32

21K 623 191
                                    


Phoebe/Levi

"k-kristine" nauutal kong sambit

halos lumabas na ang puso ko sa sobrang kaba, nakita kong napakagat ito sa labi at mabilis na umiwas ng tingin hanggang sa tinalikuran niya kami.

Nagmamadali akong umahon dahil tumakbo ito palayo pero pinigilan ako ni Catalina.

"phoebe she saw us" pag aalala ang mababanaag mo sa boses niya kaya pinakalma ko siya, napamura pa ako dahil masakit ang puson ko at masyadong halata sa suot kong pambaba yung ano ko pero hindi na yun ang inintindi ko dahil si kristine ang iniisip ko.

"kakausapin ko siya.. m-magpalit kana" tumango naman ito kaya nagmamadali akong tumakbo para habulin siya.

Nang makalabas ako ay nakita ko itong tumatakbo kaya mas binilisan ko pa ang paghabol sakanya..
"KRISTINE!!"

sigaw ko pero hindi ito tumigil kaya napamura na naman ako, makailang ulit ko siyang tinawag hanggang sa nakapasok na ito ng tuluyan sa loob ng resort.

Nagmadali akong naligo at nagpalit bago ko muling hinanap ito
"nakita niyo po ba si kristine?" tanong ko sa mga kasama namin dahil kanina pa ako pasikot sikot pero wala talaga siya kahit yung bf nito wala din, umiling sila kaya nanlumo akong naupo sa tabi nila

bakit ba concern ako sa naging reaksyon niya at bakit gusto kong ipaliwanag sakanya ang nakita niya?

"phoebe umiinom ka?" napalingon ako kina kuya josh bago tumango pero ayokong uminom dahil may problema pa ako

"pero pass po muna ako kuya"

"ay! hindi pwede dahil lahat iinom atsaka bihira lang to nuh dahil balik trabaho na naman tayo kaya whether you like it or not iinom ka dzai!" sumang ayon naman ang iba kaya wala akong nagawa kundi tumango

sinabi nilang maghahapunan na kaya pinuntahan ko sa room na inuukupahan ni Catalina para ayain itong kumain dahil hindi parin ito lumalabas. Tinungo ko ang room at ng paliko na ako ay nakita kong makakasalubong ko ang taong kanina ko pa hinahanap pero hindi siya nag iisa.

"kristine pwede kabang makausap?" nag aalangan kong tanong ng makalapit ako sakanila, kinakabahan na naman ako

"about what?" malamig nitong sabi, napadako ang tingin ko sa nakapulupot na kamay sa kanyang bewang parang ang sarap bali--

"you're wasting our time Sacramento kung tutunganga ka lang jn"

"kung maari sana ay yung tayong dalawa lang?" napatingin ako sa bf nito na nakikinig lang, nagkatinginan silang dalawa bago muling binalik ang tingin saakin

"he's my boyfriend kaya may karapatan siyang malaman" nakita kong napa smirk yung Ramises kaya nagtiim bagang ako bago ko siya binalingan pero sinalubong lang niya ako ng malamig na tingin.

"forget it" pagkasabi ko nun ay nilampasan ko sila..baliw ba siya? gusto niya ata akong ipahiya.

Nagsayang lang din pala ako ng oras sa paghahanap sakanya para sana magpaliwanag pero sa tingin ko wala naman siyang pake kung maglampungan pa kami ni Catalina.

"hey, nakausap mo na ba?" umiling ako sakanya ng pagbuksan niya ako ng pintuan

"I'm worried about you phoebe dahil nakita niya" nag aalala nitong sabi pero hindi yun ang winoworry ko dahil alam ko naman na matagal ng alam ni kristine.

"huwag mo ng isipin yun, mamaya susubukan ko siyang kausapin hmm?" tumango naman ito bago ako niyakap

"tara na" magkahawak kamay kaming lumabas

𝐓𝐡𝐞 𝐏𝐡𝐨𝐭𝐨𝐠𝐫𝐚𝐩𝐡𝐞𝐫 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon