Kabanata 18: Tutol sa kasunduan

225 32 3
                                    

Hi Bubblies! Pasensya na kung late update. Marami kasing reqs sa school and gahol pa ako sa oras para umisip ng kabanata. Enjoy reading!

_

18- Tutol sa kasunduan

Sa gitna ng gabi ay magkayakap na natutulog ang dalawang nilalang na matagal hinintay ang ganitong pagkakataon. Bawat higpit ay ipinapadama nila sa isa't isa kung gaano sila nangulila at inasam na muling magkita.

"Hindi ka na aalis?" Bulong na tanong ni Lory habang siya'y hinahaplos ng nobyo.

"Hindi naman ako umalis. Palagi kang nasa puso't isipan ko. Kung alam mo lang ang pagkabaliw ko buhat ng mawala ka ng mga sandaling iyon. Halos hindi ako makakain o makalabas dahil para ring pinapatay ang kalooban ko. Kaya ikaw ang hindi dapat umalis, Lory. Hindi ko na kakayanin kapag mawala ka pa." Sinsero niyang banggit sabay halik sa noo ng sinugo.

"Ayos lang ba sa'yo kung ako ang magiging sinugo? Kung mag-iba na ng tuluyan ang anyo ko? Mamahalin mo pa rin ba ako sa lagay na 'yon?" Tanong muli ni Lory na may himig na pagkatakot at pagkalungkot.

"Kahit maging bampira, lobo o ano ka pa man, hindi magbabago ang pagtingin ko sa'yo. Ikaw ang minahal ko at ikaw lang din ang pipiliin ko. Naipaliwanag na sa akin  lahat ni Cassandra ang kapalaran mo at handa kong itaya ang sarili kong buhay alang-alang sa seguridad mo."

Lumandas ang mga luha sa mata ni Lory matapos marinig ang mga binitaw na pangako ni George. Tila musika sa kaniyang pandinig ang boses ng kaniyang nobyo at hindi siya magsasawang pakinggan ang mga iyon.

"Oo nga pala, kumusta na sina Tita Penelope?"

"Tulad ko, alalang-alala sila sa kalagayan mo. Dapat ay kasama sila sa paghahanap pero hindi na ako makapaghintay na makita ka. Nasa Bagong Lilim pa rin sila at patuloy na binabantayan sina Tita Monica."

"Si mama..." Mahina niyang sabi at inaalala kung anong magiging reaksyon niya sa oras na malaman na hindi na tao ang kaniyang anak.

"Pinaintindi na ng mga magulang ko na nagpaiwan tayo sa France para hindi sila magtaka. Huwag kang mag-alala, nasa maayos na kalagayan ang pamilya mo."

Tumango si Lory at muling idinantay ang mukha sa dibdin ni George. Parehas silang pumikit at pinakiramdaman ang sabay na pagtunog ng kanilang mga puso.

👹👹👹

Sumapit ang umaga ay sabay silang bumaba papuntang hapag. Sumalubong sa kanila ang nakakunot na prinsipe habang payak na ngiti ang nakarehistro sa mukha ni Gabriel.

Pinaghila ni George si Lory ng upuan para makaupo. Sumunod naman siya sa tabihan nito ang humarap sa pagkain.

"M-may problema ba Prinsipe Judiel?" Nagtatakang tanong ni Lory.

Hindi kaagad sumagot ang prinsipe pero hindi rin nakapagtimpi di' kalaunan.

"Lory, maaari mo bang ihayag sa NOBYO mo ang ating kasunduan maging ang bathaluman? Hindi ko kasi nais makita na may kahati ako sa bagay na dapat ay sa akin lang." Madiin nitong banggit habang nakatingin kay George.

"A-ah kasi..."

"Kung inaakala mong wala akong kamalayan patungkol sa pagpapakasal, pwes hindi ako papayag. Isa pa, hindi bagay si Lory. Kung ganyan mo tinatrato ang sinugo, sa tingin mo ba walang maghahasik na agawin siya mula sa'yo?" Mababang tonong pagkakasabi ni George habang matamang nakatingin sa prinsipe.

Nagitla ang lahat nang idabog ng prinsipe ang kaniyang kamay sa lamesa at ito'y tumayo upang lumapit kay George. Hinila nito ang kwelyo at binigyan ng nanlilisik na mga mata.

"Hindi ko gusto ang tabas ng dila mo, Brukes. Ako at si Lory ay magpapakasal. Kahit sino man ay walang makakapigil, miski ikaw. Matagal kang nawala, at ako..., Ako ang pupuno sa mga pagkukulang mo!"

"Hindi kita aatrasan. Magkamatayan na pero akin si Lory. Tandaan mo 'yan."

👹👹👹

Ang sarap yata sa feeling na pinag-aagawan ka. Sanaol Lory!

Arcania: The Rebirth of Lory ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon