Prologo

1.9K 88 0
                                    

"Buhay siya kuya...buhay si Lory." saad ni Cassandra sa nananamlay niyang kapatid na si George.

👹👹👹

Kadiliman. Tila namanhid ang aking katawan nang kagatin ako ni Lilia sa ika-labing walo Setyembre, kabilugan ng buwan. Ungol at sigaw ang tanging naririnig sa buong paligid sa patuloy na pakikipaglaban ng dalawang panig.

"Lory!"

Ang huling katagang narinig ko bago manghina ang buo kong katawan at pagtamlay ng aking mga mata.

Matapos iyon ay wala na akong maalala pa. Hindi ko mawari kung buhay pa ba ako o hindi. Naririnig ang mga himig at tunog sa paligid ngunit wala akong lakas upang umimik o maigalaw ang parte ng aking katawan.

Tila isa akong buhay na bangkay. Nakadadama ngunit hindi makagalaw.

Sa isip-isip ko ay nasa kabilang buhay na ang aking kaluluwa.

Ang nakapagtataka ay bakit purong kadiliman lamang ang aking nakikita.

Kasalukuyan akong naglalakad sa kawalan. Walang tamang direksyon o patutunguhan. Ramdam ko ang lamig sa aking katawan at pilit pinapahina ang aking kalamnan.

Nasaan na nga ba ako?

Isang tanong na palaisipan at misteryo na aking maituturing.

Nagpatuloy ako sa paglalakad nang makarinig ako ng isang ungol. Hinanap ko ang pinanggalingan niyon at nagbabakasakaling ito ang makasagot ng aking agam-agam.

Habang ako ay naglalakbay ay palapit nang palapit ang ingay. Sumiklab ang pag-asa sa aking katauhan sa kadahilanang matutunton ko na ang maaaring makatulong sa akin.

Hanggang sa ako'y napahinto sa nakita.

Dalawang pares ng mata na kulay pula. Nagliliyab ito at nanlilisik na nakatingin sa aking gawi.

Napaatras ako sa takot. Unti-unti itong lumalapit sa akin kaya ako'y napatakbo.

"Lubayan mo ako!" Hingal at pangamba kong sambit habang tumatakbo para sa aking buhay.

Napatid ako sa isang bagay dahilan upang matumba ako sa lupa. Pumatak ang aking luha habang tinitingnan ang bagay na nasa aking harapan.

"Aaaaahhhh!" Sigaw ko nang sunggaban ako nito nang walang kaamog-amog.

👹👹👹

"Aaaaaahhhhh!"

Napasigaw ako at napabangon sa kinaroroonan.

"Mahal na prinsipe! Ang inyong panauhin ay nagising na! Inuulit ko, ang panauhin niyo ay gising na!" Rinig kong sigaw ng isang hindi pamilyar na tao.

Napagawi naman ang aking mata sa bagong dating na maskuladong lalaki. Kung pagbabasehan, matatawag nga itong prinsipe dahil sa katangi-tangi nitong kaanyuan. Ngumiti ito sa akin at binanggit ang aking pangalan.

"Kinagagalak kong makita kang buhay, Lory. Maligayang pagdating sa iyong bagong tahanan...ang Arcania."

"A-arcania?"

👹👹👹

Arcania: The Rebirth of Lory ✓Where stories live. Discover now