Kabanata 5: Silakbo ng kapahamakan

592 51 0
                                    

5-  Silakbo ng Kapahamakan

Chateau Arcania, France

Matinding galit ang nadarama ng Haring Argus nang mabalitaang natalo sa digmaan ang ipinadala niyang daan-daang bampira kasama ang kampo ni Lilia. Hindi siya makapaniwala na nagapi ang lahat ng ito ng kakarampot na mga tiwaling. Bawat nadadaanan niyang kawal ay pinagdudukot ang puso nito upang ibaling ang sama ng loob.

Nang mapagod, naupo siya sa kaniyang trono at hinimas ang sumasakit na ulo.

"Mga kawal, ipatawag ang aking anak. Heida! (Bilisan!)". Sigaw nito na kaagad namang sinunod ng mga tagapagsilbi.

Ilang sandali pa'y dumating na ang kaniyang anak. Mababanaag sa mukha nito na walang kainte-interes sa anumang sasabihin ng ama.

"Alam mo na naman siguro kung bakit kita pinatawag, Gabriel."

"Para saan? Kung gagamitin niyo lang ako sa palpak niyo na namang plano, pakiusap tumigil na kayo ama. Nilalagay niyo lang sa alanganin ang lahat." Hatol ni Gabriel.

"Kung gayon, hahayaan mo bang mapunta ang bagong sinugo sa anak ng Bathalumang Amadeus? Balita ko'y hinihintay mo rin siyang makapunta rito sa Arcania, tama ba ako Gabriel?"

Nanlaki ang mata ng anak sa kaniyang sinabi. Lingid sa kaalaman ng nakararami, ang bagong sinugo ng buhay ay may taglay na kapangyarihang pambihira kapag pumatak ang panahon na nakatakdang pag-iibang anyo. Hindi nakapagtataka na kaakit-akit ang mukha ni Lory kaya kahit ang anak ng Haring Argus ay nabihag nito.

Napangisi ang kaniyang ama at muling nagpatuloy sa pagsasalita.

"Kung gayon, tama ang naging hinala ko. Kung hindi mo susundin ang sinasabi ko, ako mismo ang papatay sa kaniya."

"Ama!"

"Nasa sa iyo ang hatol Gabriel. Sumunod ka upang mabuhay ang sinugo o umayaw ka pero walang kasiguraduhan ang kaligtasan ng minamatiyagan mo."

Nagdadalawang isip si Gabriel kung gagawin niya ba ang nais ipag-utos ng kaniyang ama. Tumalikod na lamang ito at nilisan ang kaharian.

👹👹👹

Virtus, Arcania

"Nasaan tayo?" Tanong ni Lory nang dalhin siya ni Prinsipe Judiel sa isang batis.

"Ang lugar na ito ay napaka-espesyal para sa akin. Dito ako pumupunta kapag may problema akong dala-dala at nagmumuni habang tinitingnan ang paglubog ng araw." Masayang banggit ni Prinsipe Judiel na nakatingin sa kalangitan.

Naglatag sila ng mahabang kumot upang ipanglatag sa lupa. May dala silang isang kahon na naglalaman ng samu't saring pagkain.

"At alam mo ba ang ipinangako ko sa lugar na ito?" Pahayag niya nang tuluyan silang makaupo. Umiling si Lory sa tanong nito.

"Na kapag nahanap ko na ang kabiyak ko, siya ang una kong dadalhin dito at pagsasaluhan ang buong maghapon."

Unti-unting lumapit si Prinsipe Judiel kay Lory. Ilang dangkal na lang ay maglalapit na ang kanilang mukha.

Hindi makagalaw si Lory.

Itinulak niya palayo si Prinsipe Judiel nang maalala ang pagdala sa kaniya ni George sa bundok. Napapikit siya at muling umiling.

"Hindi pa'ko handa Prinsipe Judiel, paumanhin."

Napangiti nang kaunti ang prinsipe at inintindi ang desisyon ni Lory.

👹👹👹


Arcania: The Rebirth of Lory ✓Where stories live. Discover now