Kabanata 13: Medeus ng Impyerno

242 35 0
                                    

13- Medeus ng Impyerno

Bumaba sa kalangitan ang Bathalumang Amadeus para isuplong sa diwata ng Arcania ang kapalaran ng sinugo.

Bago pa man humango, may ilaw siyang nakita sa gitna ng batis.

"Aaaaaahhhh! H-hindi ko k-kaya!"

"Lory!"

Mabilis siyang pumunta sa pinanggagalingan ni Lory at kita ang pagkapalibot ng pulang tubig sa kaniyang katawan.

"Sheda Borni Medeus!"

Itinipat niya ang kaniyang baston ay walang pag-aalinlangang itinapat sa kapatid.

Bumagsak ang nanghihinang si Lory at buti na lamang ay kaagad niya itong nasambot.

"B-bathalumang Amadeus..."

Kita ang pag-aalala sa mukha ng bathaluman dahil sa natamong sugat at paso sa katawan ng sinugo.

"Kahit kailan talaga ay lapastangan ka kapatid!" Sigaw ni Medeus pagkatayo.

"Masyado kang sakim kapatid. Nakuha mo na ang gusto mo, ang maging hari ng impyerno. Ano pa bang gusto mo?!"

"Gusto ko? Gusto ko ang sinugo! Siya ang magiging katuwang ko sa paglipon ng kadiliman. Masama ba 'yon?"

"Lahat na lang ng mga bagong sinugo ay inaangkin mo. Baka nakakalimutan mo, ang dating sinugo na si Andreas ay napaikot at napaglaruan mo. Alam mo ba ang naging epekto 'non sa Arcania? Tuluyan nang naupo sa trono si Argus!"

"Kung hindi mo lang sana ako kinulong sa pesteng mahika mo, hindi ka sana naghihirap. At bilang hari ng impyerno, ako, si Medeus, hinahamon kang makipaglaban upang malaman kung sino talaga ang mas may karapatan sa bagong sinugo."

"Wala akong panahon para makipag-duwelo sa'yo. Ang kalagayan ng sinugo ang prayoridad ko."

"Kung ganoon, ipinapakita mo lamang na hindi mo ako kayang harapin."

"Masyadong mababa ang kaligayahan at ambisyon mo sa buhay Medeus. Sige, pagbibigyan kita. Sisiguraduhin kong hindi ka na makakawala sa hawlang igagawa ko sa iyo."

"Tingnan natin..."

Humalakhak nang napakalakas si Medeus bago mawala sa lugar.

Kaagad na dinala ni Amadeus ang walang buhay na katawan ni Lory papuntang Virtus.

👹👹👹

Arcania: The Rebirth of Lory ✓Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu