Kabanata 37: Pag-iisang dibdib

227 21 0
                                    

Kabanata 37: Pag-iisang dibdib

Virtus, Arcania

Matamlay at walang balak na gumalaw si Lory nang sinabihan siya ng kaniyang ina na  lalagyan na ng mga palamuti ang kaniyang buhok at mukha. Napagtanto niya na alam na ng lahat ang kasunduang pagpapakasal kay Prinsipe Judiel ngunit kahit isa sa kanila ay walang tutol dito. Miski ang pamilya Brukes ay hindi siya iniimik kaya't nawalan siya ng pag-asa na makuha ang nais na sagot.

"Anak, may problema ba?" Sabi ni Monica nang buksan ang silid ni Lory. Umiling na lang ito at pinwersa ang sarili na sumunod sa kaniyang ina.

Sinimulan na siyang ayusan mula sa pananamit hanggang sa paglalagay ng kolorete.

"Anong sinabi namin sa'yo ng papa mo? Na maaga kang matulog para marami kang lakas sa araw ng kasal mo. Tingnan mo tuloy, ang itim-itim ng ibaba ng mata mo." Panenermon ng ina ngunit hikbi at iyak lang ang isinagot ni Lory dito.

"Ma, ayokong magpakasal kay Prinsipe Judiel. Alam mong si George ang mahal ko."

"Anak...tungkol diyan, hindi ko kayang pigilan ang kasunduan. Ipinaliwanag sa akin ni Prinsipe Judiel na kasama sa ritwal ang pagpapakasal mo sa kaniya bilang isang sinugo. Gustuhin ko mang kayo ang magkatuluyan ni George, wala talaga akong magagawa." Malungkot na turan ni Monica habang hinahagod ang likod ng anak.

Tuluyang nanlumo si Lory sa mga narinig. Masaya man siyang naibalik na sa kapayapaan ang Arcania ay labis naman na sakit ang kaniyang nadarama sa tuwing naiisip niya ang pagtalikod ni George sa araw na iyon.

Maraming palaisipan ang bumabagabag sa kaniyang isipan kung saan siya nagkamali o totoo bang hindi na siya nito mahal.

"Oh anak, huwag mo nang sirain ang make-up mo. Sigurado akong hindi mo ito pagsisisihan. Nangangati man ang dila ko na sabihin na sa iyo ang totoo, pero kailangan kong sumunod sa plano---ay este sa kasunduan." Napapikit si Monica sabay takip ng kamay sa bibig.

"P-plano?" Nasinghot na tanong ni Lory.

"Wala iyon. Oh, nandiyan na ang papa mo. Magsisimula na ang kasal." Pagmamadali ni Monica at binulungan ang asawa pagkapasok. Ngumiti ito kay Lory nang lapitan ito.

"Handa ka na ba?"

Gusto mang sabihin na 'hindi', tumango na lamang si Lory at isinukbit ang kamay sa braso ng ama.

Nasa dulo na sila ng altar at maraming taga-Virtus ang masayang nakatingin sa kaniya. Lahat ay namangha sa angking kagandahan ni Lory kahit pa ang kasarian ay lalaki.

Nagsimula na silang maglakad ngunit wala sa katinuan ang isipan ni Lory. Nadatnan niyang nakatayo si Prinsipe Judiel at hinihintay ang pagdating nila.Gusto niyang umalis at tumakbo sa malayo pero ayaw niyang pahiyain ang prinsipe sa mismo nitong kaharian.

"Ingatan mo ang anak ko. Sa iyo ko na aiya ipinagkakatiwala." Seryosong saad ni Bernardo sa lalaki.

"Makakaasa po kayo." Tanging sagot lang nito sabay iginaya si Lory sa harap ng bathaluman. Pumikit na lamang si Lory at ayaw masaksihan ang mga kaganapan.

"Isang mapagpalang umaga sa inyong lahat. Narito tayo ngayon upang maging saksi sa pag-iisang dibdib ni Lorenzo Benedicto Suarez at ng lalaking napili niya bilang kabiyak ng kaniyang dibdib." Panimula ng bathaluman habang binabasa ang nakasulat sa hawak niyang papel.

"Ikaw lalaki, tinatanggap mo bang makasama si Lory sa panghabambuhay, sa hirap man o ginhawa?"

"Tinatanggap ko po, bathaluman." Sagot nito.

"Ikaw naman Lory, tinatanggap mo ba na makasama siya panghabambuhay, sa hirap man o ginhawa?"

Matagal na umimik si Lory pero hindi na niya kaya pang umatras. "O-opo, tinatanggap ko po." Nakatungo niyang sambit habang nakapikit pa rin ang mga mata.

"Kung gayon, sa ngalan ng aking basbas at ng iba pang bathaluman, kayo ay ginagawaran ko ng mahabang pagsasama bilang isang ganap na mag-asawa. Maaari niyo nang halikan ang isa't isa." Masaya nitong turan nang mailahad ang mga kataga.

"Walang balak na lumingon si Lory ngunit kamay na mismo ng lalaki ang nagpaharap sa kaniya. Idinilat nito ang kaniyang mata at nagulat sa nakita.

"G-george?" Hindi makapaniwalang turan ni Lory nang makita sa harapan niya ang lalaking gusto niyang pakasalan.

Ngumisi si George at walang pag-aalinlangang hinalikan si Lory.

"Nagulat ka ba? Parte ito ng plano namin na hindi muna sabihin sa'yo na ako mismo ang pakakasalan mo at hindi si---"

Hindi na naituloy ni George ang sasabihin nang sunggaban ni Lory ang mga labi nito. Nagsasayaw ang kaniyang puso sa sobrang galak dahil sa wakas ay natupad na ang kanilang pangarap---ang maikasal sa isa't isa.

Nagsipalkpakan naman ang lahat habang nagbubunyi sa bagong kasal.

"Salamat. Salamat dahil hindi mo ako binigo." Ang nasabi ni Lory habang magkalapat ang kanilang noo.

Ilang saglit pa ay nagsilapitan na ang lahat sa kanila ay isa-isang nagyakapan.

"Sandali lang..." Banggit ni Lory habang may hinahanap.

Nang makita, kaagad niya itong niyakap at binigyan ng halik sa pisnge.

"Salamat. Maraming-maraming salamat."

"Maliit na bagay, Lory. Sa simula't sapul ay alam ko nang si George talaga ang mahal mo. Pero sana, may kalalagyan ako ng puwang sa puso mo." Masayang turan ni Prinsipe Judiel habang yakap-yakap ang sinugo.

"Kahit hindi mo sabihin, may lugar ka sa puso ko at hinding-hindi iyon mawawala. Balang araw ay makakahanap ka ng mas karapat-dapat at iibigin ka nang tapat."

"Sana nga Lory, sana nga..."

Sa huling pagkakataon ay inihatid ni Prinsipe Judiel si Lory sa bago nitong asawa. Nagtanguan sila at nagkamayan.

"Ipinapaubaya ko na sa'yo si Lory. Huwag na huwag mo siyang sasaktan at paiiyakin."

Tumango lang si George sabay hinawakan sa beywang si Lory. Tumalikod na si Prinsipe Judiel para ilayo ang sarili sa kapalarang hindi pa niya lubos na tanggap.

👹👹👹

Nakakaiyak 'yung sinapit ni Prinsipe Judiel HUHUHUHU🥲 by the way, epilogo na ang next!

Arcania: The Rebirth of Lory ✓Where stories live. Discover now