7

20K 635 47
                                    

Coffee shop

"sigurado kang dito yun?" ilang beses ko ng tinanong yan kay Nicole, mahigit 30 minutes na kami dito pero wala pang miss cruz na dumadating. Mabuti nalang maganda maganda ang mga music dito medyo nawawala ang inis ko

"paulit ulit lang?! pag ako nainis sayo iiwan talaga kita dito, nakakarindi kana eh, matuto ka ngang maghintay levi hindi yung akala mo hindi kana sisipotin nung tao" Luh?!

"tsaka nagtxt sakin si miss cruz na naabutan daw sila ng traffic sa daan" sabi nito

"sila?" kunot noong tanong ko sakanya

"narinig mo naman diba? ano bingi lang??" teka teka kanina pa to ah, ano bang problema nito

"sabihin mo nga may problema kaba sakin nicole?" mataray kong tanong sakanya at mabilis itong umiling iling habang kinukumpas pa ang mga kamay sa ere

"pinagsasabi mo diya-   ....oh ayan na pala si miss cruz at___ OH MY GODDDDD iz dizzz truueee????" tili nito kaya napatingin ako sa tinuturo niya na ikinalaglag ng panga ko... si KRISTINE??? kumabog ang ang puso ko ng magtagpo ang mga mata namin

and when I tell you wala akong ibang nakikita ngayon kundi siya lang, para siyang nagcacatwalk palapit sakin pati yung naririnig kong kanta ay biglang bumagal habang papalapit siya

🎶now with a girl like you

nothing you can do

   but give the whole world like 24-7

when she looking so sweet

   that kind of body

you don't mind spending all of your time, time🎶

damn.. timing yung tugtog ni iyaz

"psst! bestie... laway mo tumutulo" nabalik ako sa wisyo at mabilis na nagpahid ng bibig pero wala akong nakapa, yung bruha tawang tawa.. sasakalin ko sana siya ng marinig ko ang boses ni miss cruz at katabi nito si kristine and right now she's giving me a cold stare

nakipagtitigan ako sakanya hanggang sa gumala ang mga mata ko sa suot niyang blouse at white jeans, hindi ko rin napigilan ang sarili na huwag mapakagat sa ibabang labi dahil ang lakas ng dating niya...

tumayo kami ni nicole at pormal silang binati. Syempre papahuli ba ang kaibigan kong fangirl ng modelong to ayown nagtitili, pati narin yung ibang nandito sa coffee shop hindi rin napigilan at pasimpleng kinukunan ito ng litrato.


Bale ako lang talaga ang walang alam sakanya? teka may kasama din silang bodyguard!???! bat diko napansin yun?

(Tanga! malamang busy kasing gumala kung saan-saan yang mata mo)

don't mind that😑

kakamayan ko sana siya pero nagulat ako ng lumapit ito sakin, as in sobrang lapit kaya nanigas ako bago nilapit ang bibig niya sa tenga ko

"we meet AGAIN... kiss stealer" tumayo ang mga balahibo ko dahil sa lamig ng boses nito pagkatapos niyang sabihin yun ay lumayo din ito bago ako binigyan ng nakakatusok na tingin na ikinalunok ko.

hindi kaagad ako nakakilos dahil shetty kahit pinapatay na niya ako sa isipan ang HOT niya parin😌

"haha look what've you done to her miss,  ..... btw I'm so sorry guys medyo rush hour kasi kaya naabutan kami ng traffic sa daan" tinanggap namin ang paumanhin nito bago inayang maupo habang nakabantay ang mga bodyguard sa tabi namin.

𝐓𝐡𝐞 𝐏𝐡𝐨𝐭𝐨𝐠𝐫𝐚𝐩𝐡𝐞𝐫 Where stories live. Discover now