Kabanata 27: Bagsik ng kapangyarihan (1)

147 25 0
                                    

Kabanata 27: Bagsik ng kapangyarihan (1)

Virtus, Arcania

Madugo. Ululong. Sagupaan. Espadahan at balian---ito ang patuloy na nangyayari sa kaharian ng Virtus matapos sumugod ang alagad ni Haring Argus. Kung maihahalintulad sa isang bagay ang mga kaganapan, tila isa itong pag-agos ng tubig dahil sa walang katapusan na labanan.

Sa kabilang banda, naidala na ni Henah at Creus ang mga magulang ni Lory na kasalukuyang walang malay. Padaskol-daskol na inihagis ni Creus ang katawan ng dalawa na siyang nagpaigik sa mga ito.

_

"M-mama, ang sinugo..." Nahihintakutan ngunit may pagkamanghang pagkakasaad ng bata sa kaniyang ina habang nakatingin sa kumikislap na katawan ng sinugo.

Halos ang lahat ay napagawi ang tingin sa kakaibang anyo ng kanilang tagapagtanggol na saglit na nagpahinto sa labanan.

Nagulat ang lahat nang bigla itong sumigaw at naglabas ng kulay asul na apoy na direktang pinuntirya ang mga kalaban. Walang anu-ano'y naubos ang mahigit kumulang na daan-daang bampira na ngayo'y abo na. Dahil dito, umunti ang kalaban kaya muling nanumbalik ang pag-asa ng mga taga-Virtus na tuluyang magagapi ang mga lumusob.

Mabilis na lumipad si Lory sa kinaroroonan ng bathaluman habang kinakalaban si Medeus. Batid ng sinugo na nanghihina na ang bathaluman dahil pinagsasabay nito ang paglaban sa alagad ni Haring Argus pati na rin sa kaniyang kapatid.

Nang hahampasin ni Medeus ng kaniyang latigo ang bathaluman, naalarma si Lory kaya't ginamit niya ang sanctus para mapigilan ito. Ginamit itong pagkakataon ng bathaluman na kaagad pinaulanan ng nagbabagang orbit ang katunggali.

Bumaba sa himpapawid si Lory at tumabi sa bathaluman. Tumingin siya kay Medeus habang suot ang ngising ngiti.

"Gayong alam ko na na gusto mo ang labanan, pwes...maaari kong ibigay ko sa iyo iyon. Magdasal ka na Medeus...dahil matitikman mo ang bagsik ko."

👹👹👹

Arcania: The Rebirth of Lory ✓Where stories live. Discover now