34

22.6K 715 243
                                    

If I could turn back the time hindi nalang sana ako nag confess, dapat nag stick ako sa ideyang ligawan si Catalina.

pero ganito ba talaga kasakit?

"at least nasabi ko narin ang nararamdaman ko sakanya d-diba?" pagkasabi ko ay pagak akong natawa dahil kinakausap ko na naman ang sarili ko, napakagat ako ng madiin sa labi dahil sa isiping wala akong pag asa.

Umiiyak akong nagmuni muni habang hinihintay na makarating sa ground floor nang biglang tumigil sa pag andar ang elevator kaya kahit nanlalambot ang mga tuhod ay tumayo ako. Kinalampag ko ang pintuan at pilit binubuksan pero ayaw...

"Hello?! may tao ba jn?!?"

"tulungan niyo ako!!" ilang beses pa akong nagsisigaw, pinagpapawisan na ako dahil mainit dito sa loob.. hanggang sa naalala ko yung phone, kinapa ko ang bulsa ng pantalon ko pero wala akong makapa

"dito ko yun nilagay" naiiyak kong sambit dahil nakapagreply pa nga ako kay Catalina, hinanap ko sa loob ng bag pero wala akong makitang cellphone. Nanghihina akong napaupo at pinagmasdan ang sariling repleksyon.

Grabe ka naman sakin Papa God, nagpakabait naman po ako pero bakit ang sobrang malas ko naman ata ngayong araw, gusto ko lang naman makauwi at makapagpahinga..

"Oh Thank God" mahina kong sambit ng umandar muli ang elevator.. makalipas ang ilang segundo ay naabot ko na ang ground floor, bago ako lumabas ay inayos ko muna ang sarili dahil nakita ko sa repleksyon na para akong dugyot sa itsura ko, namamaga rin ang mga mata ko tsk!

Marami ang napapatingin saakin lalo na sa hawak kong bouquet kaya napatingin ako dun hanggang sa napangiti nalang ako dahil naalala ko na naman ang kasweetan ni Catalina pero napasimangot din ng pumasok siya sa isip ko.

Habang naglalakad ako ay ilang beses pa akong huminga ng malalim para pagaanin ang loob ko at tinungo ang parking lot kung nasaan ang sasakyan ko pero napakunot noo ako dahil parang may naririnig akong sumisigaw sa likod ko. Tuluyan na akong napatigil sa paglalakad ng makilala ko ang boses.

"Damn it Sacramento!"

And there goes my heart again, nakilala ko lang boses niya para na naman akong aatakehin sa puso.

Grabe talaga ang babaeng 'to gusto niya atang mamatay ako ng maaga. Ilang beses akong napalunok bago ko nilakasan ang loob na lingonin ito.

Pagkaharap ko sakanya ay mabilis na nanlaki ang mga mata ko dahil galit na galit ang mukha nito at--  Wtf?!? bakit hawak niya yung isang heels?? Nataranta ako ng makita kong tinaas niya ito sa ere pagkatapos ay bumwelo kaya mabilis akong tumalikod..

"t-teka---- ARAaaaY!!!" daing ko ng tumama ito sa likod ko, ang sakit! hinimas ko ang parteng nasaktan pagkatapos ay mabilis siyang hinarap.

"bakit mo ginawa yun?" pasigaw kong sabi na naluluha pero lalong dumilim ang mukha nito na ikinatakot ko pagkatapos ay inilang hakbang nito ang pagitan namin kaya napaatras ako dahil para na itong bubuga.

Umatras pa ako ng lumapit pa siya hanggang sa natalisod ako na ikinasanhi ng pagkakaupo ko sa sahig, hindi ko inintindi ang sakit ng pagkakabagsak ko dahil sa taong nasa harapan ko. Napalunok ako dahil kapansin pansin ang pawisan nitong mukha at medyo magulo din ang buhok pati narin ang kasuotan niya.

"ANG TANGA MO" madiin niyang sambit kaya nakaramdam na naman ako ng pagkapunit sa loob ng puso ko. Mas masakit pa ito kesa sa binato niyang heels kanina, nireject na nga may pahabol pang Tanga

"sinundan mo ba ako para lang sabihin yan?" pagak akong natawa bago umiling iling habang nakatingala sakanya pero bigla din akong sumeryoso

"Oo na ako na ang tanga dahil nagustuhan kita, hindi ko nga alam kung anong nakita ko sayo.. maganda ka nga pero sobrang sama naman ng ugali mo" kumuyom ang mga kamao nito, napalunok ako pero tinuloy ko ang sasabihin

𝐓𝐡𝐞 𝐏𝐡𝐨𝐭𝐨𝐠𝐫𝐚𝐩𝐡𝐞𝐫 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon