45

17.6K 500 66
                                    


Kristine

I seductively lick my upper lips while looking in her eyes, napangisi ako sa sunod sunod nitong paglunok. Habang hinuhubad ko ang suot kong roba ay napakagat ako sa labi para pigilan ang sariling huwag matawa dahil muntik na niyang mabitawan yung hawak nitong camera and I guess hindi lang siya dahil kahit ang mga kasamahan naming mga kalalakihan dito ay napanganga pero sakanya lang nakatuon ang pansin ko.

"how?" painosente at kunwaring hindi ko alam yung pose na pinapagawa niya para lumapit siya sakin. Nakikita ko ang pag aalinlangan niya pero makalipas ang ilang segundo ay lumapit din ito, napapikit ako ng maamoy ko ang pamilyar na pabango na palagi kong kinakaadikan sakanya.

gahd gusto ko ulit siyang maramdaman hmmm

ehem!

nabalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang fake cough nito and goodness nakakahiya nakita niya ba ang ginawa kong pagpikit?

"try to look at the other side so we can get the perfect angle miss" napairap ako sa tinawag niya sakin pero hindi na ako nagsalita pa. Medyo naiinis na ako dahil hindi niya ako hinahawakan kaya sinadya kong matapilok at hindi naman ako nabigo dahil mabilis niya akong nasalo, narinig ko ang singhapan sa paligid. I really miss her body against mine

"a-are you okay?" nauutal nitong tanong kaya palihim akong napangiti dahil mahahalata mo sa boses niya yung pag aalala, isa ito sa minahal ko sakanya ang pagiging maalalahanin.

Pasimple kong hinaplos ang braso niya pataas sa balikat nito. Napatiim bagang at naramdaman kong humigpit ang pagkakayapos niya sa bewang ko. Bumaba pa ang haplos ng mga daliri ko sa collarbone niya na ikinasinghap niya ng mahina hanggang sa biglang narinig ko ang nakakairitang boses.

"I think she's okay... RIGHT KRISTINE?" pekeng ngiti nitong tanong pagkatapos ay mabilis niyang pinaglayo ang mga katawan namin at mabuti nalang mabilis ang reflexes ko kundi bagsak ang aabutin ko.

"I think she's no-"

"she's fine phoebe" madiin at nakangiti nitong sambit habang sinasabi niya yun ay sakin siya nakatingin kaya binigyan ko siya ng matamis na ngiti para lalo siyang mainis "don't worry sacramento ayos lang ako"

"are you sure?" napalingon sakanya si Catalina at mahahalata mo sa mukha niya ang inis kaya nagdidiwang ang kalooban ko sa nangyayari. Tumango nalang ako dahil baka kung ano pang eksena ang gawin niya but knowing her magaling siya magtago ng sarili niyang kulay. Kailangan kong mag ingat dahil hindi ko alam ang tumatakbo sa utak nito

"I think we need a break 'cuz I found out some of you haven't had their breakfast" anunsyo ni cruz na sinang ayonan ng lahat. Nilapitan ako ni Ramises pero yung mga mata ko ay napako sa dalawang papalayo pero may naobserbahan lang ako

"phew! what a nice show you just did there and look what have you done you naughty naughty girl" rinig kong sabi nito sa tabi ko. Napabuntong hininga ako dahil nakikita kong mukhang nagtatalo yung dalawa sa may tagong parte

"may problema ba?"

"bakit parang nakakaramdam ako ng awa kay catalina" I sigh habang pinagmamasdan ang stepsister ko na nagmumukhang desperada

"I mean she's begging to be loved by someone who can't love her back"

"parang kanina lang tuwang tuwa kapa sa naging resulta and now naaawa ka sakanya? mukhang lumalambot na nga ang puso mo"

"yeah pero hindi parin nun mababago ang ginawa niyang pang mamanipula para lang makuha ang gusto niya" narinig ko ang buong pag uusap nila ni levi sa parking lot pagkatapos ng runway show kaya galit ako sakanya dahil gumagawa siya ng kasinungalingan para palabasin na ako yung masamang tao na kung tutuusin siya ang may kasalanan ng lahat ng ito.

𝐓𝐡𝐞 𝐏𝐡𝐨𝐭𝐨𝐠𝐫𝐚𝐩𝐡𝐞𝐫 Where stories live. Discover now