Kabanata 35: Ang katapusan

150 21 0
                                    

Kabanata 35: Ang katapusan

Chateau, Arcania

Tila huminto ang sandali para kay Lory at tanging naririnig lang ang mabilis na pagtibok na puso. Halos mamanhid ang kaniyang katawan nang masilayan kung paano ilabas ni Henah ang nakabaon niyang kamay sa dibdib ni Gabriel.

"HINDI!" Sigaw nito ngunit huli na ang lahat para iligtas ito. Sumugod siya sa kinagagawian nila at galit na sinunggaban si Henah. Nakailag ito nang ilang beses subalit hindi na rin ito makasabay sa bilis na paggalaw ng sinugo buhat nang makagat ito sa braso.

Si Lory ay muling nag-anyong liwanag at sunod-sunod na pinaulanan ng asul na apoy si Henah. Ramdam ng sinugo na ginagamit siya ng telekanismo ngunit mas nangingibabaw ang kaniyang kapangyarihan nang magalit ito nang husto.

Kaagad siyang nagpalit anyo bilang bampira at pumatong sa sugatang supremo.

"Para ito sa mga magulang ko!" Sigaw nito sabay kalmot sa mukha.

"Para ito sa mga mahal ko!" Banggit niyang muli pagkasira ng suot nito.

"At higit sa lahat, para kay Gabriel na pinatay mo!" Huli niyang bigkas at pinaulanan nang tadtad na kalmot.

Halos mawarak na ang dibdib ni Henah dahil sa sobrang panggigigil ni Lory. Nagtatalsikan na ang mga dugo sa mukha ng sinugo maging sa paligid nito.

Nakuha pang ngumisi ni Henah ngunit kaagad nawala ang mapang-alaskang ngiti nang dukitin ni Lory ang dalawa nitong mata.

"Lory, tama na...tapos na." Pagpigil ni George sa kasintahan ngunit wala pa ring sawa si Lory sa paglaspag ng katawan nito. Para bang wala siyang naririnig.

"Hindi. Hindi ako titigil hanggat hindi siya magkandapira-piraso! Kailangan niyang mamatay at mabaon ang katawang lupa sa impyerno!" Angil nito kasabay ng pag-iyak.

Hindi na pinigilan pa ni George ang pagdadalumhati ni Lory. Nang magsawa ito ay kaagad pinuntahan ang nakapikit nang si Gabriel.

"G-gabriel, kailangan mo pang mabuhay. Buksan mo ang iyong mga mata. Pakiusap Gabriel, pakiusap." Luhang sabi ng sinugo habang inaalo ang mukha nito.

Ngumiti naman si Gabriel at inabot ang kamay ng sinugo.

"Hindi ako nagsisisi na pumanig sa inyo. Kampante na ako dahil wala nang manggugulo pa sa buong Arcania." Hirap nitong turan nang bumulwak ang dugo aa kaniyang bibig. Umiling si Lory dahil hindi niya kayang tanggapin ang sinapit nito.

"Gagawin ko ang lahat Gabriel, mabuhay ka lang. Sabihin mo lang..."

"Hindi na kailangan, Lory. Ang makita kang buhay ay sapat na sa akin. Gusto kong sabihin sa iyo kahit sa huling sandali na gusto kita. Alam kong si George na ang nagpapatibok ng iyong puso pero gusto ko pa rin ipagtapat ang tunay kong nararamdaman. Ayokong pagsisihan na hindi ko ito masabi bago man ako mamamatay."

Hindi nakaimik si Lory pero patuloy siya sa pag-iyak. Rumehistro ang ngiting nananalaytay sa labi ni Gabriel bago nito unti-unting ipikit ang mga mata.

"G-gabriel? GABRIEL! GUMISING KA GABRIEL!"

Saksi ang pamilya Brukes at ang mga tauhan ng Virtus sa labis na kalungkutan ng sinugo. Miski sila ay naaawa sa kalagayan ni Gabriel ngunit wala na silang magagawa pa para muling buhayin ito.

"Kailangan na nating ihatid sila sa maayos na paghihimlayan. Hindi natin madidikta ang kapalaran pero tapos na ang labanan. Ipagpasalamat na lang natin dahil isa sila sa mga nagtaya ng kanilang buhay alang-alang sa kapayapaan." Singit ni Penelope at tinulungang makatayo si Lory.

Ito na. Ito na ang katapusan. Alam nilang may mababawian ng buhay ngunit ang mga puso ay hindi pa handa para rito. Ang salitang 'paalam' ay hindi tutumbas sa mga ala-alang tumatak kahit sa maikling panahon.

Pero sa mga puntong ito, ang 'paalam' ay siyang mababanggit at nananalangin na mapunta sa kabilang buhay ang mga nasawi.

👹👹👹

Malapit na ang Epilogo!

Arcania: The Rebirth of Lory ✓Where stories live. Discover now