Kabanata 6: Malik-mata

463 47 0
                                    

6- Malik-mata

Pransiya

Nakababa na ang eroplanong sinakyan ni George sa destinasyong tinahak, ang Pransiya. Muli siyang sumakay upang pumunta sa lumang templo ng Roma, kung saan naroroon ang lagusan papuntang Arcania. Makailang saglit pa'y natunton na niya ang nasabing templo. Maagap at maingat siyang umakyat papuntang tuktok nito at walang kasiguraduhan kung guguho ba ito dahil sa tarik at warak na ang sandigan nito.

Huling kapa niya sa bato at tuluyan na ngang nakaakyat si George sa tuktok. Nakita niya ang pabilog na lagusan ng Arcania habang nagniningning sa kalangitan.

Walang alinlangan siyang tumalon doon at hinigop papunta sa ibang dimensyon.

👹👹👹

Virtus, Arcania

Natapos ang isa't kalahating oras ay walang kibuang naganap sa pagitan nina Lory at Prinsipe Judiel. Ang naudlot na paghahalikan ay dahil sa mga ala-alang gumagambala sa isipan ni Lory. Sa isip-isip niya ay para na rin siyang nagtaksil kay George sa oras na hinagkan niya pabalik ang lalaking nakatakdang ipakasal sa kaniya.

Muling tumingin si Lory sa gawi ng prinsipe ngunit wala pa rin itong imik. Doon na siya timaan ng konsensiya kung kaya nakaisip siya ng isang plano.

Pinatigil niya ang kalesa at hinila pababa si Prinsipe Judiel.

"Saan mo balak pumunta Lory?"

"Basta. Sumunod ka na lamang."

Humanap si Lory ng isang lugar kung saan maaari silang magpahinga. Nakakita siya ng isang puno na kulay dilaw ang mga dahon nito. Tumigil sila at humarap si Lory sa nagtatakang prinsipe.

Ngumiti siya at unti-unting lumapit upang yakapin.

"Prinsipe Judiel, maraming salamat sa mga ginawa mo sa akin. Lahat ng mga katanungan ko ay maluwalhati mong sinagot. Nag-aalinlangan man ako dahil sa naging kalagayan ko ngayon, aminin ko man o hindi, pinipilit kong tanggapin ang lahat. Ang maging kabiyak mo, pagiging manananggol, at maging isang bampira o ano man. Hanggang yakap lang ang kaya kong gawin sa iyo Prinsipe Judiel. Baka sa tamang panahon, matanggap ko na ang lahat-lahat."

Mahal niya si George. Iyon ang katotohanan. Ngunit paano niya iyon masasabi kung may tao nang nakatakda na sa kaniya? Ramdam niyang mabuti si Prinsipe Judiel kaya natatakot siyang masaktan ito sakali mang aminin niya na may iniibig na siyang iba.

"Nauunawaan ko Lory. Maghihintay ako. Pangako 'yan."

Ngumiti si Lory sa naging sagot ng prinsipe. Muli niyang pinikit ang kaniyang mga mata at dinama ang kabaitang taglay ng kayakap.

Sa pagdilat ng kaniyang mata, isang imahe ang nasulyapan niya sa likod ng puno. Nanlaki ang mga mata niya ng maanigan ito nang mabuti.

"G-george?"

Kumalas siya sa yakap at tumakbo papunta roon. Ngunit sa kasamaang palad, ang taong kaniyang inaasahan ay tila naging hanging sumalubong pagkarating niya.

"Lory, anong problema?"

"W-wala. Namalik-mata lamang ako."

Tumango ang prinsipe at inalalayan siya pabalik sa kalesa. Muling tumalikod si Lory upang tingnan ang lugar na iyon...nagbabakasakaling masulyapan muli ang namalik-mata niyang imahe sa isipan.

👹👹👹

Arcania: The Rebirth of Lory ✓Where stories live. Discover now