Kabanata 24: Daan sa Digmaan

150 24 0
                                    

24- Daan sa digmaan

Virtus, Arcania

Hindi mapalagay si Lory at kanina pang pabalik-balik ng lakad sa harapan ng pamilya Brukes at dalawang prinsipe. Miski sila ay nag-aalala rin sa kung ano ang kalagayan ng kaniyang pamilya sa mga oras na iyon.

Nang hindi na makapagtimpi, lumapit si Prinsipe Judiel kay Lory at siya'y binigyan ng yakap.

"Huwag kang masyadong mag-alala, Lory. Anumang mangyari sa mga magulang mo, tandaan mo na lagi silang poprotektahan ng Panginoon niyo." Pag-aalo nito.

"Hindi mag-alala? Paanong hindi ako mag-aalala kung malapit sila kina Henah? Pasensya na ngunit hindi ko maiiwasan iyang mga sinasabi mo." Histerikal nitong pagkakasabi habang nakasapo sa uluhan.

Lumakas ang simoy ng hangin kasabay ng malakas na pagkulog. Namutawi ang pulang kalangitan dahil sa liwanag na inilalabas ng bilog na buwan.

"M-mukhang ito na ang hudyat ng paggalaw nila ng baso. Nagsisimula nang kumilos sina Haring Argus at Henah." May pangambang pagkakasaad ni Penelope.

Unti-unti namang nagsibagsakan ang butil-butil na ulan hanggang sa lumakas ito. Nayanig ang lahat nang may biglang pagsabog sa gawing unahan ng tarangkahan at dito nagsimulang lumusob ang mga bampirang may kalasag.

"Mahal na Prisipe! Pinasok tayo ng mga kalaban!"

👹👹👹

Chateau, Arcania

Nakangisi ang Haring Argus habang pinagmamasdan ang nagkakagulong kaharian ng Virtus sa mga pinadala niyang bampira upang lumusob. Ang hakbang na ito ay parte ng plano nila ni Henah upang makaligtaan nila ang pamilya ni Lory na kanilang bibihagin.

"Ipadala mo kina Henah na mukhang umaayon sa atin ang sitwasyon. Ipabatid mo rin na mas maganda kung madadala nila ang bitag dito sa lalong madaling panahon. Sige na, lipad na!" Utos nito sa uwak na siya namang pagpagaspas ng pakpak sa himpapawid.

Mariing tiningnan ng hari ang kaniyang sarili sa replika ng tubig at sumilay ang madilim na ngiti.

"Makukuha ko rin ang kapangyarihan ng sinugo. Malapit na..." Banggit nito sa sarili sabay humalakhak nang pagkalakas-lakas.

👹👹👹

Virtus, Arcania

Abala si Prinsipe Gabriel sa pag-aasikaso sa mga batang bampira upang ilayo sa labanan habang ang iba ay nakikipagpatintero sa kamatayan na sinabayan ng malakas na ulan.

Mga sigaw at kalansing ng espada ay umaangat na tunog sa buong paligid at tila walang hangganan ang paglusob ng mga kalaban.

"Prinsipe Judiel, masyadong marami ang mga lumulusob. Mukhang kukulangin tayo sa proteksyon dahil sira na ang ating tarangkahan." Buong pag-aalalang banggit ni Hudlum habang mabilis na hinablot ang isang bampira sabay binalian sa leeg.

Napatigil naman si Lory sa gitna ng pakikipaglaban nang makita niya ang imahe ng kapatid ng bathaluman. Bumuka ang lupa at iniluwa ito na may kasamang apoy.

Kaagad namang naalarma si George pati na rin ang dalawang prinsipe sa paglabas ni Medeus sa impyerno.

"Hudlum, tawagin mo ang bathaluman. May malaki tayong problema!" Sigaw ni Prinisipe Judiel habang nakatapat ang espada kay Medeus.

"Mukhang hindi na kakailanganin, mahal na prinsipe... Nariyan na ang ama niyo." Banggit naman nito habang nakatingala sa kalangitan.

Mabilis na inapak ni Bathalumang Amadeus ang kaniyang paa at tungkod sa lupa. Hinarap niya ang kaniyang kapatid na may sama sa mga mata.

"Mukhang nagkakasiyahan ang buong Arcania. Nakalulungkot lang dahil hindi ako inimbitahan."

"Walang rason para magkasiyahan, Medeus. Anong ginagawa mo rito?"

"Alam mo naman siguro kung sino at ano ang pakay ko..." Malamig niyang tonong pagkakabanggit. Iginawi niya ang kaniyang mata kay Lory at binigyan ito ng misteryosong ngiti.

"Siya."

👹👹👹

Hiii! Sorry kung ngayon lang nakapag-UD😑 I'll try my best na mag-UD bukas. Pramiss!! Please leave vote and comments, Arcanian! Mwah.

Arcania: The Rebirth of Lory ✓Where stories live. Discover now