48

19.3K 583 83
                                    

a/n I'm sorry kailangan ko lang po i'edit ang chapter na 'to dahil walang nakapansin o nagsabi sakin na magkakilala na pala si ms cruz at nicole haha

______________________________________
Pagkarating namin sa bahay ni cruz ay maririnig mo na ang tugtog dito sa labas, napatanga ako dahil ang akala ko ay isang simpleng selebrasyon lamang.

"I'm sorry we're late, Happy Birthday Leah" nagbeso beso sila ni catalina at inabot nito ang dala niyang regalo habang nasa likod ko si nicole dahil nahihiya daw siya. Bakit ba nahihiya 'to akala mo naman hindi niya pa kilala yung tao

"Thank you so much for coming guys akala ko hindi na kayo makakarating eh" sabi nito bago ako binalingan kaya binati ko rin ito

"nagkaroon kasi ng banggaan kaya inabot ng ilang minuto ang pag responde bago kami nakadaan at mabuti nalang din ay walang masyadong nasaktan sa insidente" sagot ko habang inaabot sakanya yung regalong dala namin

"mabuti naman at walang nasaktan, grabe na talaga ang panahon ngayon hindi m-- oh! hello there... hindi niyo naman sinabing kasama niyo pala si nicole" nakangiting bati ni cruz pagkatapos ay bineso niya rin ito, parang maamong tupa ang bruha ha.

"pasensiya na ha kung isinama ako ni levi dito miss" inabot nito ang regalo na tinanggap naman ni cruz

"aww nag abala kapa but thank you nicole at 'wag kang mag alala dahil mas masaya kapag marami" very jolly nitong sabi kaya natawa kami. Tumabi sakin si catalina at pinagsiklop ang mga kamay namin na hinayaan ko nalang.

"oh where's my manner tara pasok kayo, kumpleto na silang lahat kaya inakala ko talagang hindi na kayo makakarating" sa sinabi nito ay mabilis kong inayos ang kasuotan ko pati na rin ang buhok gamit ang isang kamay ko pagkatapos ay kinalabit ko si nicole. Hindi naman kami mapapansin dahil nag uusap sila ni cruz

'ibig sabihin nandito na siya

"how do I look?" bulong ko kay nicole, tiningnan naman ako nito mula ulo hanggang paa bago ako nito tinaasan ng kilay

"ayos lang bakit?" tumango ako sakanya, bale napapagitnaan nila akong dalawa ni catalina habang nauuna si cruz samin.

Nakarating kami sa likod ng bahay kung saan doon ginaganap ang selebrasyon. Marami ang bisita at sa tingin ko mga kamag anak ni cruz yung iba dahil hindi familiar sakin ang mga mukha.

"okay lang ba kung iwanan ko muna kayo pupuntahan ko lang yung mga pinsan ko" tumango kami sakanya pagkatapos ay iginala ko ang mga mata ko sa paligid dahil may hinahanap akong isang tao pero sila kuya josh ang nakita ko na kanina pa ata kinukuha ang atensyon namin.

"hey guys"

"always looking fab miss catalina"

"thank you so much" binitawan ako nito pagkatapos ay nakipag beso beso sakanila na ikinatuwa nilang lahat. Napapailing ako ng magsimulang magtilian ang mga ito pero syempre si catalina yan.

"bestie ang gwapo nung isa"

"sino?"

"ayan oh" sinundan ko ang nginuso nito at nakita kong si kuya josh ang tinutukoy nito na busy sa pakikipag chika kay catalina

"maghanap kana lang ng iba dahil adan ang hanap niyan"

"wala akong balak baliw, hindi lang kasi halata kung hindi pa siya magsalita dahil sa mala adonis niyang mukha" yeah I know kahit ako naloko niyan nung una ko silang makasama. Lumapit kami pagkatapos ay pinakilala ko sakanila si nicole

"kumain muna pala kayo"

kumuha ako ng pinggan pagkatapos ay inabot ko yung isa kay nicole na kinuha naman nito pero ng aabutan ko na si catalina ay umiling ito "share nalang tayo sa isang plate" alanganin akong ngumiti sakanya pero tumango ako pagkatapos ay pinapili siya kung ano ang gusto niyang kainin. Habang pinapapili ko siya ay iginala ko ulit ang mga mata ko dahil hindi ko parin siya nakikita. Ang sabi naman ni cruz kanina ay nandito na lahat kaya nasaan siya

𝐓𝐡𝐞 𝐏𝐡𝐨𝐭𝐨𝐠𝐫𝐚𝐩𝐡𝐞𝐫 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon