nginitian ko ito bago ko siya sinabihan na puntahan nalang niya dahil baka kailangan siya

"but"

"susunduin nalang kita mamaya para sabay tayong pumunta sa bahay ni miss cruz okay?" please pumayag kana

"fine but do me a favor"

"ano?" kunot noo kong tanong sakanya "kiss me" mabilis ko naman siyang hinalikan sa pisngi pero umiling ito

"in my lips silly"

"pwedeng mamaya nalang- ano kasi magsisimula na" hinawakan nito ang mukha ko pagkatapos ay tinawid niya ang pagitan namin.

Magkadikit ang mga labi namin hanggang sa ginalaw nito ang kanyang labi kaya tinugon ko nalang ang halik, narinig ko ang pag cheer ng mga nakapaligid saamin. Kumalas ako sa halikan at nakita kong ngiting ngiti naman siya saakin

wala talaga akong maramdamang kakaiba sa halik

"I'll see you later and behave okay?" tumango ako sakanya dahil alam ko kung ano ang tinutukoy niyang 'behave' pagkatapos ay nagpahabol pa siya ng halik sa labi ko bago ito tuluyang nagpaalam

"ang swerte mo talaga phoebe dahil nagustuhan ka ni miss catalina atsaka alam mo bang nag trending kayo sa mga social media nung ianunsyo niya sa publiko na girlfriend ka niya" nginitian ko nalang sila dahil nabalitaan ko rin yun at ilang araw din akong nag disguise o nagtago para iwasan ang paparazzi.

paulit ulit ko nalang naririnig sakanila na ang swerte ko raw dahil ako yung taong nagustuhan ni catalina. Kung alam lang nila kung sino ang kinababaliwan ko

Dinoble check ko kung maayos na ba ang lahat para tuloy tuloy na kami magmula sa lightning effect at sa iba pa. Itatanong ko sana kay cruz kung matatagalan pa ba ang pag aayos kay kristine pero napanganga ako nang lumabas ito na tanging isang oversize white t'shirt lang na may punit punit sa gilid ang suot nito. Ilang beses akong napakurap dahil ang gand-

𝐓𝐡𝐞 𝐏𝐡𝐨𝐭𝐨𝐠𝐫𝐚𝐩𝐡𝐞𝐫 Where stories live. Discover now