42

21.5K 610 244
                                    


Pagod kong nilapag sa kama ang mga gamit ko pagkatapos ay inisa isa kong tinanggal ang mga saplot ko sa katawan para maligo

"bestie?"


"oh?" mabilis akong nagbihis dahil nangako ako kay kristine na hindi ako magpapakita ng katawan ko kahit na kanino.

Ano na kaya ginagawa niya, kahapon pa siya hindi nagpaparamdam dahil ang huli niyang mensahe sa'kin may importante daw siyang lakad. Gosh namimiss ko na siya


"bestie time ngayon ha, nagtatampo na ako sayo lagi nalang kayo ni miss kristine ang magkasama.. palagi naman kayong nagkikita at nagttext hindi ba kayo nauumay sa isa't isa?" siya ang una kung sinabihan tungkol sa relasyon namin ni kristine na sobrang ikinatuwa naman nito pero ngayon nagtatampo dahil kulang na daw atensyon ko sakanya. kulang talaga sa aruga ang babaeng 'to, eh lagi naman siyang nandito sa bahay para mangulit

"yan puro kasi kaharutan ang alam kaya hindi mo talaga maiintindihan, bawas bawas din kasi ng kalandian sa katawan nicole" napangiwi naman siya sa sinabi ko

"uhm no thanks sayo na yang lablayp mo basta ako masaya na ako sa pagiging single wild and free, like duh mas maganda na yung ganito wala kang poproblemahin nuh. Atleast ako walang inaalalang kahit na ano kapag may pupuntahan ako, walang susuyuin AT walang bawal bawal" nakangiti nitong sabi bago naupo sa kama. Wow ha kung makasabe parang kailan lang sinabihan niya ako dati na wala akong feelings eh mas malala pala siya

"nasasabe mo 'yan dahil nasanay kang puro flirt lang tapos ayaw mo rin ng commitment. Ayaw mo bang maranasan yung tinatawag na intense connection?" taas baba ang kilay ko sakanya pero tinaasan niya lang ako ng kilay bago ito nagkibit balikat

"movie marathon nalang tayo sa baba" napailing nalang ako sa sinabe niya pagkatapos ay tumayo ito at naunang lumabas ng kuwarto.

Kinuha ko yung phone ko para tingnan kong may text siya pero wala kaya sinubukan kong tawagan ito at ilang beses ko siyang kinokontak, nagriring naman pero hindi niya sinasagot kaya tinext ko nalang siya para mabasa niya dahil baka may ginagawa.
May parte sa sarili kong kinumpleto si kristine, yung pakiramdam na gigising ka sa umaga tapos kikiligin kana lang bigla dahil may sweet messages kang natanggap mula sakanya..

"bestie si kristine mo nasa tv daliiii!" excited at nagmamadali naman akong bumaba, hinihingal pa akong naupo sa tabi ni nicole pero bigla din nawala ang malaking ngiti ko ng makita ko kung sino ang kasama niya.


Napag alaman kong interview pala ng buong cast sa isang bagong movie project, napatiim bagang ako ng makita kong sobra naman atang malapit si Ramises sakanya.
Napamura ako ng mahina ng hawakan nito ang kamay ni kristine at hinintay kong tanggalin niya pero hindi niya ginawa

naman kristine!

host: since kayo ang love team sa bagong project na 'to, maraming mga netizens ang nagtatanong kung nagkabalikan na ba daw

*message alert*

mabilis kong kinuha ang phone ko sa bulsa ng short ko at nabuhayan naman ako dahil kay kristine galing pero para akong binagsakan ng malaking tipak ng bato sa nabasa kong mensahe mula sakanya

Baby<3
let's break up sacramento


Ilang beses kong binasa ang mensahe niya dahil baka namali lang ako pero totoo, dali dali kong dinial ang numero niya pero hindi ko na siya makontak

𝐓𝐡𝐞 𝐏𝐡𝐨𝐭𝐨𝐠𝐫𝐚𝐩𝐡𝐞𝐫 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon