Kabanata 2: Deklara ng Bathalumang Amadeus

1K 66 0
                                    

Every Sunday ay mag-u-update ako ng 2 chapters. Don't forget to leave votes and comments. Thanks and enjoy reading!

👹👹👹

2- Deklara ng Bathalumang Amadeus

Bagong Lilim, Mabuhay Street

"Cassandra, kung tunay ngang si Lory ang magpapabago sa itinakda, nasaan na ang kaniyang katawan? Hindi ko lubos maisip na hindi naging buhangin ang kaniyang katawan matapos siyang kagatin ng lasong dagta ni Lilia."

"Dahil siya ang idineklarang bagong manananggol ng Bathalumang Amadeus. Sa muling pagsasalpukan ng liwanag at dilim, may mamatay at mayroon ding mabubuhay
Sa tingin ko ay nasa Arcania na ang kaniyang katawan buhat nang kunin ito ng tagaroon. Hindi ko pa matukoy kung sino dahil malabo ang kaniyang imahe sa aking pangitain." Banggit ni Cassandra sa kaniyang ama na si Blesse.

"Pupunta tayo ngayon sa Arcania." Walang kagatol-gatol na sabi ni George.

Nagitla ang buong pamilya nang makita nila ito. Sa buong linggong pagluluksa ay ngayon lamang siya lumabas ng kuwarto.

"Ngunit anak, masyadong delikado ang pagpunta sa Arcania. Kahit nagapi natin ang kampo nina Lilia, hindi tayo nakakasiguradong ligtas ang ating buhay." Nag-aalalang sabi ni Penelope.

"Kung ayaw niyo, ako mismo ang hahanap kay Lory...kasama man kayo o hindi."

"Pero anak...George!"

Mabilis siyang lumabas ng bahay at di alintana ang pagtawag kaniyang pangalan.

Wala nang nagawa pa ang mag-asawang Brukes kahit pa ang magkakapatid.

👹👹👹

Virtus, Arcania

Natapos ang selebrasyon bago magdapit hapon. Kainan, sayawan at tugtugan ang nangyari sa buong maghapon na iyon. Ngayon ay kasalukuyan na kaming nasa kalesa patungong kastilyo.

Tila hindi ako mapakali sa aking kinauupuan buhat nang kunin ni Prinsipe Judiel ang aking mga kamay na kanina pang hindi inaalis.

Matapos ang ilang mga oras ay nakarating na kami sa kaniyang palasyo. Inabot niya ang kamay ko sa aking pagbaba sa magarang kalesa.

"Prinsipe Judiel..." Paunang salita ko.

"Bakit? May nais ka bang sabihin?"

"Yung usapan natin kanina, gusto ko nang masagot at malaman ngayon."

Ang kanina niyang masaya at nakangiting mukha ay unti-unting naglaho. Tila hindi niya nagustuhan ang mga sinabi ko na naging dahilan upang mabago ang kaniyang ekspresyon.

"Ah...ayon ba? Puwede bang ipagpaliban muna natin ngayon? Alam kong pagod ka kaya pagpapahingahin muna kita."

"Alam kong pinipilit mong iwaglit sa aking isipan ang maraming katanungan na siyang dapat kong malaman, tama ba Prinsipe Judiel? Kahit pagpahingahin mo ako ay hindi ako matatahimik o di kaya'y makakatulog dahil sa mga agam-agam. Kaya pakiusap, ayokong bumali ka sa ating napagkasunduan. Kung gusto mong pagkatiwalaan kita, tumupad ka sa sinumpaan mong pangako."

Napahinga siya ng malalim at napatango.

"Sige, kung iyan ang susi upang pagkatiwalaan mo ako, gagawin ko. Halika sa aking silid, doon natin pag-uusapan ang lahat."

👹👹👹

Arcania: The Rebirth of Lory ✓Where stories live. Discover now