22

18K 577 47
                                    

"break muna"

"phoebe sunod ka na lang" I gently nod at Cruz while I'm fixing my camera and after a few minutes ay natapos kong maiayos ang mga gamit ko ay sumunod din ako sakanila.


Normally the photography sessions can last 30 minutes to 2 hours but not today dahil full day photoshoot kami and it usually last between 5 and 10 hours tapos may 1 hour for lunch kaya medyo nakakapagod, walang maayos na tulog at pahinga pero kaya pa naman

nagka taon pa na kailangan naming tulungan si mama sa pag ma manage ng flower shop niya dahil bukod sa flowershop ay nagpatayo na rin siya ng sariling niyang restaurant and oh just incase hindi ko nabanggit.. chef din si mama

kaya nga hilig ko mag request sakanya pag may gusto akong kainin dahil sobrang sarap ng mga niluluto niya, ewan ko nga ba kung bakit flowershop ang una niyang negosyo

hectic schedule ako parati at minsan nga umuuwi na ako ng madaling araw pero habang tumatagal ay nasasanay na rin ang katawan ko.

Pagkapasok ko sa kainan ay nakangiti kong binabati ang mga nadadaanan kong mga team members at lahat sila ay binati din ako pabalik.. punuan din pala ngayon

hinanap ko kaagad sila miss cruz kaso hindi ko makita kaya naisipan ko nalang na maki table sa kakilala ko


"ay oo naman girl maupo kana diyan dapat lang nagsasama ang mga magaganda nuh" sabi ni kuya Rey na isang stylish

bale apat kami dito sa isang table at lahat sila ay mga gays, komportable naman ako sakanila kaya hindi ako nahihirapang makisalamuha kahit na mas bata pa ako kung ikukumpara sakanila

"hi ganda"


"hello po" kumaway pa ako with matching smile

"in fairness sayo phoebe ha, nakaka survived ka sa mga pagtataray ni miss kristine sayo.. eh yung iba nga hindi nakakatagal sakanya dahil sa sobrang sama ng ugali ng babaeng yun and take note halos araw-araw kaming nag uulam ng malulutong niyang mura hayss nakakaloka yun girl" nakasimangot nitong sabi na nginitian ko nalang din


"hoy bakla! yang bibig mo baka may makarinig sayo" saway sakanya ni kuya kim na isang make up artist


"oh vaket? totoo naman na masama ang ugali niya ah buti nga nakakatagal pa tayo" napailing na lamang ako at hindi na nag komento pa.


Nandito kami ngayon sa Jollibee dahil ito lang ang mas malapit na kainan sa building.. libre daw ngayon ni miss cruz ang lahat ng teams kaya tuwang tuwa kami, kadalasan kasi nagpapa deliver na lang kami ng pagkain for lunch kaso ito nga nagyayang manlibre sa labas.


Habang nag oorder kami ng makakain ay bigla nalang pumasok sa isipan ko ang mga kaganapan between me and kristine.


Nito kasing mga nag daang araw at magmula ng magkita kaming muli ay hindi na niya ako matingnan ng maayos, pag nagkaka salubong kami at pag nasa photoshoot naman ay panay ang iwas niya pero ang hindi ko talaga nagugustuhan ay yung way ng pag tingin niya.


Makikita mo-- no, let me rephrase that.. pinapakita niya saakin na talagang nandidiri siya sa isang tulad ko

naiintindihan ko naman na nagulat siya sa natuklasan niya tungkol saakin, pero sana naman pakinggan niya yung side ko dahil makaka apekto ito sa trabaho ko kung tuluyang magiging sarado ang isipan niya sa mga taong tulad ko na may pang karaniwang kondisyon.


Ilang beses kong sinubukan na kausapin siya para ipaliwanag sakanya pero talagang iniiwasan niya ako, para bang akala mo may nakakahawa akong sakit. Kaya sobra din ang pagtitimpi ko na huwag lang siyang bulyawan


𝐓𝐡𝐞 𝐏𝐡𝐨𝐭𝐨𝐠𝐫𝐚𝐩𝐡𝐞𝐫 Where stories live. Discover now