Kabanata 15: Ang pagsabwat

228 32 0
                                    

15- Ang pagsabwat

Virtus, Arcania

Mula sa labas ng Arcania,  matayog na nakatayo si Gabriel sa mismong harapan ng tarangkahan nito. May mga kawal ang nagsitaasan at tinutukan ito ng pamana. Tinaas nito ang dalawang kamay na simbolong walang gagawing masama.

"Hindi ako naparito para makipaglaban. Kailangan ko ang tulong niyo." Sigaw nito mula sa ibaba.

Ilang saglit pa'y umugong ang trumpeta at unti-unting bumukas ang tarangkahan. Siya'y naglakad nang diretso hanggang sa makapasok.

Sinalubong siya ni Hudlum at tinanong kung ano ang pakay.

"Nais kong makausap ang prinsipe."

Sinunod naman ito ni Hudlum at dali-daling pumunta sa silid nito. Makaraan ang ilang minuto ay bumaba na ang prinsipe.

"Anong kailangan mo?" Mababang tonong pagkakasabi ng prinsipe. May inabot na isang lagdaan ang kaniyang kanang kamay na nagpakunot sa noo.

"Ikaw ay anak ni Haring Argus."

"Oo ngunit--"

"Ano mang sabihin mo ay hindi ko mapagbibigyan. Anak ka ng malaking kaaway kung kaya't isa kang hindi mapagkakatiwalaan." Pagpuputol nito.

"Kung ipinadala ka lamang ng ama mo para manggulo rito ay maaari ka nang umalis. Kung hindi, hindi ako magkakamaling kitilin ang iyong buhay." Pagtatapos ng prinsipe bago tumalikod.

"Isa akong nag-aklas!" Buhat nang sabihin iyon ni Gabriel ay napahinto sa paglalakad ang prinsipe. Muli itong humarap at liwanagin ang sinabi.

"Sapat na ba iyon upang ako'y iyong pakinggan at pagkatiwalaan?"

"Sa paano mong paraan mapapatunayan na ikaw nga'y nag-aklas sa iyong ama?"

"Sasabihin ko ang mga nalalaman ko patungkol sa kanilang hakbang maging sa pagkuha ng bagong sinugo."

Natigilan ang prinsipe at hindi nakapagsalita. Pilit na hinihindian ng kaniyang isipan ang pagtanggap sa estranghero ngunit kung ito naman ay makabubuti sa kaligtasan ng sinugo, gagawin niya ang lahat upang makamtam iyon.

"Iyon ay kung papayagan mo akong mamalagi rito dahil umalis na ako sa aking tinutuluyan. Alam kong hindi magdadalawang isip ang aking ama na kitilin ang aking buhay sa oras na madatnan niya ako sa paligid. Tanggapin mo ang alok ko dahil pareho tayong makikinabang. Ako, para sa aking kaligtasan, habang ikaw, ang kaligtasan ng sinugo."

Binulungan ni Hudlum ang prinsipe at sinabing tanggapin ang alok nito. Hindi na nagdalawang isip ang prinsipe kaya napa-oo rin ito sa huli.

"Kung gayon, maligayang pagdating sa Virtus. Inaasahan ko na makikipagtulungan ka sa amin upang masugpo ang kasamaan ng iyong ama."

"Argus. Hindi ko na siya tinuturing na ama kaya Haring Argus na lamang ang iyong banggitin." Pagtatama nito.

Mula sa pag-uusap ay hindi nila namalayan na bumaba mula sa itaas ang nananamlay na si Lory. Kaagad naman itong inalalayan ni Prinsipe Judiel at pinakilala ang bagong arcanian.

"Ako si Gabriel, ikinagagalak kitang makilala, Lory." Sambit ni Gabriel sabay kuha ng kamay ni Lory at ito'y hinalikan.

Napangiti na lang si Lory at tinanguan ang estranghero.

👹👹👹

Arcania: The Rebirth of Lory ✓Where stories live. Discover now