Kabanata 30: Ang pagligtas (2)

152 25 0
                                    

Kabanata 30: Ang pagligtas (2)

Chateau, Arcania

Mga matang nagmamasid sa dilim. Naglalawa ang mga bibig na hayok makalasap ng dugo. Ang mga isipa'y nakarehistro na magwarak ng leeg at sipsipin ang gilid nito.

Naudlot ang paglalakad ng sinugo pati na ang dalawang lalaki nang palibutan sila ng mga bampira. Sa dulo ng mga batalyon ay matayog na nakatayo sina Henah at Creus na naglalaro ang isipan. Hindi sila nagkamali na susulpot ang sinugo upang iligtas ang mga magulang nito.

Ibayong galit naman ang namumutawi kay Lory nang makita niya si Henah. Nagtatagis ang kaniyang kalooban at gusto nang idapo ang mga kamay para sunggaban ito.

Nagbigay ng hudyat si Creus para lusubin ang tatlo. Kasabay nito ang pag-alis nila sa pinangyayarihan. Gusto sana nitong sundan ni Lory ngunit hindi niya kayang iwan sa pakikipaglaban ang dalawa. Napasigaw na lamang siya sa halo-halong emosyon at ibinuhos sa mga bampirang sumasalakay.

👹👹👹

"Como no westa Lory el dos puwertos kuro." (Nandito na ang sinugo at may kasama itong dalawang lalaki). Mahinahong banggit ni Henah habang matamang nakatingin sa kanilang bihag.

"Mabuti naman kung ganoon. Nalalapit na ang pagkabuwag ng propesiya." Mahihimigan ng pagkagalak na sabi ng hari.

Napagawi ang tingin ni Creus sa lobong nakakulong sa parihabang kulungan.

"Anak ko 'yan kung nagtataka ka. Huwag kayong mag-aalala, hindi na 'yan makakatakas pa." Panira ng hari sa nabubuong kuryosidad nito. Umungol si Gabriel sa labis na sakit na nadarama ngunit naroon ang paniniwalang maililigtas din siya ng sinugo.

👹👹👹

Ilang minuto ang nakalilipas ay matagumpay na nagapi nina Lory ang mga bampira. Nagkaroon ng galos sa kabilang braso si Prinisipe Judiel at kita ng sinugo ang pamumutla nito.

Lumapit siya rito at idinampi ang kumikislap na kamay sa sugat. Ipinadaloy niya ang mga boltaheng enerhiya sa balat ni Judiel na magtatakip at maghihilom sa sugat.

Natigil ang panggagamot ni Lory nang makarinig sila ng ungol ng lobo sa labas. Mas idiniin niya ang paglapat ng kaniyang kamay sa balat ng prinsipe upang bumilis ang paglaganap ng boltaheng enerhiya.

"Tara na. Kailangan ng tulong si Gabriel." Pagmamadali ni Lory sabay labas ng silid.

👹👹👹

Arcania: The Rebirth of Lory ✓Where stories live. Discover now